chapter 11

210 14 10
                                    


At gaya nga ng naunang pagpasok ni sakuragi sa Shibuya, nagbago na rin ang pakikitungo niya sa lahat ng taong nakakasalamuha niya,



At sa bawat araw, linggo at buwan na lumilipas mas natututo siyang itago ang totoo niyang nararamdaman, ikinukubli niya na lamang ito sa emosyong hindi ng iba mapangalanan.



Two weeks matapos lumipat si sakuragi sa Shibuya ay sumunod rin si rukawa, wala nga sanang balak na tanggapin pa ito dahil puno na sila at sakto na sa bilang ang lahat ng myembro kaso may isang taong gustong makasali itong si rukawa kaya walang choice kundi tanggapin ito at magtanggal ng iba.





"Ang bangis na ni sakuragi no? Mag isang buwan na siyang nageensayo tapos ngayon ang laki na ng naging improvements niya." Anas ni toru sa kausap na si daichi, ichinoya, taka, tomoya at ang iba pa.




"Madami nga siyang natutunan, pero habang tumatagal mas lumalayo siya sa mga tao at mas nagiging malamig ang Pakikitungo." Anas ni taka na sinang ayunan ni ichinoya.



"Hanggang ngayon pa rin nga ay nahihiwagan ako sa taong yan, magmula nung araw na mag desisyon siya na sa atin na magpatuloy ng laro, di na siya makausap ng matino." Anas ni ichinoya



"Kaya nga, ang tanging nakakausap lamang nito si captain tapos ang seseryoso pa ng mga mukha pag nag uusap." Sagot naman ni draco na former basketball player ng Shibuya.



"Hindi niyo naman kasi sinusubukan na kausapin, eh!" Ani Calvin, "panuorin niyo ako kung paano ko siya kakausapin ha? Learn from the expert." Mayabang na dagdag pa nito.



Napailing naman sila Ichigo, taka, ichinoya, daichi, tomoya at draco sa kayabangang taglay ni calvin.


"Mapapahiya yan, pustahan tayo." Ngising Saad ni Ichigo




Sa kabilang dako kung saan tahimik at seryosong nag eensayo si sakuragi, nilapitan ito ni calvin upang ayain mag ensayo kaya itong si sakuragi ay automatic na naging malamig na naman ang Aura.


"Tol, Tara sabay na tayong mag practice." Unang pag basag ni calvin sa katahimikan ni sakuragi na nagsho'shoot mula sa three point line.



Kumuha pa ng bola si calvin at titira na sana mula sa pwesto nito ng harangan siya ni sakuragi at samaan ng tingin, isa rin sa nag bago sa ugali ni sakuragi ayaw na ayaw niyang iniistorbo siya kapag mag isa
Siyang nag eensayo.



"Whoa! Teka lang naman, gusto ko lang naman makausap ka habang nageensayo tayo e." Anas ni calvin ng itulak siya palayo ni sakuragi.



"Hindi ko kailangan ng kausap O na kahit na sino man sa inyo, sinabi ko na sainyo, ayoko ng pinakikialamanan ako." Seryoso at malamig ang boses na saad ni sakuragi na nakapag palunok kay calvin.



"S-sensya naman pre, sige na. Aalis na." Pag papaalam nito bago inilagay ang bola mula sa lagayan nito.


Tinignan pa siyang muli ni sakuragi ng malamig bago marahas na drinibble ang bola sa sahig.



"Oh! Anong na pala mo? Edi nasupalpal ka?" Natatawang saad ni Ichigo na kinasimangot naman ni calvin.



"Gagi, nangilabutan ako sa paraan ng paninitig niya, kung maririnig niyo lang boses niya ang lalim na walang kabuhay buhay. Shit! As in, nakakatakot siya." Pagkekwento ni calvin, tatawa tawa lamang ang mga nakikinig dahil kahit sila ay napapansin nila iyon mula dito.




"Ngayong alam niyo na, wag niyo na ulit susubukan na lapitan pa siya. Unless, kaya niyong pagpasensyahan ang ugali niya." Saad ni taiga na kakarating lang galing sa labas ng kanilang gym.




"Eh! Paano yan kapag naglaro na, kailangan ng teamwork doon, paano namin siya ico'communicate ng hindi naiilang?" Tanong ni toru na kinatango ng ibang kasamahan.




"Ayaw niya lang naman ang may kausap pero sa oras naman siguro ng laro, maaasahan niyo siya sa bagay na yan." Pagtatanggol na saad ni taiga dito





"Isang buwan na mahigit Hindi pa rin namin siya ganon kakilala, bukod sa malamig ang personalidad nito ay wala na kaming alam tungkol sakanya."




"Mamaya naman mag uusap usap tayo, btw. Nasaan si rukawa?" Tanong ni taiga sa mga ito



Sabay sabay na nagkibit balikat ang mga ito



"Isa din pala yan si rukawa, captain. Hindi rin makausap ng matino, dalawa na tuloy ang pipe dito." Sarcastic na saad ni toru na kinatawa ng mga ito.



"Tsk! Hindi ko akalain na pati pala dito ay may ayaw sakin, " ngising sabi ni sakuragi sabay iling bago naglakad palabas.



Nanigas sa kinatatayuan ang mga loko bago nagkatinginan ng sabay, tinignan pa nila ang kanilang captain na nagpipigil ng tawa.



"Inalalahanan ko na kayo noon na wag kayong mag uusap kapag nandyan siya, ang kulit niyo kasi." Naiiling paring anas ni taiga bago tumungo sa gitna ng court upang kumuha ng bola at nag simula ng mag ensayo.


Nang makalabas si sakuragi para makapag pahinga, saktong papasok na rin si rukawa sa loob ng gym. Nagkatinginan pa silang dalawa subalit hindi na lamang iyon pinansin ni sakuragi dahil nagpatuloy na siya sa paglalakad.


Sinundan na lamang Nang tingin ni rukawa si sakuragi na papalayo, hanggang sa wala sa sariling sinundan niya ito.


Nang maabutan niya si sakuragi na naglalakad, sinabayan niya na ito, napatingin sakanya ng seryoso si sakuragi na may pagtatanong sa mukha.


"Wag mo akong tanungin dahil wala rin akong isasagot sayo, Hindi ko rin alam kung bakit sinundan pa kita dito." Laban ni rukawa sa mga tingin ni sakuragi sa kanya.


"Anong naisip mo at napadpad ka dito?" Malamig ang boses na tanong ni sakuragi, nailang si rukawa sa distansya nilang dalawa Kaya lumayo siya ng kaunti dito.



"Tsk! Hindi ko rin alam, basta gusto ko lang gawin ang gusto ko. Masama ba yon?" Ani rukawa pabalik kay sakuragi, naiiling naman si sakuragi bago huminto sa paglalakad.



"Ayokong isipin na baka dahil sakin kaya ka nandito, pero iyon lang ang tanging dahilan na nakikita ko." Seryosong saad ni sakuragi na tinignan si rukawa ng seryoso.


"Gunggong, wag ka masyadong mayabang, Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako napadpad dito, nandito ako kasi ayoko ng pamamalakad ng shohoku. Ayaw ko ng ganong klaseng team na minamaliit ang kasamahan dahil lang sa pansarili nilang kagustuhan." Saad ni rukawa na deretso ring tinitignan si sakuragi sa mga mata nito.


"Tss, nung una kampi ka pa sakanila sa pang aasar at pang mamaliit sakin ah! Nakakapanibago lang dahil against ka pala sa ganon." Ngising saad naman ni sakuragi, naiiling na nagpatuloy sa paglalakad si rukawa na sinundan naman ni sakuragi.



"Pwes, dati iyon. Iyon iyong oras na okay pa tayong lahat." Sagot pabalik ni rukawa na kinablangko naman ng mukha ni sakuragi.


"Wala na akong pakialam pa sakanila." Anas ni sakuragi sa walang ganang tono

The GENIUS revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon