chapter 18

181 13 5
                                    

Nang sabihin iyon ni sakuragi ay agad siyang tumalikod at naglakad palayo, kahit tinatawag ni taiga ang kanyang pangalan ay hindi na siya lumingon pa.

Tinignan ni taiga ng may galit ang babaeng nag sabi non kay sakuragi, napaatras si Kira dahil doon kaya agad itong hinarangan ni ichinoya bago tinignan si taiga habang umiiling.

"Alam kong mahirap para sainyong pakisamahan si sakuragi dahil sa ugali na meron siya, pero sana naman bago niyo bitawan ang mga salitang iyon siguraduhin niyo muna kung may masasaktan ba kayo o wala. Bakit ba kasi ang kulit mo ayesha? Ilang beses kana niyang ipinag tabuyan ay pilit ka parin ng pilit? Plano mo bang galitin ang lahat ng mga myembro ng basketball at matuon kay sakuragi ang lahat?" Nakatiim bagang na anas ni taiga, nahihiyang napayukod si ayesha sa sinabi ni taiga na agad namang dinaluhan ni ichigo.

"Captain, wag mo namang pagsalitaan ng ganyan iyong pinsan ko. Babae parin iyan, ang punto lang namin sa nangyari is bakit hindi magawang iadjust ni sakuragi ang sarili niya para samin? Mahirap ba iyon gawin?" Napabuntong hininga na lamang si taiga bago tinignan si ichigo ng seryoso. Paulit ulit na lamang sila sa pagpapaliwanag pero hindi pa pala nito nauunawaan ang sitwasyong pinang gagalingan ni sakuragi.

"Dahil nga mahirap para sakanya na pagkatiwalaan kayo? Takot siyang mapalapit sainyo dahil sa mga nangyari sakanya noon sa shohoku. Lahat ng mga taong nandoon, naging kaibigan niya, nakaramay niya pero sa huli tinalikuran lamang siya at minaliit. Hindi niyo ba nakikita na si sakuragi mismo ang dumidistansya sa atin? Hindi niyo ba nakikita kung paano siya umiwas? Tapos itatanong mo iyan na parang hindi mo rin nakita kung paano siya makipag usap sa iba. He tried his best, pero hindi niya pa kaya. Kaya wag niyo siyang sasabihan na mag adjust dahil nakakagago lang." Sigaw ni captain taiga bago tumalikod at naglakad paalis, si rukawa na nakatulala ay hindi na lamang umimik bagkus ay naglakad nalang din palayo.

"Alam niyo mga pre, tama si captain eh! Tayo iyong may kasalanan sa puntong ito, We keep insisting on talking to him even though we know he's still adjusting himself. Kulang tayo sa pang unawa sakanya, kung tutuusin marami tayo samantalang nag iisa lamang siya tapos hirap pa siyang magtiwala. Ang akin lang, Sana bago niyo sinimulan inisip niyo na muna ng maraming beses kung ano ba ang consequences non."Ichinoya said, and Taka and a few others agreed.

"Sige mga pre, aalis na kami. Magkita kita nalang tayo bukas, Sana bukas malinawagan na tayo. Mahirap maglaro kapag may alitan sa grupo, alam ko namang hindi tayo katulad ng team shohoku e. Mas better tayo sakanila kaya nga tinanggap natin si sakuragi kahit sobrang kakaiba niya sa atin." Nakangiting saad ni taka, tumingin siya sa mga kasamahan bago sumaludo.

"Sige pre," huling saad ng dalawa bago umalis at naglakad paalis.

Meanwhile si sakuragi na nag lalakad lakad, hindi na alam kung saan direksyon tutungo basta naglakad lamang siya habang iniisip parin iyong nangyari kanina.

Sa di kalayuan, nakasunod pala si rukawa kay sakuragi habang nakatingin dito kung ano ba ang gagawin. Hindi maintindihan ni rukawa kung bakit sinusundan niya si sakuragi matapos nitong umalis.

Nang makita nitong umupo sa bench si sakuragi nag patuloy parin sa pag lalakad si rukawa hanggang sa matapat siya sa harapan ni sakuragi.

"Mukha kang tanga dyan," anas ni rukawa kay sakuragi ng nakatulala ito.

"Tsk! Anong ginagawa mo dito?" Pasinghal na tanong ni sakuragi

"Pag mamay ari mo ba ang kalsadang ito? Tsk!" Pagbibirang laban ni rukawa pabalik kay sakuragi.

Ilang minutong hindi nag imikan ang dalawa tanging ang iilang mga tao lamang sa di kalayuan ang naririnig nilang nagkakatuwaan kasama ang kani kanilang mga anak.

Napalingon ng bahagya si rukawa sa gawi ni sakuragi bago bumuntong hininga ng malalim. Aware na aware naman si rukawa na hindi talaga maganda ang mood ni sakuragi ngayon, kitang kita naman sa hilatsa ng mukha.

"Susuko ka na ba?" Tanong ni rukawa kay sakuragi ng hindi ito tinitignan. Napalingon si sakuragi sa kanya ng nakakunot noo.

"Susuko? Saan?" Balik tanong ni sakuragi, malay ba ni sakuragi kung anong tinutukoy ni rukawa na pagsuko.

"Tsk! Gunggong ka! Tinutukoy e, iyong mga nangyari kanina sa school. Mga sagutan at mga masasakit na salitang natanggap mo mula sa kanila." Ani rukawa sa seryosong tono ng boses

Napasinghal si sakuragi at napangisi sa sinabi ni rukawa, ilang segundo itong natahimik bago umiling.

"Hindi naman sila ang dahilan kung bakit patuloy parin akong lumalaban." Sagot ni sakuragi sa naging panayam ni rukawa.

"Oh! Kung ganon bakit ganyan itsura mo? Bakit parang apektadong apektado ka?" Pang aasar na bira ni rukawa

"Malamang lang dahil may pakiramdam ako," pamimilosopong sagot naman ni sakuragi na ikinailing ni rukawa at pagkaraan ay napangisi.

"Oh Diba? Bumalik kana sa pagiging gunggong, hay! Hindi sa kinakampihan kita kaya ako nandito ha, ang akin lang subukan mo ng paunti unti na pakisamahan sila.. alam ko na mahirap mag tiwala pero kung palagi kang ganyan, mas mahihirapan silang makipag communicate sayo during the game." Anas ni rukawa kay sakuragi para ipaintindi dito na hindi siya dapat maging aloof at palaging seryoso sa lahat ng bagay.

"Tsk!" Tanging na sagot na lamang ni sakuragi nang hindi sinasagot ang mga sinabi ni rukawa sakanya.

Napailing naman si rukawa at punong puno ng dismaya dahil hindi man lang niya na rinig ang response nito sa sinabi niya.

"Wala ka talagang kwentang kausap, gunggong ka." Asik ni rukawa na ikinangisi naman pabalik ni sakuragi

"Nag salita ang maganda kausap!" Pang uuyam na balik saad ni sakuragi.

Meanwhile, sa shohoku high kasalukuyang magkasama si miyagi at ayako papalabas na kasi sila ng shohoku ng aksidente nilang makita si mitsui at ang mga kaibigan ni sakuragi.

"Miyagi, Diba? Sila mito iyon at mitsui?" Padanggil ni ayako sa braso ni miyagi

Napatingin si miyagi sa direksyong nakaturong hintuturo ni ayako, at nakita nga niya si mitsui kasama ang mga kaibigan ni sakuragi.

"Oo nga no, tara! Puntahan natin." Bulong na ani ayako, nagulat si miyagi sa sinabi ni ayako at mag rereact na sana para tumanggi subalit nahila na siya ni ayako.

Habang palihim na sinusundan ng dalawa ang mga ito, ang lima namang si mitsui at mga kaibigan ni sakuragi ay agad na tinulak si mitsui pasandal sa pader.

Napatingin ng masama si mitsui dahil sa ginawa ni mito.

"Tsk! Ano na naman ba ito?" Pag ngising saad ni mitsui kay mito habang tinitignan mata sa mata ito.

"Akala mo ba hindi ka namin papatulan matapos ng mga ginawa mo kay sakuragi, heck! Oo nagkasala kami at inuunti unti na naming pinag babayaran ang mga kasalanang ginawa namin sakanya. Pero lintek ka e, pababayaan ka na sana namin pero talagang matigas mukha mo e. Balak mo pa talagang ipabugbog si sakuragi, gago ka! Lumayo na nga siya, guguluhin mo pa." Sabay malakas na sinapak ni mito si mitsui sa sikmura dahilan upang mapaubo ito at maluhod sa semento.

"H-haha! Dahil hindi pa ako kuntento, hanggat alam kong hindi siya sumusuko, hindi rin ako susukong pabagsakin siya." Asik ni mitsui,

Nagulat si miyagi at ayako sa narinig, nagkatinginan pa ang mga ito habang nanlalaki ang mata.

"Napakasiraulo talaga ng mitsui na ito, wala na nga si sakuragi pero ginugulo niya parin." Ngitngit sa inis na saad ni ayako habang masamang nakatingin kay mitsui.

"Shhh! Hinaan mo boses mo ayako, ayokong mainvolved ka pa sa gulo. Tara na, umalis na tayo." Pabulong na saad ni miyagi bago hinila palayo si ayako, sumunod naman si ayako kaya nagpatiuna ito sa paglalakad.

Hanggang sa mapatingin si miyagi, nagulat siya ng makitang nakatingin din pala si mito sa kanya bago siya tumango dito.

'mukhang kailangan talaga naming gumawa ng paraan para mag tanda itong si mitsui.' saad ni miyagi sa kanyang sarili bago muling tumalikod at naglakad pasunod kay ayako.

The GENIUS revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon