Chapter 1

59 8 0
                                    

Dahan-dahang humahakbang pababa sa palapag ng hagdan ang magka-kapatid sa takot na baka mahuli sila ng ina.

"Teka, may tao yata sa kusena." Faith, whispered.

"Ate naman eh. Bakit hindi nalang kasi tayo magpa-alam kay Mama?" Love whimpers.

"Hindi papayag 'yon, Love. Baka si Manang lang 'yon, tara na." Faith said and starts to tiptoed again, follows by her sisters.

Bubuksan na sana ni Faith ang siradora nang biglang bumukas ang ilaw.

"Where you do think you're going? Mga magnanakaw ba kayong tatlo para hindi nyo buksan ang ilaw?" Julia asked with the authority in her voice. Tila tumigil naman ang paghinga ng tatlong sabay na humarap sa ina na nakasandal sa pintuan ng kusena.

"Hi, Ma! HEHE! Ano, ahmmmm." Faith said, shutters. Bilang sya ang panganay, at naka-isip na 'wag nang magpa-alam, sya 'tong humakbang papalapit sa ina. Julia arched an eyebrow, she then looked at her children intently.

"Ano lang, Ma! In-invite po kasi kami ni Dad for dinner, eh akala ko po tulog ka na kaya hindi na po kami nag-paalam." Faith told her. She then gazed her sisters, asking for support.

"Yes, Mama! Totoo po 'yon. Kakain lang naman daw po kami tapos ihahatid rin po kami ni Daddy mamaya." Hope added. Ngunit parang hindi kumbinsido ang ina. She crossed her arms above her chest, walks around Faith, then faced Hope and Love who's standing right there. She looks at their eyes, Hope smiles and Love sheepishly smiled at her.

"Pwede nyo namang ipaalam sakin ng maayos, bakit kailangan nyo pang tumakas?" Julia asked them.

"Kelan ko ba kayo pinagbawalang makipag-kita sa Daddy nyo, ha?" She added. Hope and Love nudged each other's arm. Faith went closer to their mother.

"Ma, hindi naman sa ganon. Sorry po, akala ko lang po talaga tulog ka na tsaka, biglaan lang po ang pag-invite ni Dad." She said.

"Oo nga po, Ma! Si Daddy po ang sisihin nyo, late na po kasi syang tumawag kay Ate Faith." Love added. Julia eyed them, straight to their eyes.

"Tsaka, Ma. Nasa labas na po ang susundo samin. Gusto mo po, sumama ka nalang po samin? I'm sure, okay na okay po kay Daddy 'yon." Hope said and wiggle her brows. Julia's poker face never change. Mas lalo nya lang tinitigan ng malalim si Hope.

"Siguraduhin nyong uuwi kayo dito ngayong gabi. Nagkaka-intindihan ba tayo?" Julia told them.

"Yes, Ma. Don't worry, uuwi po kami." Hope said as she raised her left hand. Julie nod.

"Bye, Ma!" Faith uttered and kisses her cheek. 

"Take care." Julia uttered and just looked at her daughters.


Julia heaved a deep breath and sits on the couch. Naging ganoon na lamang ang sitwasyon ng pamilya nila simula 'nong umalis si William sa bahay nila. Ngunit ang pagiging ama nito sa mga anak ay hindi nawala. Ni minsan at hindi nagkulang. Mabuti syang ama, ngunit sa pagiging asawa? Mag-asawa na nga lang ba sila sa papel, sa harap ng Diyos at sa mga mata ng madla?

"Ikaw naman kasi. Bakit hindi mo pa sabihin kay Faith? I'm sure, maiintindihan rin naman nya eh. Tsaka ano bang kinatatakot mo? Na baka magalit sila sayo?" Dianne asked her. Tinawagan nya ang kaibigan para samahan sya.

"Are you insane? Dianne naman, alam mo namang mahal na mahal ni Faith ang Daddy nila eh. Sa tingin mo ba madali lang 'to sakin? Kung pwede ko nga lang sabihin sa kanila ang lahat, ginawa ko na. Kung kaya ko lang na makitang nasasaktan at nangungulila sila sa ama, hindi na ako pumayag na umuwi dito eh." She replied.

Faith, Hope and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon