"Rukawa!?" Gulat na bulalas ni ayako ng sabihin nitong magqu'quit na ito."Ano pinag sasabi mo rukawa?" Nakakunot noong tanong ni mitsui na mukhang nabigla sa narinig mula kay rukawa.
"Magqu'quit na ako bilang myembro ng team na to. Gusto ko sumunod kay sakuragi." Anas ni rukawa
"Hindi kami makakapayag sa gusto mong mangyari rukawa, ikaw nalang ang inaasahan namin na makapag dadala sa tournament, bat aalis ka nalang bigla." Sabi ni akagi na unti unti'y nakakaramdam ng kaba sa mangyayari sa kanilang grupo.
"May karapatan akong mag desisyon sa kung anong nais kung gawin para sa buhay ko, noong una okay pa na mag stay ako sa team na ito dahil may pag aalaga kayo sa bawat member. Kaso 'nung pinaalis niyo si sakuragi ng ganon lang, nabago bigla ang pananaw ko.. paano kung isang araw bigla akong hindi nakalaro, magiging useless din kaya ako sa mata niyo?" Natameme at hindi makapaniwala sila sa narinig mula kay rukawa, iyon kasi ang kauna unahang beses na narinig nila itong mag salita ng mahaba at may pag defend kay sakuragi laban sa kanila.
"Kumakampi kana ngayon kay sakuragi?" Saad ni mitsui, natawa ng mahina si rukawa bago umiling.
"Hirap mo talagang umintindi mitsui, pinapagana mo kasi palagi iyang pride mo. At iyong galit at selos na nararamdaman mo para kay sakuragi, hindi naman porket denedepensahan ko siya ay kampi na ako sakanya, maling mali lang kasi talaga iyong ginawa niyo doon sa tao." Pag papaintinding saad ni rukawa na isinisiksik talaga sa mga ito ang mga salitang sinasabi niya.
"Rukawa! Please lang, wag kanang umalis dito. Kailangan ka namin para makapasok tayo sa tournament sa tokyo." Saad ni ayako, tinignan ni rukawa si ayako.
"Pasensya na ayako, mahal ko ang paglalaro at nag eenjoy ako sa ginagawa ko. Pero gusto ko sana iyong mga member na magiging team ko hindi mapag mataas at nang mamaliit ng mas mababa sa kanila dahil lang sa mas angat sila. Kaya magqu'quit na ako." Anas ni rukawa na lalong kinalungkot ni ayako at ng iba pa.
narinig iyon ni coach anzai na kanina pa palang nakatayo mula sa pintuan ng gym. Bigla nitong naisip ang ginawa niyang pag papaalis kay sakuragi ng ganong kabilis at ni hindi man lang inalam ang katotohanan sa lahat na nangyari.
Marahil nasaktan niya ng husto si sakuragi kaya maging ang team na inaalagaan niya ay naapektuhan na dahil sa nangyari.
"Akagi, mitsui... hayaan niyo na kung ano ang gustong gawin ni rukawa, sa pagkakataong ito wala na tayong magagawa sa gusto nilang mangyari." Napatingin silang lahat sa sobrang gulat ng makita nila ang kanilang coach na papalapit sa pwesto nila.
napaiwas rin ng tingin si rukawa dahil sa sinabi nito, narinig marahil nito ang mga sinabi niya.
"coach?! Paano ang team natin? Baka hindi tayo makapasok sa tournament kung papaalisin natin si rukawa." Saad ni mitsui
"Mitsui, alam ko ang gusto mong sabihin at ipahiwatig subalit may isang importante ka na dapat malaman.. hindi sa lahat ng oras ay dapat kang maging mataas sa mas mababa sayo, lahat ng mga taong nasa ibaba mo ay gumagapang para lamang makausad sa gusto nilang marating balang araw. Tama si rukawa, hindi dapat ganito ang team na inalagaan ko ng ilang taon, hindi dapat kayo ganito." Anas ni coach anzai, napayuko si miyagi, akagi at ang ilan pang mga member subalit hindi man lang nakaramdam si mitsui.
"Coach, iyang mga sinasabi mo pinag daanan ko rin yan at lahat ng iyon pinag hirapan ko ng mag isa, lahat ng mga ginawa ko napupuna ng iyon ng mga taong may ayaw sakin." Anas naman ni mitsui dito pabalik
"Pero hindi mo dapat ibinabalik ang mga naranasan mo sa ibang tao dahil alam mo naman pala kung gaano kasakit iyon diba? Wag mong irason ang bagay na alam mong sa umpisa pa lang ay mali na.." pagbibigay kahulugan ni rukawa na lalong ikinakunot ng noo ni mitsui.
"Hindi niyo naiintindihan iyong punto ko e. Kasi hindi niyo naman naranasan, tanging kayo lang coach ang nakapag bigay lakas sakin kaya ako lumalaban ulit." Anas ni mitsui na medyo nag tataas na rin ang boses.
"Sa tingin mo ba? Iyong ginawa mo kay sakuragi, hindi niya ba naranasan iyong mga naranasan mo? Bago mo pa sakanya ginawa iyon, dobleng pagpapahirap din ang naranasan niya, dapat ikaw ang mas nakakaalam niyan dahi parihas lang din kayong nang galing dyan." Anas ni rukawa na nakapag bigay kilabot ng husto kay mitsui, naalala niya ang mga panahong wala rin siyang kwenta dahil na injured siya at halos lahat ng mga taong nasa paligid niya ay minamaliit siya.
"Wag mo akong ikompara sa taong isinilang ng ganon, nauna akong nagkaroon ng pangarap at nagkaroon ng kwenta.. siya? Baguhan palang pero halos lahat ng mga taong nasa paligid niya gustong gusto siya?" Biglang sigaw ni mitsui na kinasinghap ni ayako, haruko at nang ilang mga taong nandoon.
nakapalibot na pala ang mga iyon doon habang seryosong nag uusap ang mga ito.
"Tama na mitsui, tanggapin nalang natin na tayo talaga ang nagkamali--." Saad ni miyagi ngunit pinutol lamang iyon ni mitsui ng matalim na titig.
"manahimik ka miyagi, wala ka pang alam sa mga nangyari kaya wag kang mag sasalita ng tapos diyan." Saad ni mitsui na galit na talagang nakatingin kay miyagi.
"Anong wala akong alam na pinag sasabi mo? Kilala na kita noon pa, hindi ka ganyan mitsui. Hindi ka kailanman nag mataas noon, ngayon lang talaga.." saad ni miyagi na lumapit pa kay mitsui.
naging alerto naman ang mga kasamahan upang awatin ito sa oras na makapag rambulan.
"Wag kang mag malinis, miyagi.. ikaw rin naman iyong may galit din kay sakuragi diba?"
"wala akong galit sakanya, never akong nakaramdam ng galit sa kanya.. ikaw lang itong nag papaniwala na ganon din ako dahil gusto mo ng may makakaramay diba? Wag mo akong idiin sa bagay na hindi ko naman ginawa simula palang.." saad ni miyagi
"Tumigil na nga kayo.. rumespeto naman kayo, nandito ang coach natin oh!" Galit na sigaw ni akagi na napatingin kay coach na nakatulala na lamang habang nakatingin sa kanila habang nag babangayan.
"Ito ba iyong shohoku na dapat ipagmalaki at ipaglaban pa? Kung sa team palang walang wala na talaga.." saad ni rukawa na naiiling pa bago nag paalam kay coach na aalis na..
Natahimik naman ang mga ito ngunit bakas parin ang galit sa mga mukha nito.
"nang dahil sa sakuragi na iyon, nag kanda gulo gulo na tayong lahat." Paninising saad ni mitsui bago naglakad patungo sa pintuan ng gym.
*****
(a/n: sorry for the delay update.. sobrang busy na naman po sa school, bukas gagawa kami ng noodles at gagawa kami ng pasta po, kaya medyo busy busy po talaga ako. Pasensya na po talaga. Godbless us all)
