Chapter 18

24 3 0
                                    

Nilapitan ni Faith at Love si Hope nang makita nila ang kapatid na nagtatampisaw sa pool. Mukhang malalim na naman ang iniisip at wala na naman sa wesyo.

"I know what you're thinking.." Wika ni Faith at tumabi sa kapatid. Sumunod naman si Love. Ngayon, napapagitnaan na nilang dalawa si Hope.
"Share ka naman dyan, Ate Hoppy! Anong iniisip mo?" Love uttered. Bumuntong hininga si Hope at nilingon ang bunsong kapatid, pagkatapos ay muling tumitig sa tubig.
"Tapos ano? Sasabihin nyo na naman na baliw ako? Na wala ako sa katinuan? 'wag na. I'd rather share what's in mind with someone I don't know kesa sa inyo. Mabuti pa nga siguro sila, baka susuportahan pa nila ako. Unlike you. Mga kapatid ko nga kayo, pamilya ko pero kayo mismo ang hindi nagtitiwala sakin. Kayo mismo ang ayaw maniwala sakin." Hope uttered. Faith inhales deeply.
"Hindi ganon 'yon, Hope. Hindi namin sinasabi na nababaliw ka na, at mas lalong hindi totoo na wala kaming tiwala sayo." Hope chuckles. She then faced Faith.
"Talaga? Kaya pala pilit nyo akong pinapapunta sa Psychiatrist, kay Tita Angel. Para ano? Para ipilit na nasisiraan na ako?" She asked. Love tapped her shoulder.
"Ate, para naman sayo 'yon eh. Para sa ikatatahimik natin. Hindi ba nga, ang turo satin ni Mama dati kapag may mga bagay na hindi natin nakukuha, we need to accept and let go of something that will never meant for us, then move on. Ate, ikaw nalang ang hindi pa nakaka-move on. Ikaw lang ang hindi pa rin nakaka-alis sa phase na, wala na si Mama." Love told her. Faith held her hand.
"Nahihirapan rin kami sa tuwing nagkaka-ganyan ka, Hope. Apektado rin kami kasi kapatid ka namin. Hindi ko naman inaalis sayo ang mga memories ni Mama eh. I just want you to feel better, I just want you to be healed. At hindi rin naman ibang tao si Tita Angel, Hope. Kapatid sya ni Mama, pamilya natin sya. Kaya anong kinatatakot mo? Hindi mo ba naisip, na hindi natutuwa si Mama dahil nagkakaganyan ka? Gusto lang naming mapabuti ka, Hope. Hindi para sa amin lahat-lahat ng 'to kundi para sayo. Sige, come to think of this. How would you run the business that Mama left for you kung hindi stable ang mental health mo? Paano mo itatawid ang business kung stuck ka sa memories ni Mama? Again Hope, I am not telling you na kalimutan at itapon mo ang mga memories ni Mama. All I am saying is, maging totoo ka. Nasa present tayo, Hope. At hindi na sa past, hindi sa past na kasama pa natin si Mama." Faith explained. Hope gasps.
"Buhay si Mama, nakita ko sya at hahanapin ko sya." Hope replied, tumayo sya at muling tumingin sa mga kapatid.
"Kung ayaw nyong maniwala, at ayaw nyong tumulong then I will do this alone. Hindi ko kayo kailangan." She firmly said.
"Hope, sandali nga!" Faith got up and follow her.
"Ganyan ka na na ka-selfish ngayon?! Ang gusto mo nalang talaga ang paniniwalaan mo?! Hindi mo ba naisip na nag-aalala kaming lahat sayo? Grabe ka! You're so numb and self-centered!" Faith told her. Love pulls her arm.
"Ate, tama na." Love told Faith. Hope gulped.
"Selfish? Self-centered? Selfish at self-centered bang matatawag kung gusto kong hanapin si Mama?!"
"Wala na nga sya, Hope! She's dead at hinding-hindi na sya babalik dito. Mahirap bang intindihin 'yon?!" Faith asked, losing her temper. Hope eyed her, wether with tears.
"Yan ang hirap sa inyo eh! Gusto nyong tanggapin ko nalang na wala na si Mama. Na iniwan ako ni Mama! Kung sa bagay. 'Nong buhay pa kasi si Mama, kayong dalawa lang ang nasa limelight. Kayong dalawa lang ang bida, while me?! Naghihintay lang na pansinin. Naghihintay lang na matapos sya sa inyo. Kaya ang dali-dali para sa inyong kalimutan sya eh! Kaya ang dali para sa inyo na tanggaping wala na sya kasi kayo, nagkaroon kayo ng chance na ma-solo si Mama. Na kayo lang ang inuuna ni Mama. Masama bang pangarapin kong buhay sya?! Masama bang isipin kong nandyan lang sya sa paligid at naghihintay lang ng tyempo na bumalik?! Masama bang gustuhin kong magkaroon ulit kami ng chance na magkasama?! Kasi kung kayo tapos na kay Mama, ako hindi! Sige, patay na si Mama?! Then fine! Patay na kung patay!" Hope shouted it out and ran inside their house.
"Ate Hope!" Love calls, she look at Faith and sighed. Napa-hilamos si Faith sa sarili nang mapag-tanto ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Hope.

Faith, Hope and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon