chapter 16

173 12 3
                                    

Nang makapag bihis na nga sila sakuragi, agad silang dumeretso sa cafeteria upang kumain, sumama na rin ang ilang member ng basketball team kaya sobrang dami nilang naglalakad sa gitna ng corridor, agaw atensyon na naman ang kagwapuhang taglay ni sakuragi na pinangungunahan sa paglalakad, katabi nito si taiga at rukawa.

"Ibang klase talaga pag si sakuragi ang kasama no? Instant sikat na kaagad sa mga girls." Ngising sabi ni calvin na inakbayan si draco na walang pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid.

"Sa dami natin na nagsabay sabay sa pagkain, wala tayong mauupuan." Biglaang saad ni toru ng maalalang halos 13 silang kakain ngayon.

"Tss, wala kanang dapat alalahanin pa toru my friend, nagawan ko na nang paraan iyan noon pa. Nagpagawa ako ng sarili nating pwesto sa gitna ng cafeteria." Napanganga si toru sa narinig ng sabihin iyon ni ichigo na isa sa mayaman. Isa rin kasing share holder ang ama nito kaya lahat ng gusto ay nakukuha.

"Oh! Astig mo talaga pre, ibang klase din kapag lahat nakukuha no? Daddy ko kasi, hanggang ngayon galit parin sakin." Ani calvin na kakamot kamot sa batok.

"Tungkol parin ba yan sa taekwondo na gusto ng daddy mo para sayo?" Tanong ni taiga dito

Tumango naman si calvin sa naging tanong nito habang may kiming ngiti sa labi.

"Ano pa nga ba captain, eh si daddy lang naman ang teacher slash namumuno ng club dito sa shibuya, ang gusto niya sundan ko ang yapak niya at balang araw ako ang papalit sakanya, hell no!" Tila nangingilabutang ani pa nito na ngingiwi ngiwi

"Ayt, sa daming tao ngayon, buti nalang naisipan mong magpalagay ng sarili nating upuan at lamesa." Anas ni draco na tinanggal na pala ang headphone.

"syempre naman, hindi naman ako makakapayag na  maghihintay pa tayo para makaupo lang. Okay na din naman ang naging spot natin e. Tayo ang centro nilang lahat." Nakangising anas ni ichigo

"Lalo tuloy naattract ang mga babae kay sakuragi, halos mabali na ang leeg kakapihit, pambihira." Pabirong sabat ni taka na dinunggol pa si sakuragi sa braso, nakakamatay na tingin ang ginawad sa kanya ni sakuragi bago tumayo at tumungo sa pila.

"Mag oorder ka na ba?" Tanong ni taiga subalit di siya binigyang pansin ni sakuragi dahil nag patiuna na ito sa pag lalakad sa di gaanong mahabang pila.

"Haha, pipila parin pala tayo.." ani toru

"Suss, dakilang tamad ka talaga, pati ba naman pag pila tatamarin ka pa." pang gagatol ni taka sa kanya bago nailing.

"Tangina nito, kailan ka pa natutong mangialam ng buhay ng iba?" Asik ni toru pabalik.

"Magsi tigil na nga kayo, ang daming nakatingin sa ating mga babae, gayahin niyo si sakuragi at rukawa, walang pakialam sa paligid." Bulong ni sita sa kanila ni calvin

"Pambihira, Ayoko nga. Bakit ko naman gagayahin si sakuragi?" Pabalang na balik tanong ni toru

"Tss, oo nga pala, nakausap ko iyong pinsan ko kanina, nakiusap kung Pwede raw siyang makisabay sa atin mamaya?" Ani ichigo

"Sheesh! Seryoso ba pre? Astig, Sige Sige payag.." masayang pag tanggap ni ichinoya

"Gago, hindi naman tayo ang dahilan kung bakit iyon makikiupo sa atin e." Pagpigil ni ichigo sa delusional na si ichinoya

"Ayyyy mukhang alam ko na kung sino, HAHAH!" Natatawang sabi ni daichi, nginuso pa iyong pwesto ni sakuragi kung saan bumibili na ng pagkain.

"Tangna, oo nga pala, nagkita na sila kanina." Ani taka na tila nadismaya ng maalalang si sakuragi ang gusto ni ayesha.

"Pero pre, ano ba talaga dahilan ni ayesha at mukhang si sakuragi ang napag tripan?" Tanong ni calvin, kilala kasi si ayesha na marami ng nareject dahil mapili ito sa isang lalaki. Kung baga, Gusto Niya iyong nacha'challenge siya.

The GENIUS revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon