(A/N: Hi guys! Honestly, medyo nagdadalawang-isip ako kung i-e-end ko na ba ngayon ang The Genius’ Revenge para makagawa ako ng Book 2. Kasi sa next part, Shohoku na mismo at pati ibang Kanagawa teams ang makakalaban nila. Sa Book 1 kasi, more on practice, training, at ‘yung character development ni Sakuragi ang pinaka na-highlight — kaya naisip ko, baka mas okay kung dito ko muna i-end. Then sa Book 2 naman, full-on game scenes na, mas intense, mas action-packed.
Ano sa tingin niyo guys? Gusto niyo ba ituloy ko pa ‘to hanggang sa mismong laban nila, or hiwalay na Book 2 para mas tutok sa mga match nila?)
_
Chapter 30
Mainit pa rin ang paligid kahit tapos na ang laban. Ang tunog ng bola na tumatama sa sahig ay unti-unting nawawala habang isa-isang naupo ang mga player. Pawisan, at hingal na hingal, pero lahat may ngiti sa labi.
Ang ilan ay nakasandal sa pader, ‘yung iba naman ay tahimik lang na nakatingin sa scoreboard na nakapako pa rin sa score na iyon: sa pagkakataong iyon tila di parin sila makapaniwala sa naging resulta ng laban, kakaiba.
TEAM A — 69 | TEAM B — 61
Kahit si sakuragi na siya mismong gumawa ng ikapapanalo sa huli ay hindi rin makapaniwala sa nangyari. Hindi dahil sa nanalo siya — kundi dahil sa pakiramdam ng closure.
Ang lahat ng galit, duda, at bigat na dala niya noon mula sa Shohoku… parang unti-unti nang nabura. Parang sa pagkakataong ito'y parang ngayon lang siya muling nabuhay ng malaya at mas malayang makakahinga ng maluwag.
Ngayon, hawak niya ang bola. At sa bawat tulo ng pawis sa kamay niya, alam niyang bawat segundo ng game na ‘yon ay worth it para sakanya. Habang inaalala niya ang mga kaganapan kanina ay napapatulala nalang siya.
“Hey,” tawag ni Sendoh habang iniabot ang bote ng tubig. “You really went all out back there, ha. That last shot? Three-pointer? Seriously, since when did you even practice that?” pang'bibiro bigla ni sendoh dito
Napangisi si Sakuragi habang inaabot ang bote. “Since I realized na kailangan ko ring may maipakita sa mga senpai ko.” sagot niya na ang tinutukoy ay ang mga nakalaban niya ngayon at noong nasa kanagawa pa siya.
“Che. Lakas maka-cool guy mo ah,” sabat ni Rukawa habang pinupunasan ang pawis sa batok.
Ngumisi lang si Sakuragi sakanya. “Jealous ka lang, Rukawa.”
“Tch. Dream on.”
Tumawa si Sendoh sa dalawa. “And here we go again…”
Meanwhile..
Sa kabilang bench, nakaupo sina Maki, Fujima, Hanagata, at Taiga. Pagod na pagod pero halata ang kasiyahan sa mukha.
Si Maki, nakasandal sa bench, tahimik lang. Pero ‘yung tingin niya na kay Sakuragi — puno ng pride, hindi bilang kalaban, kundi bilang isang mentor figure. Hindi niya inaasahan na ilang buwan lang ang nakalipas mag mula ng huling laban nila face to face, nung nasa Shohoku pa ito. Pero ito ngayon, sobrang laki ng pinag bago niya sa ugali at maging sa paglalaro.
“Ang hirap palang kalaban ng sariling tinuruan mo,” sabi ni Fujima habang pinupunasan ang pawis gamit ang towel.
(A/n: Ang gusto lang sabihin ni Fujima is, noong mga panahon na naglalaro pa sila dati, madalas nilang asarin o i-mock si Sakuragi dahil baguhan pa siya at halos wala pang alam sa basketball. Pero kahit gano’n, alam nila na may potential talaga si Sakuragi. Kaya in a way, kahit hindi nila siya tinuruan directly o hands-on, naging parte pa rin sila ng growth niya — kasi yung mga salitang binitiwan nila noon ang naging motivation ni Sakuragi para magsikap at patunayan ang sarili niya.)
