The genius revenge
Chapter 13:
****
"Actually... May hindi ka alam sa mga nangyayari tungkol kay haruk--." Naputol ang sinasabi ni mito ng bigyan siya ng matatalim na titig ni sakuragi, halata sa mga mata nito na ayaw niya ang pinag uusapan kaya naitikom na lamang ni mito ang bibig.
"kahit ano pa ang naging dahilan niya, hindi magbabago ang katotohanang ganon ang tingin niya sakin, ginamit niya lang ako bilang laruan niya sa team na iyon." Asik ni sakuragi na pagak pang tumawa sabay ngisi ng malamig.
"Kung pakikinggan mo lang ang paliwanag ko, baka pag sisisihan mo na sinabi mo pa ang mga bagay na yan ngayon." Anas ni takamiya na ito Naman ngayon ang naglakas loob na magsalita.
"Wag niyo akong bigyan ng dahilan para kayo naman ang kamuhian ko, Wala akong pakialam sa babaeng iyon." Firm na firm na sagot ni sakuragi na tumayo pa mula sa pagkakaupo.
"Mauuna na ako sainyo, masaya ako na makita ko ulit kayo. Sana sa susunod na punta niyo, hindi na ulit mangyari ang usapan na ito." Anito bago tumalikod at naglakad na palabas ng cafe.
Si taiga Naman ay nagtago ng makitang padaan sa direksyon niya si sakuragi, nang makalagpas ito mula sa pwesto ni taiga ay tinignan niya ito ng ilang minuto bago napag pasyahang lumabas na rin.
Pagkalabas mula sa sliding glass door, kumaliwa na siya agad at nagsimula ng maglakad hanggang sa...
"Akala mo ba hindi ko alam na sinusundan mo ako, magmula pa kaninang paglabas ko ng school." Anas ni sakuragi na madilim ang anyo na nakatingin kay taiga na bahagya pang nagulat.
Tumayo naman ng tuwid si taiga at pagkaraan ay umiling sa kanyang sarili.
"Ano pang saysay ng pagtatago ko, eh Alam mo naman pala na sumusunod ako sayo." Naiiling na sabi ni taiga
"Hanggang ngayon parin ba ay wala ka parin bang tiwala sa pinag usapan natin? Sinabi ko na sayong hindi na ako babalik ng shohoku." Giit na ani sakuragi na nakikipag titigan pa kay taiga para lamang maipaunawa dito na nag sasabi siya ng totoo.
"Hindi ko na iniisip ang bagay na yan sakuragi, iba ang dahilan ko kung bakit ako palaging nakamasid sayo." Pagdedeklarang saad ni taiga na nakapag pakunot naman ng noo ni sakuragi.
"Anong dahilan naman yon?" Tanong pa nito pabalik
"Bakit naging mailap kana sa mga tao? Dati rati naman ay hindi ka ganyan." Seryosong panayam ni taiga kay sakuragi
Napangisi si sakuragi bago nakapamulsang tumagilid..
"Sinasanay ko lang ang sarili ko na wala ang presensya ng iba, mas gugustuhin ko na lang na mag isa kesa talikuran ka palang sinisira." Nagulat si taiga sa narinig, hindi Kasi nito inaasahan na sasagutin siya nito ng ganon.
"Hindi mo ba naisip na subukan ulit, ilang buwan ka na rin namang nandito at gustong gusto ka rin makilala pa ng iba pa nating kateam." Umiling ng bahagya si sakuragi bago tuluyang tumalikod.
"ayoko, hindi na importante para sakin kung may makakapuna ba sakin o Wala, ang gusto ko lang ay makamit ang goal ko. At iyon ay mapatunayang may pakinabang din ako gamit lang ang sarili kong pagsisikap." Anas ni sakuragi bago nag patiuna sa paglalakad.
Hindi pa tuluyang nakakalayo si sakuragi ng mapabuntong hininga ng malalim si taiga..
"Balak ko sanang sabihin sayo ang totoo..." Habol pa ni taiga ngunit tila binging naglakad palayo si sakuragi.
"Tsk! Bahala na nga, next time nalang siguro.." anas muli ni taiga sa sarili bago sumunod sa paglalakad.
Palabas na rin sa coffee shop ang apat na mga kaibigan ni sakuragi at seryoso namang tinitignan ni mito ang papalayong bulto ni taiga, gusto kasi sana nitong tanungin kung bakit kailangan nitong gawin ang mga bagay na iyon kay haruko para lang makuha si sakuragi.
"Mito, akala ko ba kakausapin mo iyong taiga? Kaya nga tayo pumunta dito kasi tatanungin mo siya sa totoo talagang nangyari." Anas ni takamiya, ilang segundong hindi nakapag salita si mito dahil sa malalim na pag iisip.
Dinanggil na lamang siya sa braso ni noma kaya nabasag ang malalim nitong pag iisip.
"Hindi na muna sa ngayon, kita niyo naman kung gaano kaayaw ni sakuragi na makinig sa atin diba? Wala rin tayong kasiguraduhan kung makikinig ba siya satin dahil sa nalaman natin." Ani mito na kinatango ng tatlo.
"Tara na, bumalik na tayo sa kanagawa, siguro sa susunod na lamang na punta natin doon natin siya tanungin." Muling sabi ni mito
Magbalik sa eskwelahan ng shibuya high, kakatapos lamang ng practice ng ilang myembro ni sakuragi ng pumasok ito. Bahagya pang nagulat ang mga kasamahan dahil hindi nito akalain na pupunta parin ito.
"Akala namin nakauwi ka na talaga sakuragi, hinahanap ka namin para sana mag practice tayong lahat." Anas ni tomoya
Tinignan siya ni sakuragi ng ilang segundo bago tinanguan, dumeretso ito sa mga nakatipong bola bago kumuha ng isa at nag simula ng mag dribble mag isa.
Nagkatinginan ang mga kasamahan nila dahil sa nakakagulat na pag response ni sakuragi sa naging tanong ni tomoya sa kanila.
"What was that?!" Gulat na anas ni ichinoya na tinapik pa sa braso si tomoya na natulala.
"Sira ka tol, iyon ang unang beses na pinansin ka niyan ah! Gagi, Sana all.." ani taka na namamangha parin.
Matagal na kasing balak ni taka na kausapin si sakuragi para mapalapit dito ng tuluyan kaso sa tuwing sinusubukan niyang kausapin ito ay natatakot siyang baka ignorahin lamang siya at siya pa ang mapahiya.
"Subukan niyo lang siyang batiin ng batiin, alam niyo naman may malalim na pinag daanan iyong tao bago mapunta satin diba?" Ani taiga na kinalingon ng ibang team dahil sa biglaan nitong pag sasalita.
"Capt. Akala namin nakauwi na kayo, magkasama ba kayo ni sakuragi kanina?" Tanong ni daichi
Tumango si taiga sa tinanong nito bago ito tumingin sa direksyon ni sakuragi na nasa kalagitnaan ng court na nagpapashoot ng bola.
"Sinundan ko dahil nakita ko siya kaninang papalabas ng school.. pumunta siya sa coffee shop para makipag usap sa mga kaibigan niya sa kanagawa." Napaawang ang mga bibig ng mga ito dahil sa narinig.
"Don't tell me capt, may dahilan kung bakit ang mga iyon dumalaw dito?" Tumango si taiga sa naging hula ni taka
"Narinig ko mga pinag usapan nila, at alam ko na ako talaga ang pakay nila mula sa simula dahil mukhang alam na ng mga ito iyong ginawa ko para lamang makuha si sakuragi sakanila." Napanganga sa gulat ang mga ito dahil sa biglaang pag sasabi nito ng mga iyon.
" Capt, ibig niyong sabihin kayo ang dahilan kung bakit kinamumuhian ni sakuragi ang team niya noon?" Mahina ang boses na tanong daichi
"Hindi naman dahil bago ko pa malaman ang alitan sa pagitan ni sakuragi at nang buong team shohoku sakanya pinaalis na siya.. tsaka may rason kung bakit sabik na sabik akong makita siyang muli at makasama.." nagtaka ang mga ito sa sinabi ni taiga sa huling mga salita.
"Capt, ano ibig mong sabihin sa huli mong mga sinabi." Tanong ni taka na nagtataka.
"Wala pa sana akong balak sabihin sainyo ang totoong dahilan kung bakit ko ba siya pilit na isinasali sa team natin.. Kaso, mukhang ito na ang tamang panahon para malaman niyo na... Si sakuragi...
Stepbrother ko siya."
****
A/n: tapos na rin sa wakas ang graduation namin, (july 13,2023) kaya makapag popokus na po ako sa pag susulat ng story.. congrats sa mga grumaduate din, I'm so proud of you guys! Keep on dreaming at laban lang habang kaya pa natin, wag kayong titigil hanggat hindi niyo nakakamit ang totoo niyong pangarap. Kung walang proud sainyo, maging proud po kayo para sa sarili niyo. ❤️ Lovelots!!✨Xoxo
; Breakerdreamer