Chapter 22Matapos ang time break na hiningi ng team B ay nag mistulang tensyonado ang lahat dahil sa kakaibang inilalabas ng captain nilang si taiga, naramdaman iyon ng kanilang koponan kaya nagkatinginan sila.
"Mukhang tama nga ang hinala natin, mukhang di magiging madali ang laban na ito." Ngising saad ni ichigo na inaayos ang head band sa kanyang buhok.
"Maging aware kayo sa gagawin nilang kilos, ngayon na mukhang seseryosohin na nila ang laban." Anas ni taka
Pumito ang referee indication na magsisimula na ulit ang laro, hawak ng team B ang bola kaya agad pumusisyon ang mga ito sa kani kanilang babantayan.
Hindi aware si sakuragi na sa mga oras na iyon, siya ang pag tutuunan ng pansin ng kabilang koponan.
Habang dini'dribble ni ichinoya ang bola papasok, mabilis niya na agad itong pinasa kay daichi na binabantayan naman ni rukawa.
Todo ang depensang ginagawa ni rukawa para lamang hindi makawala si daichi sa kanya, subalit mabilis na ipinatalbog ni daichi ang bola pakanan, patungo sa direksyon ni tomoya..
Nawalan ng balanse si draco dahil sa biglaang pag atake ni tomoya sakanyang depensa.
Napasinghal nalang si draco dahil doon, mabilis na iniiwasan ni tomoya ang ginagawang depensa ng kabila hanggang sa magawi siya sa left side ng court kung saan medyo risky ang posisyon subalit hindi naging alintana iyon dito.
Nang makita naman ni draco ang ginawa ni tomoya ay napangisi siya dahil sa wakas ay makokorner na niya na ito. Pero sa gulat na lamang ni draco ng makitang itinira agad ito ni tomoya kaya napahabol na lamang ito ng tingin sa bola.
"Masyado mong minadali, kaya di papasok yan." Saad na ni draco sa kanyang sarili
"REBOUND!!" malakas na sigaw ni draco
Subalit mabilis nawala ang focus ni sakuragi sa gagawing pag talon ng dahil sa pag back screen sakanya ni daichi at ichinoya..
Double screen, kaya ng dahil doon malayang nakuha ni taiga ang bola at mabilis na idi'nunk ito.
Napaawang nalang ang kanilang bibig sa pagkabilib at sa ginawang pag screen nila kay sakuragi.
"Damn! Sabi na e!" Gigil na ngising saad ni ichigo bago napatingin kay sakuragi na pinupunasan ang sariling pawis.
"Niceee! Captain.." sigaw na saad naman ni daichi at tomoya
Team A - 6
Team B - 4"Gulat ka rin no?" Saad ni rukawa kay sakuragi na walang imik kanina pa, bored naman siyang tinignan ni sakuragi pabalik bago nailing.
"Alam ko namang gagawin nila ang strategy na iyon dahil sa biglang ginawang stunt ni tomoya kanina, alam kasi nilang magagawan ng paraan ni taiga na maisave ang bola sa side nila. Pero di ko inaasahan is iyong double screen nila kanina na akala ko na si daichi lang ang gagawa." Mahabang lintayang saad ni sakuragi na ikinatango ni rukawa.
"Hmm, hindi ko akalain na observant kana ngayon?" Ngising saad pabalik ni rukawa
"Tsk! Wala akong panahon para makipag gaguhan sayo rukawa." Pabalik na laban ni sakuragi
"Ito naman ang pikon.. tsk! Gunggong." Bulalas ni rukawa bago ito iniwan dahil hawak na ni taka ang bola.
"Nice strategy!" Anas ni sakuragi kay taiga habang nakikipag pakiramdaman sa paligid.