Chapter 19

13 4 0
                                    

Bilang parte ng pamilya, at anak ay sinabi rin naman ni Katie ang plano sa anak. She even explained every details of whys and hows, where and when.
"Meh, pwede naman nating ipahanap nalang. Hindi mo na kailangan umalis." Analyn asked. Katie quickly eyed her husband then back to their daughter.
"Gusto ko, ako mismo ang maghanap sa kanila. Gusto kong pagnahanap ko sila, malalaman ko agad kung kaya ko ba silang harapin o hindi. Kung kaya ko bang magpakilala at magpakita sa kanila. I just want it to be a first hand experience, Analyn." She uttered. Analyn heaved a deep sigh.
"Okay. Pero, Mommy malayo 'yung probinsya na 'yon. Hindi ka namin masasamahan ni Daddy." Analyn said, worries are evident on her tone. Carlos held Analyn's hand atop on their table.
"We already talked about that, anak. Sasamahan ko ang Mommy mo papunta doon, magi-stay ako ng ilang araw just to make sure na safe sya doon bago ako bumalik dito." Carlos told his daughter. Analyn's worried face did not change. Mas lalo pa nga syang nag-alala dahil alam nya na maiiwan pa rin si Katie doon oras na bumalik ang ama. Katie caress her daughter's cheek, gently.
"Doon ako lumaki, remember? Kaya 'wag ka nang mag-alala, anak. Okay ako doon. Walang mangyayari sakin. Okay?" She then told. Analyn just slowly nodded her head as a response. Katie took a deep breath as she held her daughter's arm.
"Alam kong worried ka, anak. Alam ko rin na hindi ka matatahimik hangga't hindi ka sigurado na safe ako. But I can assure you na walang mangyayari sakin don, okay? Ganito nalang. Para hindi ka na mas mag-alala pa, tatawag nalang ako sayo lagi para mabawasan na rin 'yung pagka-miss mo sakin. Okay ba 'yon?" She consoles Analyn. Analyn heaved a sighs again and again. She then force a small smile.
"Okay po. Basta tatawag ka po lagi ah? Tsaka, Dad. 'wag mong iiwan si Mommy agad hangga't hindi pa sya stable don. Please lang po." Analyn replied and told her father the latter. Carlos smiled and nods. Katie then pulled Analyn for a warm hug.

Week later, Carlos and Katie walked hand and hand inside the hospital. Magpapaalam lang din sila kay Analyn para makaalis na sila agad. Nakita naman agad nila ang anak sa nurse' station. They just bade goodbye to each other and hugs.
"Ingat ka don, Meh ha? Don't forget to update me lagi. And Dad! 'yung mga bilin ko po ha?!" Analyn told her parents. Katie just smiled and eyed her husband.
"Yes, Doc." Carlos replied.
"Sige na, anak. Aalis na kami ng Daddy mo. Mag-iingat ka rin dito ha? Uulitin ko, mag-iingat ka sa pagmamaneho at kumain ka sa tamang oras. Gets?! That's my two rules for you habang wala kami ng Daddy mo." Katie told her daughter, Analyn nods.
"I love you." She then added and planted a soft kiss on Analyn's temple.
"I love you too, Meh." Analyn replied. Carlos just smiled even more as he looks at the mag-ina. Para sa kanya, sila ang una at huling bagay na iingatan nya kahit na ano pa ang mangyari. Sila ang tanging yaman na hinding-hindi nya ipagpapalit kahit na kanino at kahit na sa ano pang sitwasyon na ibato sa kanila ng tadhana.

Faith went to the hospital to get Hope's medical records, paalis na sana sya nang may nakitang pamilyar na mukha ngunit hindi sigurado kung sya nga ba ang kilala. She saw the woman with a man and a doctor who's walking with them outside. Ilang beses pa syang kumurap para siguraduhing hindi sya namamalik-mata o nag-iilusyon lang. Susundan at hahabulin nya sana ang papalayong mga tao nang tawagin sya ng isang nurse. Mabilis nyang nilingon ang tumawag at muling tumingin sa labas ng hospital na tanging salamin lamang ang pagitan ngunit wala na ang mga ito.
"Miss, ito na po ang kailangan nyo." Wika ng nurse, agad nyang kinuha ang mga dukominto at nagpasalamat tsaka patakbong lumabas ng ospital dahilan para magtaka ang nurse na sinundan na lamang sya ng tingin. Paglabas na paglabas nya agad nyang hinanap kahit na anino ng mga taong nakita ngunit bigo sya. Patakbo rin nyang tinungo ang parking area ng ospital ngunit wala rin ang mga ito doon. Nagpalinga-linga si Faith sa kanan, kaliwa o maging sa likod ngunit wala na syang nakita bukod sa iilang tao na naroon sa parking lot.
'Faith, baka namamalik-mata ka lang. Hindi sya 'yon. Napaka-imposible na nandito sya.' Faith uttered underneath. She gulped hard and look around again, but she failed. She just took a deep breath and stepped out of the parking lot.
"Hindi si Mama 'yon. Imposibleng si Mama 'yung nakita ko." She whispered. She took a quick glance inside the hospital and went to her car.
"Pero pano kung tama si Hope? Pano kung buhay nga si Mama? Pano kung sya nga 'yung nakita ko?" She asked herself.

Faith, Hope and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon