"Hindi ka pa ba titigil mitsui? Napaalis mo na si sakuragi bat parang hindi ka pa masaya?" Nakakunot noong saad ni rukawa na hindi na mapigilang mag tanong dito, masamang tinignan ito ni mitsui pabalik bago suminghal.
"Hanggat nakikita ko siya sa aking landas, hindi ako mananahimik nalang ng basta.." asik na sagot nito, naiiling na nagkatinginan si miyagi at rukawa.
"Hindi namin alam kung saan na ba nagmumula ang galit na nararamdaman mo doon sa tao, eh kung tutuusin e wala namang ginagawa sayo si sakuragi." Muling saad ni rukawa, hindi nag sasalita si miyagi dahil kahit siya ay aminado na nagkasala siya kay sakuragi.
"Wala naman siguro akong dahilan para sabihin sayo mga rason ko, dahil sa una sa lahat hindi naman kita kaibigan para pagkatiwalaan ko ng mga sekreto ko." Pabalang na sagot ni mitsui kay rukawa, nag init ang mukha ni rukawa dahil sa inis na nararamdaman dahil sa sinagot sakanya ni mitsui.
"Kahit kailan mitsui, hinding hindi ka magiging malaya kung palagi mong paiiralin yang galit na nararamdaman mo." Huling saad ni rukawa bago nito binangga si mitsui sa braso, naiwan si miyagi at mitsui, nakatingin si miyagi kay mitsui.
"Wag mong sabihing kumakampi kana kay sakuragi?" Maangas na saad ni mitsui, tinititigan lamang ito ni miyagi bago bumuntong hininga ng malalim.
"Hindi ko naman talaga ginusto iyong ginawa natin kay sakuragi, mitsui. Ginawa ko lang iyon dahil kaibigan kita at ramdam ko rin na may dahilan ka kung bakit mo iyon nagawa sakanya.. Pero sa kaso mo ngayon parang may ginawang kasalanan iyong tao sayo para gawin mo yan sakanya."
"Paulit ulit nalang ba tayo sa mga salitang yan? Naririndi na rin kasi ako sa kakasagot sa walang kwentang bagay. Kung ako sayo, atupagin mo iyang sarili mo, akala mo ba mapapatawad ka ni sakuragi sa ginawa mo sakanya? Kasama ka rin nung mga panahong pinalayas siya.." natigagal si miyagi sa sinabi ni mitsui dahil totoo naman ang sinabi nito, nandoon siya habang nakikitang nahihirapan ito nakausap si coach anzai, mga pag paparatang na hindi naman nito talaga ginawa sa umpisa palang.
"Hindi pa naman huli ang lahat para humingi ng tawad sa kanya mitsui, si sakuragi hindi naman ganon katigas ang puso niya para hindi mag patawad." Ani miyagi, hindi nakaimik si mitsui pero pagkaraan ay dumilim lang ang mukha nito bago tumalikod at nag lakad na palayo.
Ang tatlong kalalakihan mula sa shibuya high ay pursigido parin sa balak na makumbinsi si sakuragi na mapunta sa kanila ito, hindi talaga sila sumusuko dahil malaki talaga ang potensyal ni sakuragi.
"Captain, hindi ko parin makita si sakuragi." Bulalas ni ichinoya, inililibot kasi nito ang paningin sa paligid, kung saan ngunit nababahala din sila dahil nasa loob sila ng shohoku school at ang daming nakatingin sa kanila.
"Mag tanong tanong nalang tayo, baka sakaling may nakakita sa kanya." Saad ni taiga sa mga ito, napatango ang dalawang kasamahan bago sila nakakita ng babae na nag lalakad patungo sa kanila.
"Excuse me, miss? Pwede ba kaming mag tanong?" Napatingin sa kanila ang babae at pagkaraan ag nanlalaki ang mata
"S-shibuya team? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ng babae, nagkatinginan ang tatlong lalaki sa tinanong nito..
"ahm, nagbabakasali lang na matulungan mo kami.. nakita mo ba si sakuragi? Pwede mo ba siyang ituro kung saan ba siya madalas nagpupunta?" Tanong ni taiga sa magalang na paraan, namula naman ang mukha ng babae dahil sa ginawa ng lalaki.
"W-walang problema, ngunit anong kailangan niyo kay sakuragi na kateam namin?" Napakunot ang noo ni taiga samantalang may pagtatanong naman sa mukha ng dalawang kasamaha nito.
"Kateam? You mean? You are the manager?" Tanong ni taka sa babae, tumango ang babae na walang pag aalinlangan.
"Oh! Paumanhin, hindi ka namin napansin kahapon nung una kaming dumalaw dito. Btw, ako si taiga ang captain/coach ng team shibuya, sila naman si ichinoya at taka mga member din sila ng shibuya basketball team." Pagpapakilala ni taka sa magalang na paraan.
"Muli kong kinagagalak na makilala kayo shibuya team, ako nga pala si ayako.. ang manager ng shohoku team." Saad ni ayako
"mabalik tayo sa tanong no kanina about sa kung bakit hinahanap namin si sakuragi. Nandito kami para kunin siya at iimbetahin maging officially member ng aming team." Nagulantang si ayako sa narinig mula kay taiga, napaawang ang kanyang bibig bago napapalunok na umiwas ng tingin.
"pag paumanhin niyo ngunit hindi kami makakapayag sa gusto mong mangyari, myembro ng team shohoku si sakuragi kaya hanggat na samin siya hindi niyo siya pwedeng kunin ng basta basta." Natawa ng mahina si taiga sa narinig
"Correction ex member ng team shohoku, kasi ang pagkakaalam ko inialis na siya ng coach ninyo ng hindi man lang siya hinahayaang magpaliwanag sa nangyari. At bilang captain ng team shibuya at lubos na humahanga sa kakayahan ni sakuragi ay personal ko siyang pinuntahan dito para kumbinsihing sa amin na lamang siya. Wala namang masama sa ginagawa ko dahil hindi na rin naman siya sainyo." Anas ni taiga na nakapag patiklop kay ayako at hindi nakapag salita dahil sa naramdamang kahihiyan.
"Naiintindihan ko ang nais niyong gawin, pero hanggat nandito siya sa shohoku ay hindi kami makakapayag na tuluyan siyang makaalis sa grupo, pag uusapan pa namin ang nangyari." Anas ni ayako, mag sasalita pa sana ito ng makita nila si sakuragi na nakasandal sa isang puno sa di kalayuan sa kanila, mukhang naririnig nito ang pinag uusapan nila dahil blangko lamang itong nakatingin sa kanila.
" Nandito na naman kayo? Di'ba sinabi ko na ngang hindi ako interesado sa paglalaro ng letseng basketball na yan. Wala akong sasalihan ni isa sainyo kaya tumigil na kayo." Malamig ang matang saad ni sakuragi na tinignan pa si taiga at ayako ng malamig.
" alam naming ayaw mo na sakuragi, ngunit hindi rin naman ako susuko na kumbinsihin ka na sumali sa team natin.. gagawa at gagawa ako ng paraan para pumayag ka lang sa gusto namin." Anas ni taka na isa ring may lihim na paghanga sa kakayahan ni sakuragi subalit sa ugali ni sakuragi ay inis na inis ito.
"pwes, mapapagod lang kayo sa kakahintay at kakapunta dito sa wala, dahil kahit anong pag pupumilit ang gusto niyong gawin, hindi na ako muling maglalaro ng basketball." Anas ni sakuragi bago nakapamulsang nag lakad palayo. Napabuntong hininga na lamang si ichinoya at taka bago tinignan ang kanilang captain.
bahagya pa silang nagulat sa inasta nito, dahil nakangiti pa ang kanilang captain habang hinahabol ng tanaw si sakuragi mula sa papalayong bulto.
"babalik tayo dito ulit, kahit ilang beses pa.." saad ni taiga na kinanganga ng dalawa.
"pero captain, paano ang training natin para sa laban na magaganap sa sunod na buwan?" Tanong ni taka
"Mas priority natin makuha si sakuragi, kaya na ng iba pa nating member ang makakalaban sa next month."
"Okay captain, kayo ang bahala kami ang kawawa." Sabay na saad ng dalawa