chapter 29

76 6 0
                                        

6:12 minutes remaining...

Tahimik pa rin ang buong gym dahil sa nangyari. Ramdam ng lahat ang tensyon sa dalawang team—na sa bawat segundo ay tumitigil kapag nagkakatitigan ang mga player sa court.

Nagpalitan ng tinginan sina Sakuragi at Maki. Parehong seryoso, parehong nakikitaan ng kagustuhang manalo, katulad na katulad lang din noong nag laban sila. Sa kabila ng pagod na nararamdaman nila at sa ilang minutong natitira para sa laban nila.

“Let’s make this count,” ani Maki sa mga kakampi niya. Tumango si Fujima at Hanagata—familiar chemistry ng dating Kanagawa elites.

Inbound ng Team A, si taka pa rin ang nagdala ng bola. Dinirekta niya agad kay sakuragi
Pagkakuha ni sakuragi, nag-spin move siya para umiwas kay daichi, sabay pasa kay rukawa sa kanan.
Sa sobrang bilis nito, hindi na nagawa pang dumepensa ang team B
Nag-fake si rukawa ng isang step back, sabay drive in ulit sa gitna—
Pero sinalubong siya agad ni Maki-- grabeng sabayan nila sa gitna ng court, kahit sinusubukan ni rukawa na makaalis mula sa pag babantay ni maki ay nasusundan nito ang kilos niya.

Napatingin si rukawa mula sa gilid niya dahil nakita niya si sendoh at sa kabila naman ay si sakuragi na seryosong nakatingin lamang sa kanya. Hindi niya masense kung naisip ba ni sakuragi na sakanya ibibigay ang bola.

Nang subukan ni maki na steal ang bola agad ni dribble ni rukawa ang bola between his thighs sabay step back and fake cross over. Nagulat pa si rukawa ng makita niya ang pag alab ng tingin ng isang taong hindi na maitago ang kasabikan.

Naiiling na ngumisi si rukawa bago tila nawala sa vision ni maki ito, ngunit nandoon parin naman ito kaso ang bola nito ay wala na sa hawak nito kundi na kay sakuragi na, mabilis nitong sinugod ang pagbabantay sakanya ni taiga.

"What was that? Bakit parang nag iba ang paraan ng paglalaro niya. Nakakatakot at nakakapanindig ng balahibo." Saad ni taiga sa kanyang sariling isipan habang pinag mamasdan na lamang si sakuragi na mabilis na nakalusot sakanya.

"HANAGATA! ikaw na ang bahala sakanya." Sigaw ni fujima na binabantayan si sendoh

"Hindi ko siya hahayaan na makapuntos,. Sige sakuragi, subukan natin ang galing mo ngayon." Sabi ni hanagata ngunit tila bingi lamang na sinugod ni sakuragi si hanagata, nagulat si hanagata ng harap harapan siya nitong inatake, napaatras siya dahil sa agresibo nitong ginawa.

Nakita ni hanagata na balak nitong gumawa ng jump shot kaya agad nitong initaas ang kamay for blocking subalit nanlaki ang kanyang mata ng makita niyang mabilis na nawala si sakuragi sa paningin niya.

Napasinghap nalang ang lahat ng makita nila itong nakatalon na at malayang na idunk ang bola sa ring.

"Not this time," malamig na saad ni Rukawa habang proud na nakatingin kay sakuragi na ngayon ay nagpupunas ng pawis sa noon at leeg.

"NICE ONE, SAKURAGI!" sigaw ni sendoh na lumapit pa dito para makipag apiran, tumango si sakuragi sakanya bago nakipag apiran kaya napangisi lalo si sendoh.

Ang score nila ayy...

TEAM A - 60 | TEAM B - 57

Hindi naman makapaniwala Ang team B mas lalo na si maki na makita ang kakaibang sakuragi na nasa harapan niya ngayon.

Nawala lang ang tingin nila ng hawak na ni taiga ang bola at ipinapasok na nito. Pinasa nito kay daichi ang bola bago ito tinanguan.

"Tayo naman ang gagawa ng puntos." Malamig ang boses na saad ni taiga, napatingin sakanya Ang lahat at pagkaraan ay ngumisi Ang team B sakanya. Hiningi ni maki ang bola kay daichi

The GENIUS revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon