The genius revengeChapter 12:
****
Matapos bitawan ni sakuragi ang mga salita ay hindi na iyon ikinagulat pa ni rukawa, pinagmasdan na lamang ni rukawa si sakuragi na dumeretso na ng locker room area.
Napapaisip din si rukawa kung bakit naisip niya itong sundan matapos nitong mag decide na lumipat dito sa shibuya, Hindi naman sila close na dalawa at mas lalong rival sila. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maintindihan ni rukawa ang sarili.
Napabuntong hininga na lamang siya bago tumalikod para bumalik sa loob ng gymnasium.
Sa loob naman ng locker kung saan busy si sakuragi na tinatali ang hanggang balikat nitong buhok, kulay pula pa rin ito subalit nababagay parin kahit na mahaba na ang buhok nito.
Nag bago rin ang hugis ng kanyang mukha mas naging matured ito at mas nadepina ang panga, ang ilong nitong matangos ay lalong kapansin pansin. Ang kulay ng Balat nito ay tan kaya mas lalong nakakaattract sa ibang girls ang appearance nito.
Hindi man palakausap si sakuragi sa mga babae ay sikat naman ito sa mga ito. Dahil sa gwapo nitong mukha at matipunong katawan.
Nang matapos sa pagtali ng buhok si sakuragi ay hinubad naman nito ang pang itaas na damit dahilan para mapasinghap ang tatlong babae na kakadaan pa lamang mula sa lahas ng locker room area.
Walang emosyong tinignan ni sakuragi ang mga ito bago umiwas nang tingin, kumuha ito ng panibagong damit at sinuot iyon, napatigil siya sa kanyang pagsarado ng locker ng makita ang picture ng mga kaibigan niya kasama si haruko.
Pinakatinitigan niya ang litrato kung saan nasa pinakagitna si haruko na may kalmadong ngiti sa lahat.
Ilang saglit iyong tinignan ni sakuragi bago muling inilagay sa loob ng locker ang picture at sinarado. Pagkalabas ni sakuragi ay namumula ang mukha ng tatlong babae na umiwas sa kanya ng tingin.
Nasa kalagitnaan na ng paglalakad si sakuragi ng magtilian ang mga ito, narinig iyon ni sakuragi ngunit hindi man lamang nito binigyan pa ng atensyon.
Imbes na dumeretso sa gym ay sa ibang direksyon ito dumaan, patungong gate ng school ang tinatahak nito.
"Hi sakuragi!" Bati ng mga babaeng naglalakad pasalubong sakanya.
As usual Hindi niya na naman pinansin ang mga ito bagkus ay dire-diretso lamang itong naglakad, Hindi naman naging alintana iyon sa mga babae dahil mas kinilig pa nga ang mga ito dahil sa pagiging mailap ni sakuragi sa mga babae.
Sa kabilang dako kung saan pababa sa hagdanan ai taiga na galing sa opisina ng school, natanaw niya si sakuragi na palabas ng gate kaya nagtaka ito at sinundan na lamang si sakuragi ng hindi nagpapahalata.
Ilang minutong paglalakad ni sakuragi ay huminto siya sa tapat ng isang coffee shop na nandoon, napakunot noo si taiga at sinilip kung sino ang kikitain nito sa loob.
Nang makapasok si sakuragi, sumunod na rin sa loob si taiga hinanap niya pa ito dahil malawak ang loob ng coffee shop.
Nang mapatingin siya sa kanang bahagi nakita nitong nandoon si sakuragi at ang mga kaibigan nitong taga kanagawa.
"Nakikipag kita pa rin pala siya sa mga to?" Tanong ni taiga sa sarili bago napag desisyunang maupo sa malapit sa mga ito.
Nang makapag order ito.. May pinag tuunan na nito ng pansin ang usapan nila sakuragi.
"Ilang buwan na rin mag mula ng umalis ka, hanep hanamichi ang laki na ng pinagbago mo!" Gulat na puna ni takamiya na sinisipat sipat pa si sakuragi.
Hindi kumibo si sakuragi sa naging saad ni takamiya, kumain na lang ito at tinignan ang kapeng nasa harapan nito.
"Pati ang pananahimik mo nakakapanibago, hindi ka naman ganyan dati." Saad ni mito na kiming ngumiti sa kaharap, bago uminom ng kape.
"Bakit? May magbabago ba kapag naging tulad pa rin ako ng dati?" Natigilan ang apat sa biglaang pagsagot ni sakuragi at ang malalim at malamig nitong boses.
"H-hindi naman sa ganon, naninibago lang kami dahil tagal ka rin naming hindi nakita." Paglaban na sagot ni mito pabalik.
Ngumisi si sakuragi bago nailing, sumubo itong muli ng kinakain bago tinitigan si mito ng malalim.
"Sila? Kamusta sila doon?" Tanong ni sakuragi ng may madilim na tingin.
Tumikhim saglit si mito bago muling nakipag titigan kay sakuragi.
"Pumapangalawa na sila sa kanagawa na magaling, as usual pinaka nauna pa rin sila maki. Ang balita rin namin ay sa sunod na limang buwan magbubukas ang panibagong tournament sa Tokyo kung saan mag lalaban laban ang iba't ibang school para ilaban sa final." Mahabang kwento ni mito na kinatango naman ni sakuragi.
"Mukhang naging maayos talaga ang lahat nung nawala ako ah, blessings na rin siguro to' dahil makakaharap ko naman sila, after ng mga nangyari. " Sagot ni sakuragi na tumango tango pa.
"Hindi rin naging madali para sa kanila nung nawala ka at mas lalo na nung sumunod si rukawa. Alam mo bang si mitsui ang tinaguriang panibagong basketball captain." Natigilan si sakuragi sa narinig bago bumuntong hininga.
"Hindi na ako nagulat pa sa balitang yan, noon pa man gusto na siya ni coach anzai na maging sunod na captain." Anas ni sakuragi
Umiling si mito sa sinaad ni sakuragi bago napapaiwas ng tingin dito.
"Hindi rin ganon ang nangyari sakuragi, si coach anzai dinamdam din nun nung umalis ka tsaka bihira na ring dumalaw sa team. Nabalitaan nalang din naming naospital ito dahil inatake na naman sa puso." Nagulat si sakuragi sa narinig at pagkaraan ay yumuko.
"Kamusta naman siya ngayon? Okay na ba siya?" Tanong ni sakuragi sa mababang tono.
"Oo, okay na siya. Pero pinag bawalan na siyang bumalik pa sa pagco'coach. Kaya si akagi na ang ginawang coach doon total paalis na rin iyon doon." Tumango nalang si sakuragi at Hindi na nag salita pa.
Bumuntong hininga si sakuragi at napansin iyon ng lima kaya nagkatinginan ang mga ito.
"Kung si haruko naman ang iniisip mo--. " tinignan ni sakuragi si noma ng masama kaya napatahimik ito.
"Wala akong pakialam sa babaeng iyon, kaya kung maaari wag niyo na siyang babanggitin pa sa harapan ko." Galit na Anas ni sakuragi bago muling tinignan ng masama si noma.
'Galit na galit talaga siya kay haruko' Anas ni mito sa isipan
