Chapter 25

27 3 0
                                    

Naikuyom ni Katie ang kamao matapos marinig ang mga sinabi ni Margaretta. Nakita nyang nagpunas ng luha si Margaretta bago ito muling tumitig sa kanya.
"Walang alam ang ama mo. Hanggang sa huling hantungan nya hindi ko nasabi ang ginawa ko." She paused as she gulped.
"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sayo noon. Pero maniwala sakin, pinagsisisihan kong pinamigay kita. I had no choice, Jul– Katie. Ginawa ko 'yon dahil sa galit ko sa ama mo. Na akala ko, hindi sya magbabago. Na iiwan nya kami. Iiwan nya tayo. Ginawa ko 'yon dahil ayokong maranasan mo ang buhay na magulo –"
"Pero naging mas magulo ang buhay ko dahil sa ginawa mo." Katie interjects.
"Alam mo, sana nga hindi ko nalang nalaman ang totoo. Sana hindi ko nalang nalaman na ampon ako, na pinamigay mo ako. At sana hindi kita nakilala. Hindi ko kayo nakilala. Pero hindi eh! Ginusto kong malaman kung ano ba talaga ang totoo. Dahil sayo, buong buhay kong naramdaman na may kulang sakin. Na may mali sakin. Ang unfair mo! Ang selfish mo! Pano mo nagawang ipamigay ang sarili mong anak ha? Pano mo nasikmurang mabuhay sa araw-araw knowing that you just abandoned your child? Pano ka nakakatulog sa gabi knowing na hindi mo alam kung buhay pa ba ako? Dahil ba iisang mukha lang ang meron kami ng anak mo? Dahil don naging kampante ka na kahit na hindi ako makita? Hindi ako makilala?! Oh dahil wala ka lang talagang kwentang ina?!" Margaretta felt the pinched on her heart as Katie uttered those words. Truth hurts, it is. And the truth just laid in front of her.
"Gusto kong isipin na tama lang ang ginawa mo. Na tinapon mo lang ako. Dhil walang-wala ka kumpara sa Mama ko." Margaretta swallowed, she won't deny the fact that she longed for her daughter – Katie would call her Mama. Pero pinakawalan nya ang pagkakataong 'yon noon. Hindi nya nakita kung papano lumaki ang anak o masubaybayan manlang ang bawat naging hakbang nito sa buhay.
"You are nothing compared to my Mom. Kaya kahit masakit na nalaman ko ang totoo, hindi ko ipagkakaila na naging maganda ang buhay ko dahil inalagaan, minahal at binihisan ako ng mga magulang na kumupkop sa akin kahit na hindi nila ako kadugo. Binigay nila ang pangalang hindi mo nagawa dahil makasarili ka! Binigay nila ang buhay na dapat Ikaw ang gumawa dahil wala kang konsensya." Katie told her. Condemning her for what she did decades ago.
"I'm sorry. I am so sorry. Alam kong mali ako sa naging desisyon ko at wala na akong magagawa para itama 'yon. Pero maniwala ka, binigay kita kay Melissa dahil alam kong aalagaan –"
"Now you want me to thank you for doing that?! Gusto mong pasalamatan kita dahil kay Mama mo 'ko binigay?! O gusto mong ipagsigawan ko sa lahat na inabandona mo ang anak mo dahil akala mo mabuti kang ina?!" Katie cut her off, chuckling.
"No, no. It's not what I meant. All I am just saying – alam kong hindi ka pababayaan ni Melissa. Alam kong mamahalin ka nila ni Renato." Margaretta replied. Katie swallowed, glared Margaretta dagger look.
"Sinubukan kitang hanapin noon. Pero nalaman kong umalis kayo, lumipat kayo. At simula 'non, hindi ko na nahanap si Melissa. Hindi ko na sya matawagan, wala na akong narinig na balita tungkol sa kanila ni Renato. Ginusto kitang makita kahit na sa malayo nalang dahil hinahabol ako ng konsensya ko. Gusto kong malaman kung anong kalagayan mo dahil gusto kong masiguro na minamahal ka nila, na tinuturing ka nilang tunay na anak. Pero bigo ako."
"Kaya hindi mo na ulit ako hinanap? Kaya hindi ka gumawa ng paraan para mahanap ako. Ganon ba 'yon? 'Yon ba ang gusto mong sabihin?!" Katie cut her off. She scoffs as she locked her eyes into Margaretta's.
"48 years! Ang dami mong pagkakataon para mahanap ako. Nasa sayo lahat! May pera ka! May mga koneksyon ka pero hindi mo ginamit! Hindi mo ginawa! Kasi kung talagang ginusto mo akong makita, bilang ina gagawin mo lahat-lahat ng makakaya mo para mahanap ako! Para makita ako! Bilang isang ina, lahat gagawin mo para malaman kung nasaan ako. But no! You've done nothing but to sit comfortably in your house. You've done nothing but acted like you were the perfect and a loving mother for your children well in fact, you're not and you will never be that perfect mother kahit na ano pang sabihin mo. At habang buhay mong dadalhin sa konsensya mo ang isang bagay na ginawa mo noon." Katie sternly said. Margaretta's tears fell as she felt the madness in Katie's words.

"Ayokong sabihin 'to dahil hindi mo deserve na marinig sakin pero sasabihin ko. Salamat. Salamat dahil tinapon mo 'ko. Dahil kung hindi mo ginawa 'yon, hindi ako 'to ngayon. Hindi ako haharap sayo ngayon. Salamat dahil ang mga taong pinagbigyan mo ng batang walang muwang noon, minahal at pinalaki nila ng tama. Salamat dahil binigay mo ako sa kanila para bigyan ng pangalan na hindi mo nagawa. My parents gave me everything – lahat-lahat ng hindi mo binigay sakin." Katie uttered, she gave Margaretta one last glare and then she rose to her feet and turn her back against the monarch. Walked away from her, leaving her dumbfounded.

Faith, Hope and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon