Chapter 25
The GENIUS revenge
Prrrt!
Hudyat ulit ng referee. Nagsimula ang bagong possession - bola ng Team B.
Nakatingin lang si Sakuragi habang pinapanood si Ichinoya na nagdadala ng bola. Tahimik lamang itong nagmamasid habang ang isip nito'y naglalaro na naman ng panibagong istilong atake sa laro, pero kahit na gano'y halata sa tensyon ng panga nito na hindi siya nagbibiro.
"Daichi, set the screen!" sigaw ni Ichinoya.
Agad umikot si Daichi, sinubukan i-block si Draco para bigyan ng daan si Ichinoya, pero mabilis na nakailag si Draco.
Bang!
Nagsalpukan ang balikat nila, pero hindi umatras si Draco.
"Ngayon mo subukan, pre," malamig na sabi niya habang sinasabayan ang bawat dribble ni Ichinoya.
Nang makakita ng maliit na espasyo si Ichinoya, bigla itong umatake - spin move papasok sa ilalim - sabay pasa kay Calvin sa corner.
Walang nagbabantay dito kaya hindi na siya nag aksaya ng oras. Bitaw agad.
Swish!
Team A - 32
Team B - 30
"Damn! Two point na lang ang lamang natin!" sigaw mula sa bench nila sakuragi.
Tahimik lang si Sakuragi, hindi mabasa ang expression na ipinapakita nito kaya alam ng katunggali nilang meron na naman itong gagawin na tiyak nilang hindi nila kayang sabayan, kinuha nito ang bola mula sa inbound.
"Calm down," mahinang sabi niya sa mga kakampi. " dalawa lang ang lamang natin, pero hindi tayo bababa ng intensity."
Muling pumasok sa loob ang Team A, dahil inbound nila ang bola. Si Taka ang nagdala ng bola, pero binantayan agad ito ni Taiga.
"Hindi ka makakalusot ngayon," ani Taiga.
Ngunit bigla si Taka ngumiti. "Hindi na rin kailangan."
Sa isang mabilis na bounce pass, dumiretso ang bola kay Sakuragi na nasa wing. Nagulat si taiga ngunit agad din makabawi.
Mabilis na nag dribble - crossover - at fake.
Ang bilis ng galaw ni Sakuragi, halos sabay ang pag-ikot ng katawan at ng bola. Napaka smooth ng bawat kilos nito na halos tila tinatangay ng hangin ang bawat kilos ng katawan nito.
Sinubukan nitong pumasok pero sinalubong ito ni Daichi.
Bang!
Malakas ang banggaan ng katawan nila.
Nabitawan saglit ni Sakuragi ang bola pero agad niya naman itong na-recover - sabay quick turn at one-handed pass kay Rukawa.
"Shoot it!" sigaw ni Ichigo.
Agad bumitaw ng tira si Rukawa mula sa mid-range.
Swish!
Team A - 34
Team B - 30
Ramdam ng lahat ang kakaibang daloy ng kuryente sa court. Iyong kilabot na dala ng anticipation habang nanunuod sila sa nangyayari. Pumalakpak ang mga nasa sidelines.
Ngunit hindi pa tapos. Agad na bumawi ang Team B.
Tumakbo si Ichinoya, fast break play, sinabayan ito ni Calvin.
Isang lob pass papunta kay Daichi - at slam dunk!
Team A - 34
Team B - 32
Tumalon ang mga nasa bench ng Team B. "Let's go!" sigaw ni Taiga.
Seryoso lang si Sakuragi, habang pinupunasan ang pawis gamit ang wristband.
"Rukawa," mahinang tawag niya. "Time for the plan."
Tumango si Rukawa. "Copy."
