The GENIUS revenge
Chapter 26
Sendoh PoV
*Sigh*
Ilang araw pa bago kami magkaroon ulit ng practice, at sa ilang araw na iyon ay may free kami para mag bakasyon kasi after nito puspusang pag eensayo na ang gagawin namin. Hindi kasi biro ang pag dadaanang laban namin gayong ang pinag lalabanan ay ang muling makasali sa wintercup tournament.
No wonder, madami dami akong nababalitaang mga schools na nag eensayo sa ibat ibang bahagi ng kanagawa para lang mag ensayo. Wala na rin akong nababalitaan tungkol sa Shohoku after a month dahil sa pag alis ni sakuragi at rukawa.
Kamusta na kaya ang dalawang iyon? Siguro naman, mas malakas na sila kesa dati?
"Saan naman ako pupunta nito? Ang iba kong kasamahan nag bakasyon at umuwi sa kanilang Lugar." Napabuntong hininga akong muli
Napahinto lang ako sa pag lalakad ng may maaninag ako na familiar na figure sa kabilang daan.
Shoyo?
"Si fujima at hanagata iyon ah?"
Mula sa sidewalk patawid , Dali daling tinakbo ni sendoh ang distansya papunta sa dalawang player ng shoyo.
"Yow! Anong ginagawa niyo ditong dalawa?" Pagbati niya sa mga ito Pagkahintong pagkahinto niya.
"Oh, Sendoh, ikaw pala? Mayroon sana kaming field trip ngayon kaso na kansela kaya balak na sana naming umuwi na. Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ni fujima
"Binigyan kami ni coach ng bakasyon. Nabobored ako kanina pa kaya lang wala naman akong mapuntahan kaya naglakad lakad na muna ako. Saktong nakita ko kayo," sagot ko
"Sabagay. Tutal nandito na rin tayo bakit hindi nalang tayo ang mamasyal. Wala rin naman kaming gagawin dahil next week pa kami mag practice." Ani naman ni hanagata
"Meron akong magandang ideya, puntahan kaya natin si sakuragi at rukawa." Nagkatinginan si fujima at hanagata at pagkaraan ay tumango.
"Okay, wala naman kaming gagawin kaya sige." Sagot ni fujima, naglakad na kaming tatlo papunta sa bilihan ng ticket pasakay ng train.
Habang nag lalakad kami biglang may sasakyan na tumigil sa harapan namin.
"Saan punta niyo?" Nagulat pa kami ng makitang si maki ito
"Uyy maki, papunta kami ngayon sa station para bumili ng ticket papuntang Shibuya, dadalawin namin sila sakuragi at rukawa." Sagot ko, tumango ito samin at pagkuwa'y bumaba
"Sakto doon din ang punta ko. Kilala ko ang captain ng shibuya team, sumabay na kayo sakin para hindi na rin kayo gumastos." Pagka siniswerte nga naman. Okay na rin to! Magkakakilala naman kami kaya di na kami tumanggi at sumakay na rin.
"Kilala mo pala ang captain ng shibuya? Kailan pa?" Tanong ni hanagata
"Since grade school, magkababata na kami ni taiga." Oh! Grabeng tadhana yan,.
"Bakit ka nga pala pupunta doon ngayon, maki?" Tanong ko dahil nacurious ako bigla
Ngumisi ito sakin
"Dahil katulad niyo, alam kong iisa lang din ang dahilan kung bakit tayo pupunta doon? Gusto ko lang masaksihan ang pagbabago ni sakuragi at rukawa. Balita ko kay taiga, sobrang laki na ng improvement ni sakuragi sa paglalaro. Tho," napakunot ang noo namin sa pabitin nitong salita. May problema kaya?
