Julia was facing her laptop when Dianne barged inside her office. Komportable syang dumiretso sa sofa at pinakatitigan ang kaibigan.
"Tinawagan ako ni William." Dianne uttered that made Julia look at her. Dianne plays with her hair,
"Sinabi nya lang naman na kumbinsihin kitang dalhin si Hope kay Dr. Lomio." Dugtong ni Dianne. Napasinghap si Julia at isinara ang laptop.
"Dianne, I know you were just concern about Hope's situation pero hindi baliw ang anak ko, okay?" May tonong pagka-inis na sagot ni Julia. Pagkatapos 'nong araw na nag-usap sila ni William, iniiwasan ni Julia na muling ipilit ng asawa ang gustong gawin para kay Hope.
"Juls, alam ko. At hindi lahat ng mga dinadala sa Psychiatrist ay baliw. Ano ka ba?! Hope needs help from professional." Dianne told her. Julia sighed.
"Look! Kaibigan kita, Julia at alam mong kahit na anong mangyari, kakampi mo 'ko. Pero sa pagkakataong 'to, tama ang asawa mo. Kailangan ni Hope ng professional para malaman mo, malaman nyo kung bakit paulit-ulit bumabalik sa kanya 'yang - kung ano man 'yang nasa panaginip nya. Hindi ka ba naaawa sa anak mo?" Dugtong pa ni Dianne. Tinitigan nya ang kaibigan na tahimik lang.
"Alam mo kasi, baka lang ha. Baka lang naman kaya pabalik-balik kay Hope 'yan kasi -"
"Nagkaganon lang naman si Hope simula 'nong aksidente." Julia interject.
"Exactly! Kaya nga siguro nagkaka-ganyan si Hope kasi paulit-ulit na bumabalik sa kanya 'yung nangyaring aksidente na hindi nya naman maalala ngayon. Juls, may trauma 'yung bata. Siguro hindi natin napapansin 'yon araw-araw, hindi natin napapansin kasi diba, nasasabayan nya naman ang mga kapatid nya? What if, just what if! What if hindi lang nagsasabi si Hope kasi baka natatakot syang hindi kayo maniwala? What if, ayaw nya lang ipaalam sa inyo kasi unang-una, magkahiwalay ang mga magulang nya. Pangalawa, pareho kayong busy ni William. At pangatlo't huli, hindi kayo nagsasama bilang pamilya." Julia stares her friend,
"Malaki ang parte ng pamilya, Juls. Alam mo 'yan. Alam mo 'yan dahil nagka-issues ka rin sa pamilya mo. You should know the feeling of being neglected. I am not saying na, nane-neglect nyo nga sya pero paano kung ganon nga ang nararamdaman ng bata? Walang mawawala kung sasamahan mo sya. Walang masama kung aalamin mo kung ano ba talaga ang nangyayari kay Hope. Hihintayin mo pa bang lumala bago mo gawin 'yung bagay na dapat matagal mo nang ginawa? Ikaw, bilang ina. Gusto mo bang mas mahirapan at dalhin ni Hope 'yon hanggang sa tumanda sya at isusumbat nya nalang sa inyo lahat dahil wala kayong ginawa?" Dianne told her. Julia gulped.
"Pano kung ang aksidente ang paulit-ulit na bumabalik sa kanya?" She asked her friend.
"Then she really needs help. Just imagine, kung ilang taon nang naghihirap ang anak mo dahil sa aksidenteng 'yon. Just imagine kung ilang taon nang nakalipas 'yon pero hanggang ngayon, bumabalik pa rin sa kanya. Try to put yourself exactly where she is right now. Alam kong naiintindihan mo 'ko, Julia. Nanay ka, alam mo ang pakiramdam kung nahihirapan ang anak mo. Alam mo at nararamdaman mo kung may ibang nararamdaman ang anak mo. 'wag mo nang hintaying mabaliw 'yung anak mo bago ka gumawa ng aksyon. Hindi mo ikakasira bilang ina kung ngayon, sundin mo naman ang asawa mo. Hindi na 'to tungkol sayo o kay William, hindi na 'to tungkol sa inyong dalawa. Tungkol na 'to sa anak nyo." Dianne said that made her thinks further.
Kung titingnan, maayos naman si Hope. Normal naman ang mga ipina-pakita nya, normal naman ang mga kilos nya. Maliban nalang sa pagiging perfectionist nito sa mga bagay-bagay sa paligid nya. Kitang-kita nya kahit na ang pinaka-maliit na mali sa paligid nya, kitang-kita nya kung may naiiba. Ayaw na ayaw nyang hindi organized ang mga gamit nya, kahit ang pinaka-maliit na hair clip na nawawala sa drawer nya ay mapapansin nya. Unlike Faith and Love, hindi sya nakikipag kaibigan. She has one friend but there's still barrier between the two of them. Ang tanging kaibigan lang na tinuturing at pinagka-katiwalaan nya ay ang mga kapatid lang. She is bubbly if she's inside her shell. Outside? Not at all.
BINABASA MO ANG
Faith, Hope and Love
ФанфикPaano mananatiling buo ang pamilya? Paano kung ang dating masayang samahan ay biglang nasira dahil sa ginawang hindi sinasadya? Ano ang gagawin ng isang ina para ibalik ang dating pagmamahal na nawala? Ano ang kayang gawin ng isang anak para sa pami...