Chapter 23Nang matapos ang time break, pumito ang referee indication na magsisimula na ulit ang kanilang laro. Hawak na ng team B ang bola at ipinapasok na ito ni ichinoya, sa pagkakataong ito iba na ang strategy'ng ginawa ni taiga para ipantapat sa team ni sakuragi. Nakapang zone defense ang mga ito kaya agad nagkatinginan si rukawa at sakuragi dahil posibleng mag ball rotation ang mga ito dahil sa distansya na meron ang mga kateam nito.
Napatingin si ichinoya sa direksyon ni daichi ng makitang nagbibigay ito ng hint, napangisi si ichinoya bago mabilis na nag cross over kay taka. Expected man o hindi ni taka iyon, alam ni taka na mabilis talaga si ichinoya.
"Bangis, pero hindi ibig sabihin non magpapatalo ako." Ani taka bago mabilis na humabol kay ichinoya subalit mabilis namang naipasa ni ichinoya ang bola sa direksyon ni tomoya na mabilis din namang ipinasa kay calvin. Hindi pa nakakapag ready sa pag babantay si Ichigo kay tomoya ay napasa na nito ang bola kay calvin.
Napatingin sila ng mabilis na drinibble ni calvin ang bola patungo sa direksyon ni taiga, kaya agad pumusisyon sa nagbabantay kay daichi na si draco patungo kay calvin dahil ito ang mas malapit ngunit napapreno ito sa pag takbo at agad pinasa sa direksyon ni daichi na ikinakamot ulo ni draco.
"The fuck! Naisahan ako.."
"Anong nangyari sayo pre? Focus!" Sigaw na ani taka bago tumakbo at iscreenan si daichi subali huli na para sa kanilang maabutan ang mabilis nitong pag jump kasabay ng pag release ng bola.
Team A - 20
Team B - 21"Lamang na sila ng isang puntos." Giit ni ichigo na hinihingal
"Pasensya na, hindi ko naisip iyong gagawing iyon ni calvin." Paumanhin na ani draco
"Hayaan niyo na, babawi nalang tayo.." ani rukawa na tinignan si sakuragi
"Gawin na ba natin?" Ani rukawa kay sakuragi
Ngunit umiling lamang si sakuragi pahiwatig na hindi pa iyon ang takdang oras para gawin ang strategy nilang dalawa.
"May plano ba kayo na hindi niyo sinasabi samin?" Lakas loob na tanong ni taka na nakatingin sa dalawa
"Wag mo nang tanungin pa yan, pre! Mukhang sila lang naman makakagawa ng tandem na iyon e. Mag focus lang tayo sa pag dedepensa dahil doon tayo nakukulangan." Ani ichigo na kinatango naman ng mga ito
"Pasensya na talaga.." hinging paumanhin parin ni draco subalit umiling lamang ang mga ito
"Hayaan mo na pre, pasensya na rin. Ayoko lang kasing matalo sa mga senior kaya ginagawa ko lahat para lang manalo sa practice nating ito." Ani taka
"Tama na ang usapan, mag sisimula na.. sakin mo agad ipasa ang bola taka." Ani sakuragi bago tumalikod at nag lakad na papasok.
Nagtaka man si taka at ang ibang kasamahan nito'y tumango nalang ito kahit na hindi naman nakita ni sakuragi ang ginawa niyang pag agree.
Pagka'inbound ni taka ng bola agad sumeryoso ang tingin ni taka kay ichinoya na nakatingin din sakanya ng seryoso.
"Magaling kayong mga junior, pero hindi ibig sabihin non papatalo na kami, mas madami parin ang naging experience namin kesa sainyo."ani ichinoya
"Bestfriend, shut up ka nalang, kay?" Sa isang malakas na pag talbog ni taka sa bola ay agad niya itong sinugod mula sa depensa nito.
"Hm. Mabilis din talaga ang isang to! Haha.." bilib na ani ichinoya bago hinabol si taka, subalit nagulat na lamang siya ng iscreenan siya ni ichigo kaya napangisi si taka sa kanya.
Maya maya pa'y dumating kay taka si tomoya subalit mabilis namang ipinatalbog ni taka sa direksyon ni sakuragi ang bola na agad din naman nitong nakuha .
Unang dribble palang alam na nilang pahirapan na naman sila sa pag predict sa gagawin ni sakuragi na atake sa kanila. Hindi nila makuha kung anong gagawin nitong atake kaya si taiga na nag babantay ay pinag mamasdan ng maigi ang kalkuladong pag dribbling ni sakuragi sa harapan niya.
Hanggang sa makita niya ang tip ng hintuturo nito, na naging dahilan ng pag babago ng talbog ng bola.
"Slow pace? Pero.. kung gagawin niya ang istilong yan, maaagaw sakanya ang bola." Ani taiga habang patuloy paring dinidribble ni sakuragi ang bola sa ganoon.
Nang magkaroon ng pagkakataon na sunggaban ni taiga ang ginagawang pag opensa ni sakuragi ay napapanganga na lamang siya ng mabilis nawala sa harapan niya si sakuragi. Ang kaninang bola na mahina lamang ang patalbog ay ngayon ay mabibigat na..
Hanggang sa maramdaman na lamang ni taiga na tumalon si daichi para makipag sabayan kay sakuragi subalit mabilis nitong na ipasa sa direksyon ni rukawa ang bola na walang nag babantay kaya napangisi si rukawa dahil doon.
"The hell! Ginawa din nila iyong ginawa ni daichi at Calvin kanina.." bulalas ni ichinoya na napatingin na lamang sa nakalutang na bola patungo sa basket nila.
Isang three point shot kaya napahiyaw si taka at ichigo sa nakita.
"Tangina, men! Iyon na ba iyong ipapakitang gilas niyo samin?" Ani taka na nangingiti ng makalapit si sakuragi sa kanila.
Team A - 23
Team B - 21"Ayossss, lamang na ulit tayo ng dalawang puntos." Tila kinikilig na ani Ichigo na inakbayan pa si draco na tahimik na mag mula kanina
"Huy pre, wag mo nang alalahanin pa iyong nangyari kanina okay? Nabawian na rin naman natin sila e. Ang angas nga ni sakuragi at rukawa e." Ani taka nang mapansing wala talaga sa mood si draco
"Nanliit lang ako sa ginawa ko." Ani draco
"Para ka namang baliw pre, nasa laro tayo malamang na mangyayari ang ganyang bagay kaya wag kang pang hinaan. Alam ko ring hindi ka sinisisi ng iba dahil binawian pa nga nila si calvin at daichi e." Pagpapalakas loob na ani Ichigo
"Tama siya pre, kaya chill.. pakitaan nalang din natin sila ng galawang draco.." ngising ani taka na swabeng nakatingin pa nang may pang aasar kay draco
"Tsk! Oo na, para kayong mga tanga.."
"Kami pa ba? O baka ikaw?"
*Prrrt* pito ng referee dahil tapos na pala ang oras sa first quarter
Second quarter game na nila, agad umupo si rukawa at sakuragi upang makapag pahinga.
Nakaramdam na marahil ng pagod, subalit si draco ay hindi parin umiinom ng inumin kaya ikinakabahala iyon ni taka at ichigo.
"Pre, uminom ka kahit isang bottle lang..hindi pwedeng walang tubig sa katawan mo, baka mas lalo ka lang mapagod sa ginagawa mo." Ani taka na hinagisan ng isang bottled water si draco
Hinihingal na lamang na tumango si draco habang hawak ang bottled water subalit hindi naman nito binuksan.
Another 20 minutes para sa second quarter..