chapter 5

225 15 5
                                    


Kina'umagahan ay muli ngang bumalik ang tatlong lalaki na nang galing pa sa shibuya school, ang nais lamang ng mga itong makita at makausap ay si hanamichi sakuragi na hindi na nga interesado sa paglalaro ng basketball. Madami na ring nakaalam sa pag alis ni sakuragi at dahil iyon sa nalaman ng ryonan, shoyo at maging ang kainan ay naging interesado sa pag kuha kay sakuragi.

ngunit hindi talaga mawari ni mitsui kung bakit madaming nahuhumaling kay sakuragi na wala namang kaalam alam sa lahat, doon siya mas nagkaroon ng galit at inggit kay sakuragi na nakapag isip na siya ng bagay na hindi dapat.

"Ano na naman kailangan mo dito mitsui?" Tanong ni tetsuo na naninigarilyo, wala sa mood si mitsui dahil nga sa sunod sunod na kamalasan ang nangyayari sa kanya dahil sa lintek na si sakuragi.

"May pakikiusap sana ulit ako," napamaang si tetsuo at natigil sa paninigarilyo ng marinig muli ito kay mitsui.

"Ano na naman ngayon ang pinaplano mo mitsui? Tapos na ang usapan natin, kaya bat nandito ka ulit at makikiusap ka na naman?" Tanong ni tetsuo na hindi na talaga maintindihan kung ano ba talaga nangyayari sa former gangmate niya noon.

"Hindi mo naman kailangan pang mag tanong, babayaran din kita sa serbisyo--." Nagulat si mitsui ng malakas siyang suntukin ni tetsuo sa mukha, napaupo siya sa lakas ng pag suntok sakanya nito.

"Napakalaki mo talagang tarantado mitsui, kailan pa naging ganyan ang ugali mo? Nagbago kana talaga." Singhal ni tetsuo na kini'kwelyuhan si mitsui. Wala namang nababakas na takot o pangamba sa mukha ni mitsui, tanging galit ang nakabalatay sa mukha at mata nito.

"Lahat nag babago tetsuo, at kung inakalang mong nakilala mong mitsui noon ay hindi magbabago, nagkakamali ka." Sabay tulak ni mitsui kay tetsuo ng malakas, napailing nalang si tetsui habang napapangisi.

"Kung ganon, sa iba ka makiusap sa gusto mong ipagawa.. dahil isang beses lang akong tumatanggap ng trabaho, kilala mo ako mitsui nagbago na ako pero dahil kaibigan kita pinag bigyan kita sa gusto mo.. pero ngayon, kalimutan mo nalang na naging magkaibigan tayo." Anas ni tetsuo na kinalaki ng mata ni mitsui, ngunit pagkaraan ay mas lalo lamang itong nagalit.

"Hindi niyo ako naiintindihan, hindi ako naiintindihan kasi hindi niyo nararamdaman.." napailing si tetsuo bago tumalikod.

"Wag mo lang sanang pag sisihan ito sa huli mitsui, dahil baka sa oras na humingi ka ng tulong ay wala ng gustong tumulong sayo dahil sa galit na namumuo dyan sa puso mo." Saad ni tetsuo bago umalis at naglakad na palayo kay mitsuo.

"Tsk! hinding hindi ko pag sisisihan ang bagay na ito, mas magiging malakas ako at ipapakita ko sainyo kung sino iyong iniwan niyo." Anas ni mitsui sa kanyang sarili bago tumalikod at umalis.

Sa isang madilim na eskenita kung saan may isang lalaking nakikinig sa usapan ng dalawa, nakangiti ito na tila may naiisip na magandang ideya.

"mukhang may isang taong suklam na suklam sayo sakuragi, at mukhang magagamit ko siya laban sayo." Saad ng ekstranghero mula sa madilim na eskenita.

Si sakuragi naman ay papalabas na ng gate ng magkasalubong sila ni mitsui, sa kabilang side naman ay si rukawa at miyagi na nag uusap, napatigil sa paglalakad ang apat at tila may nabuong kakaibang tensyon sa pagitan nila dahil sa ipinapakitang aura ni mitsui.

"Mitsui!" Bati ni sakuragi sa walang buhay na boses

Tinignan siya ni mitsui ng deretso, tingin na alam ni rukawa at miyagi na may dalang galit at inis sa kaharap.

"Ano kailangan mo?" Tanong ni mitsui sa malamig na boses, napabuntong hininga si sakuragi.

"Wala kabang balak na humingi ng tawad sa ginawa niyo sakin?" Lakas loob na saad ni sakuragi, ni wala namang nararamdaman na takot sa mukha ni sakuragi dahil wala naman talaga itong kinakatakutan.

"Humingi ng tawad sayo? HAHAH! nag papatawa kaba?" Tumatawang saad ni mitsui, napatiim ng bagang si sakuragi, agad namang nakaramdam ng hindi maganda ang dalawa kaya agad ang mga itong lumapit sa gawi ng mga ito.

hinawakan ni miyagi si mitsui, subalit agad naman itong pinalo ni mitsui palayo sa kanya, tumingin ito kay miyagi ng walang emosyon habang malamig ang mga mata.

"Wag na wag mo akong hahawakan." Malamig ang boses na anas ni mitsui bago muling tumingin kay sakuragi.

"At ikaw? Wala kang matatanggap ni isang sorry mula sakin, dahil una sa lahat deserve mo lahat ng mga yan." Anas ni mitsui na nakapag painit ng ulo ni sakuragi, nagulat na ngalang si rukawa at miyagi ng makalapit na pala si sakuragi kay mitsui at hawak hawak na ito mula sa kwelyo.

"Napaka angas mo ah? Akala mo kung sino kang magaling eh, isa ka lang naman din noon na talunan katulad ko." Saad ni sakuragi habang malapit na malapit sa mukha mitsui, hinigpitan din nito ang pagkakahawak sa kwelyo kaya medyo nauubo na si mitsui dahil sa pag kakasakal sa kanya.

"Tss, noon iyon sakuragi, iyon yung panahon na kinikilala pa ako na isa sa pinaka magaling na manlalaro sa buong kanagawa, kaya wala kang karapatan na sabihin sakin ang isang bagay na hindi mo naman naranasan." May kadiinang saad ni mitsui pabalik kay sakuragi na hindi naman dinamdam ang sinabi, bagkus ay natawa pa sa sinabi nito.

" HAHAH! pinag mamalaki mo ang nagawa mo noon, kaya pala atat na atat kang mapaalis ako kasi galit ka at naiinggit kasi alam mo sa sarili mo na mas malalamangan kita. Wag mong ipamukha sakin ang bagay na kaya kong patunayan sayo, dahil baka mag sisi ka at ako pa ang kinalaban mo." Sabay tulak ni sakuragi palayo kay mitsui na napaupo pa mula sa semento.

"Wag mo akong bigyan ng dahilan na kamuhian ka ng tuluyan mitsui, dahil sa totoo lang, pinaglalabanan ko ang sarili ko na wag magalit sayo dahil ginagalang parin kita bilang myembro ng team na inalagaan ko. Dahil sa oras namapuno ako sa bagay na ginagawa mo sakin, babalikan kita dito at ipaparamdam ko sayo ng ilang milyong beses ang pang mamaliit sakin." Seryoso at punong puno ng kalamigan ang boses na saad ni sakuragi, nakatingin ito sa nakaupong si mitsui habang nakatingala sa kanya na wala rin namang emosyon sa mukha.

Umalis doon si sakuragi at tanging silang tatlo ang naiwan sa gitna ng gate ng shohoku.. nakita iyon ng tatlong shibuya student kaya agad nilang sinundan si sakuragi upang muling mapakiusapan na doon nalang mag aral.

****
(a/n: Sorry for the long wait guys! Busy talaga, always naman po talaga. Third week from now, mag sisimula na po ang OJT (immersion) namin kaya not sure kung makakapag update ba ako ng mabilis kasi 80 hours work iyon.. i mean, busy talaga so need ko mag pokus, pero hanggat hindi pa naman nag sisimula ay mag update ako.. wag lang sanang makalimutan at ma'mental block! Iyon lang, btw. Thank youuuu so much sa inyong lahat. Lovelots ❤️) godbless us all!

The GENIUS revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon