chapter 15

202 13 2
                                    


The genius revenge

Chapter 15:

****

Higit higit parin ni miyagi palabas si ayako dahil sa pagpupuyos ng galit dahil sa sagutan nila ni mitsui at sa ginawa nito, pilit namang inaalis ni ayako ang kamay mula sa pagkakahawak ni miyagi kaya ng maramdaman ni miyagi na hinihila din ni ayako ang kamay nito paalis ay doon lamang siya tumigil sa paglalakad.


"Ano ka ba naman miyagi, bakit mo pa pinatulan si mitsui? Alam mo naman ang ugali non diba?" Giit ni ayako na napahawak pa sa noo dahil sa labis na pagpigil ng inis.


"Ha? Ako pa ngayon ang mali? Nakita mo naman siguro kung paano ka niya sigawan diba? Kung ikaw makakaya mong ganon ganonin ka niya, pwes ibahin mo ako ayako, dahil ayokong nakikitang sinisigawan ka lang ng kung sino." Gigil na sagot ni miyagi sa sinabi ni ayako



Tila lumambot ang mukha ni ayako sa narinig mula kay miyagi, na kanina ay halatang halata sa mukha nito ang pagkainis ngayon ay tila nahihiya itong tumingin ng tuwid sa mga mata ni miyagi.




"Salamat miyagi, pero sana hindi mo nalang pinatulan.. mas lalala kasi ang away niyo kung isa sainyo mag papataasan ng pride." Pagpapa intinding wika ni ayako, napabuntong hininga naman si miyagi bago nailing.




"Ang gulo naman kasi e, bakit sa tuwing na sa matuwid ka naman na katwiran ikaw parin iyong nakikitang mali.. halata namang wala na sa katinuan iyang si mitsui e." Frustrated na sagot ni miyagi



"Miyagi, kung ipaglalaban mo pa rin ang kagustuhan mong maging tama sa harapan ng iba, hindi ka parin mananalo kung ganon parin ang paniniwala niya para sa sarili niya. Si mitsui, totoong nilamon na siya inggit, selos at galit dahil kay sakuragi.. pero kung pati ikaw magiging ganon na rin, paano mo pa maibabalik sa dati ang lahat?" Mahinahon na pagpapaliwanag ni ayako sa totoo talagang dahilan ni miyagi kung bakit nananatili parin ito sa shohoku.




Bumuntong hiningang muli si miyagi ng malalim bago inihilamos ang buong palad sa mukha niya bago napipilitang tumango.




"Kainis, kung hindi lang ako napamahal sa team natin pababayaan ko na yan.. Kaso hanggat siya ang captain hindi magiging maayos ang lahat. Sige, hanggat kaya ko pa, susubukan kong baguhin ang ugali niya." Pag dedesisyon ni miyagi na kinatuwa naman ng husto ni ayako.




"Wag kang mag alala, kasama mo naman kami ni haruko na handang baguhin ang shohoku at ibalik sa dati ang lahat." Nakangiting saad ni ayako bago hinila si miyagi palakad pabalik sa gym.




"Sana lang mapabago pa natin siya.." habol pa na hirit ni miyagi



Magbalik tayo sa shibuya high kung saan lahat ay pumasok upang mag practice, kinausap na kasi ni taiga ang lahat para sa gaganaping practice nila. Ngunit nalate na naman si sakuragi sa napag usapang oras kaya ang ilan ay naiiling na lamang bago napag pasyahang mag ensayo nalang..



Ilang minuto bago sila nagsimula ay siya namang pag pasok ni sakuragi sa loob ng court.. naka messy bun ang kanyang buhok kaya lalong nakakaattract siyang tignan. Bagamat napakaseryoso ng mukha nito ay hindi iyon nakabawas sa kagwapuhang taglay nito.


"Sakuragi! Late ka nalang palagi." Sita ni tomoya


Akala ng lahat ay katulad parin ng dati na hindi iimik si sakuragi, subalit kabaliktaran ang nangyari.



"Pasensya na.." tanging nasabi nito sa malamig na boses. Napanganga ang halos na lahat sa narinig dahil sa malalim nitong boses.


"A-ah ayos lang, pero sana bukas maaga kanang pumasok." Nauutal na wika ni tomoya, tanging pagtango naman ang ginawa ni sakuragi.


The GENIUS revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon