chapter 9

180 16 8
                                    


The GENIUS revenge

Chapter 9

****

"Captain? Ayos ka lang ba?" Danggil na tanong ni ichinoya sa captain nilang si taiga, nanahimik kasi ito bigla matapos marinig ang anunsyo ni sakuragi kanina.

"Totoo ba iyong narinig ko kanina? Sinabi niya ba talagang sa atin siya magpapatuloy ng pag babasketball?" May himig pa rin sa boses nito ang hindi makapaniwalang pagpapahayag ni sakuragi kanina.

"Captain naman, parang hindi mo kilala ugali 'nung taong tinutukoy niyo, alam niyo namang baka nang aasar lang iyon kasi kaharap niya iyong mga taong nang mamaliit sa kanya." Anas ni taka, sumang ayon naman si ichinoya sa narinig mula kay taka.

"At hindi niya rin naman ugaling mag salita ng tapos kung hindi niya rin naman kayang panindigan, diba?" Pagtatanggol naman ni taiga kay sakuragi, napakibit balikat ang dalawa at nailing.

"Cap, kung iyon naman pala paniniwala niyo nung umpisa, bat kailangan pa natin siyang kulit kulitin diba? Ang sabi niya ayaw niya na maglaro," Saad pang muli ni ichinoya

"Pinag uusapan natin iyong taong napamahal na sa paglalaro ng basketball, at napakalaking kawalan din kung sasayangin natin ang oportunidad kung susuko na agad tayo. Maganda na iyong sinubukan na muna natin ng paulit ulit kesa naman mag Sisi tayo diba?" Ngumiti si taiga sa mga ito kaya nagkatinginan naman ang dalawa.

"Sabi mo coach e, syempre maniniwala na kami at susunod." Sagot ng dalawa

"Tara na nga, sundan na natin siya.. Baka mamaya mag bago na naman isip non." Anas ng kanilang captain

Sa kabilang dako, kung saan tumatambay si sakuragi at ang mga kaibigan nito, tahimik lamang na nagmamasid si mito dito. Inaalala kasi nito ang binitawang salita nito kanina habang nagtatalo sila kanina.

"Hanamichi?" Tawag pansin ni mito sa kaibigan na nakatanaw sa ibaba, nasa rooftop kasi ang mga ito para tumambay.

"Bakit?" Tumingin si sakuragi sa kanya ng ilang segundo bago muling tumingin sa ibaba.

"Iyong tungkol kanina na sinabi mo? Totoo ba iyon?" Tanong ni mito na nakapag pabuntong hininga kay sakuragi.

"Siguro. Hindi ko alam, bigla nalang lumabas sa bibig ko ng makita ko silang tatlo kanina na paparating, siguro ay dahil pinagtutulungan ako kanina kaya na sabi ko iyon ng hindi man lang napag iisipan." Medyo nakahinga ng maluwag si mito dahil doon.

Ayaw kasing bigla nalang aalis ang kaibigan niya at ang layo ng Shibuya sa kanagawa.

"Pero.. Parang gusto ko rin subukan na pumasok doon at matuto ng bagay bagay na bago para sakin, hanggat nag'stay kasi ako dito mas lalo lang nila akong mamaliitin." Natahimik si mito, ang tatlong nagkekwentuhan ay natahimik dahil sa narinig mula kay sakuragi.


"Edi, mapapalayo kana niyan samin.." Nagkibit balikat nalang si sakuragi bago bumuntong hininga.


"Napamahal na ako sa basketball, akala ko 'nung una wala lang sakin kahit mawala ako sa paglalaro na yan, dahil si haruko lang naman ang nagtulak sakin na gawin yan. Hanggang sa maadapt ko na sa sarili ko at nagustuhan ko narin eventually." Saad ni sakuragi na nangingiti pa sa ala alang naglalaro pa siya kasama ang dating team.



"Kung saan ka naman masaya, suportado ka naman namin. Ang kaso, malimit mo na kaming makikita dahil ang layo ng Shibuya sa kanagawa." Ngumisi si sakuragi sa sinabi ni mito



Hanggang sa may tumikhim mula sa likod nila at napatingin sila sa tatlong lalaki na nakatingin kay sakuragi.


"So, payag kana na saamin ka magpapatuloy ng paglalaro mo?" Nakangiti at halatang masaya talaga ito.


"Tama si mito, malayo ang Shibuya at nandito ang bahay ko. Wala akong matitirahan doon kaya Hindi ko alam kung sainyo ako magpapatuloy ng pag aaral at pagbabasketball O pwede namang sa school nalang na nandito ako magpapatuloy." Agad na Umiling si taiga kaya napatingin si taka at ichinoya sa kanilang captain.



"Hindi. Hindi na kailangan, malawak naman ang tinitirahan ko doon, anytime pwede ka doon.. Kung ayaw mo naman e, pag may nahanap ka nalang na trabaho tsaka mo nalang ako bayaran." Naguguluhan na talaga ang dalawa sa inaakto ng kanilang captain, ang tindi ng pagkahumaling nito kay sakuragi dahil lang sa basketball.


'Kung tutuusin ay hindi rin sure kung magtatagumpay ba silang mailabas ang galing nito sa basketball e.' Anas ni ichinoya sa isipan


"Bat mo ba ginagawa ito? Wala naman akong kakayahan na ipanalo ang team niyo sa oras na makasali ako sainyo, tsaka hindi ka ba natatakot na baka sa oras na patirahin mo ako sa bahay niyo e, nakawan ko kayo?" Seryoso ang titig at boses na ani sakuragi dito.


Ngunit Umiling naman si taiga sa sinabi ni sakuragi at pagkaraan ay natawa.



"Ikaw ang bahala, basta ang mahalaga ay sa Shibuya kana mag aaral at maglalaro." Anas ni taiga, napakamot sa ulo si ichinoya at napatingin si taka nang hindi makapaniwala sa kanyang captain.


"Teka nga? Bakla ka ba? Type mo ko?" Natahimik ang lahat sa biglaang pagtatanong ni sakuragi maging si taiga ay nagulat sa sinabi nito at Maya Maya pa ay malakas itong natawa.



"Oh! Shit! HAHAHAHAHA of course not, Hindi ako bakla at mas lalong hindi kita type, mahirap ipaliwanag basta.. Gawin mo nalang ang sinasabi ko sayo. Ako na bahala sa pagpasok mo doon at magiging tirahan mo.. Atsaka, Hindi lang naman ako ang nakatira doon." Nakangiting saad ni taiga



"Mukhang wala na pala akong kawala kasi ikaw na lahat nag desisyon e. Tutal, ikaw na nag offer, sige.. Papayag na ako, pero sa isang kondisyon gagawin ko ang gusto ko sa oras na makasali ako sa inyo sa paglalaro." Tumango si taiga ng walang pag aalinlangan at naiiling naman ang dalawang nasa likuran.



"Pambihira captain, Sana ganyan ka rin kaluwag samin no? Napag hahalataan ka tuloy na may favoritism ka. Baka pag nalaman pa yan nila daichi, Ichigo, Calvin at Draco.. Ikaw din ang mahirapan." Pag papaalalang saan ni taka sa kanilang captain



"Maiintindihan naman siguro nila sa oras na pagmeetingan natin lahat yan, sa ngayon ang priority natin is maging komportable si sakuragi."



"Iwan ko sayo, captain. Sa kanya ka lang naging ganyan e, si manager kaya matanggap kaya siya. Mas masungit at mahigpit iyon kesa sa iyo e." Anas pa ni taka, hindi nalang nakikisabay si ichinoya dahil wala naman siyang sasabihin dito, Hindi rin naman nakikinig ang captain nila kaya useless din.



"Ako na bahala, wag na nga kayong mamroblema dyan, labas naman kayo sa oras na mag tanong siya kung bakit hindi niyo ako mapigilan." Ani taiga



"Ayy bahala ka na nga captain, hindi ka rin naman nakikinig samin." Anas ni taiga bago tinap sa balikat si ichinoya at sabay na naglakad paalis.


"Hayaan mo nalang ang dalawang iyon, btw. Kailan mo gustong umalis?" Tanong ni taiga kay sakuragi



"Sa susunod na bukas na, hindi pa ako nakakaasikaso ng mga papeles ko dito sa school at gamit sa bahay." Tumango si taiga dito



"Sige, ako na bahala sa papers mo dito sa school ikaw naman bahala sa gamit mo sa bahay niyo. Sige, aalis na ako para maasikaso ko na."

Nagkatinginan si mito at sakuragi, ang weird kasi nang inaasta ni taiga.


"Mukhang type ka talaga non, hanamichi. Halata e." Natatawang pang aasar ni takamiya.



"Tss. Iwan ko sayo, taba."

'Basta, bahala na kung ano nangyari sa oras na makapasok ako sa Shibuya at sa basketball team nila. Basta may Mapatunayan lang Kila mitsui okay na ako doon.' Anas ni sakuragi sa kanyang isipan.





The GENIUS revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon