chapter 21

107 8 6
                                    


Chapter 21

Nasa team A na ang bola which is ang team ni sakuragi ang may hawak nito at ipinapasok na ito ni taka. Gaya ng strategy nung una mukhang nabasa din ng katunggali nila ang gagawin kaya agad ang mga itong nagbantay sa kanila, naka form ang mga ito ng man to man defense kaya mga nakadepende sa mga oras na iyon ay ang kani kanilang sariling abilidad.

Nakita ni taka na medyo nahihirapan siyang ipasa ang bola dahil sa tindi ng konsintrasyon ni ichinoya na nagbabantay sakanya.

Sinusubukan niyang baliin ang depensa nito subalit na papabalik lamang siya.

"Ano na bestfriend? Akala ko ba sabi mo kayo ang mananalo ngayon?" Ngising pang aasar na saad ni ichinoya kay taka

Ngumisi si taka sa sinabi ni ichinoya, upang idivert ang nalilitong pakiramdam kailangan ipakita ni taka na mayroon parin siyang natitirang istratehiya.

"Hindi pa naman ubos ang oras bestfriend, sa dami ko na pwedeng gawin para lang manalo isa na ito sa gagawin ko.." In a quick move, it seemed like Taka disappeared like a bubble in front of Ichinoya due to his unexpected attack.

Nakita na lamang ni ichinoya ang sarili na nakatulala hanggang sa makita niya ang mga kasamahan na tumatakbo pataas kaya sumunod na lamang siya.

"That's was a quick attack, hindi ko man lang nasundan ang mga ginawa niyang pag atake sakin." Anas parin ni ichinoya sa sarili

Kahit ang katunggali nilang si daichi, tomoya at taiga ay naaamaze sa ipinakitang quick attack ni taka na sobrang kinahanga nila.

"Good job, taka!" Ngising saad ni draco na nakipag apiran pa dito ng maishoot ni ichigo ang bola ng easy lay up.

Team A - 4
Team B - 2

Hinihingal na tumango si taka bago tinignan si rukawa at sakuragi na wala paring reaction na nakikita sa mga mukha nito subalit kakaiba ang napapansin ni taka sa mga nag kikislapan sa mga mata nito. Isa lamang ang nasesense ni taka, nananabik ang dalawa sa laban na ito.

Napalunok na lamang si taka bago tinignang muli si draco upang bigyan ng hint sa ipinapakitang aura ng dalawa subalit tumalikod na ito para umalis.

"Mukhang kaabang abang ang mangyayari ah! Hindi na ako makapag hintay na makita ang gagawin ng dalawa." Nakapangising lihim na saad ni taka

Muling nag patuloy ang laro, this time si daichi na ang may hawak ng bola dinidribble niya ito habang pinag mamasdan ang posisyon ng kanyang mga kasamahan.

"Mabilis kumilos si taka at maaari niyang masteal ang bola kung ipapasa ko kay ichinoya ang bola. Kung kay calvin naman may chance na mahirapan siyang makalusot dahil sa mahigpit na pagbabantay ni draco." Pag aanalisang saad ni daichi sa sarili hanggang sa mapatingin siya kay taiga na sumisenyas sakanya kaya napapangisi na lamang ito.

Hanggang sa mabilis na umatake si daichi na agad namang hinarangan ni rukawa, matangkad si rukawa at sakto lamang ang pangangatawan subalit mas malapad at mas malaki ang katawan ni daichi kaya mabilis lang para kay daichi na banggain ang depensa nito at sirain.

Nang makalusot si daichi ay agad siyang tumingin sa direksyon ni tomoya na nakaaktong sasambot ng bola kaya itutungo sana ni daichi iyong bola doon ngunit fake lang pala kasabay ng mabilis na pag pasa ng bola sa direksyon ni taiga na ngayon ay kaharap si sakuragi.

"Higpitan mo ang pag dedepensa sakuragi, wag na wag mong hahayaan na makalusot ako." Panayam ni taiga kay sakuragi na walang imik, sinusundan lamang nito ang movements ni taiga kaya ng subukan nitong mag cross over ay nasusundan parin siya ni sakuragi.

Not until bigla nalang na screen'an ni daichi si sakuragi kaya mabilis na nakaalis si taiga sa pag babantay ni sakuragi.

"Wala kang takas sakin sakuragi!" Saad ni daichi na mahigpit na nakikipag tagisan ng lakas kay sakuragi.

Muling drinibble ni taiga ang bola at malakas na tumalon upang gumawa ulit ng dunk, napatingin na lamang ang mga kakampi ni sakuragi sa ginagawa ni taiga, samantalang may malawak na pagkakangiti naman ang mga kakampi ni taiga sa ginawa niya. Hanggang sa mabilis na umikot pakaliwa si sakuragi upang makaalis lamang sa pagkaka depensa ni daichi at mabilis na tumalon kasabay ng malakas na pag supalpal ng bola mula sa hawak hawak ni taiga.

Tumalsik ang bola patungo sa direksyon ni ichigo kaya mabilis nitong nakuha iyon at malakas na sumigaw.

"Fast break!!!" Sigaw ni ichigo at mabilis na ipinalubo ang bola patungo sa kabilang basket nila.

Napatingin ang lahat sa bola at sa mabilis na tumakbo patungo sa babang court.

"Sakuragi!" Gulat na bulalas nilang lahat ng makitang nakatalikod itong tumalon mula sa bola na paparating palang.

"Isang alley oop dunk!" Saad naman ni tomoya

"What the!! That's insane!" Bulalas na saad ng lahat matapos masambot ni sakuragi ang bola at malakas na narinig ang dagundong ng head board ng ring.

Matagumpay ngang naipasok ang bola mula sa kanilang basket.

Team A - 6
Team B - 2

"Woah!! What was that?" Nakaawang ang bibig na saad ni ichinoya na nakatingin parin kay sakuragi na naglalakad na patungo sa mga kateam.

"Si sakuragi ba iyon? Putek, hindi talaga kapani paniwala ang ginawa niyang stunt kanina. Paano niya nasisigurong sa kamay niya mismo papunta ng bola?" Saad ni daichi na hindi parin makapaniwala sa nakita at nasaksihan.

"Sabi na eh! May mangyayari na hindi natin inaasahan. At ito na nga!" Naka high pitch na boses na ani taka na umeecho pa sa loob ng gym.

Magpapatuloy pa sana ang sasabihin ni taka ng pumito ang referee.

"Time break para sa team B!" Anunsyo nito kaya agarang tumungo sa assigned seats ang mga ito.

Agad inabutan ni taka ng inumin ang mga kasamahan na agad namang kinuha ng mga ito at uminom doon.

Hingal na hingal na din silang lahat kahit trese minutos pa lamang ang nakakaraan mag mula ng mag simula ang practice nila.

At sobrang intense na ng laban nila sa isa't isa.

"Mukhang mayroon binabalak ang kabila sayo sakuragi, mukhang ikaw ang pag tutuunan nila ng pansin magmula ngayon maging ikaw taka." Saad ni draco na seryosong pinag mamasdan ang kabilang katunggali.

"Tama ka, base na rin sa nakita nilang ginawa ni sakuragi at taka mukhang gagawa sila ng strategy para maputol ang gagawin niyo." Tumango si taka bago tinignan si sakuragi ng may pag hanga.

"Ang astig mo talaga kanina sakuragi, hindi ako makapaniwala na magagawa mo yon." Saad ni taka na may malawak na ngiti sa labi.

Meanwhile sa kabilang team, masinsinan ang mga itong nag uusap sa nakita nilang ipinamalas ng katunggali nilang team A.

"Pansin ko rin iyong ginawa niyang alley oop dunk, tumalon siya mula sa distansya ng free throw line. Napaka layo non pero swabe niya paring naipasok iyon." Bilib na bilib paring anas ni daichi

"Di ko inaasahan na ganito pala talaga kagaling si sakuragi kapag napag tutuunan ng maayos. Tsk! Malas ng shohoku at sinayang nila ang rare na gem." Ngising saad ni tomoya na nag bigay kahulugan sa ibang nakarinig ng sinabi nito.

"Mamaya na kayo humanga ng humanga sakanya, kailangan natin is mapag tuunan ng pansin ang galaw nila at ang strategy nila. Mukhang alam ko na alam nila na si sakuragi ang babantayan natin ng maigi kaya make sure na hindi siya makakahawak ng bola." Saad ni taiga

"Tayo ang mananalo sa practice game na ito kahit na anong mangyari." Deklarang saad pa ni taiga bago tumingin sa kapatid na nakatingin din sakanya.

The GENIUS revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon