Chapter 29

21 2 0
                                    

"Meh? Pwede ba akong sumama sayo? Niyaya rin naman ako nila Love eh." Analyn tries to bargain as Katie prepared to leave their house.
"Wala ka namang gagawin don anak. Tsaka uuwi rin naman ako agad eh." Katie said that made Analyn pouts.
"Sige na Meh please. Gusto ko rin namang makilala 'yong mga kapatid mo eh, tsaka 'yong mother mo." Analyn uttered. Katie heaved a sigh and faced her.
"Analyn, wala akong mga kapatid, okay? Tsaka nasa taas lang ang Lola mo." She replied, seemed like ayaw nyang makilala ng anak ang mga kapatid nya – and her biological mother.
"Mommy naman eh! Hindi naman kasi si Lola Melissa, 'yong Lola nila Love kasi. Tsaka chance ko na rin naman na makilala 'yong iba ko pang mga relatives diba? By blood." Analyn was persistent.
"Please?" She pleads again. Katie sighed again.
"Fine. But please, 'wag ka masyadong ma-attach sa kanila. Tandaan mo, Analyn. Hindi sila ang pamilya ko. At wala akong balak na kilalanin sila. Gagawin ko lang 'to ngayon dahil naki-usap si Faith. Naiintindihan mo ba?" She told her daughter. Analyn just nodded her head.


*******************

On the Andres ancestral house, sinabi na ni Margaretta sa kanila na may isa pa syang anak. Jeff and Angel looks at each other when their mother dropped it.
"What do you mean, Ma?" Jeff asked his mother. Margaretta eyed Faith, she then looked at her son.
"May nagawa ako noon na pinagsisisihan ko na ngayon, Jeff. Pinamigay ko ang anak ko – ang kapatid mo dahil akala ko, hindi na matatapos ang problema namin ng Tatay mo. Now that I found her –"
"Her. So babae sya." Jeff interrupts then laughs sarcastically.
"Patapusin mo muna ako Jeff." Margaretta said. Jeff sighed, Angel then nudged him to stop and listen to their mother's saying.
"Akala ko hindi ko na sya mahahanap. Dahil hindi ko naman talaga sya hinanap. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil sa ginawa ko sa kanya. Kung maibabalik ko lang ang oras at ang araw na binigay ko sya, hindi ko na gagawin 'yon dahil mahirap. Mahirap mabuhay sa katotohanang may anak akong iniwan at inabandona. Mahirap matulog dahil walang oras o minuto na hindi ko pinagsisisihan ang lahat. Akala ko magiging maayos pero hindi. Akala ko hindi ko na sya makikita pero hindi. Hindi ko mababago ang lahat dahil ako rin ang pumili nito." Margaretta said, she swallowed hard and eyed them.
"Walang alam ang Daddy nyo. Hindi ko sinabi sa kanya hanggang sa huling hininga nya. Pero ngayon, kaya ko sinasabi sa inyo 'to dahil alam kong magku-krus rin ang mga landas nyo. At ayoko nang mas gumulo pa ang lahat at ayokong mawala ako sa mundong ito na hindi ko nasasabi sa inyo na may kapatid kayo, ayokong mamamatay na may tinatago pa rin sa inyo katulad ng hindi ko nasabi kay Julia na may kapatid pa sya, sa Papa nyo na may anak pa sya. Na ipinamigay ko 'yon noon dahil makasarili ako." She paused then looked at Faith again then back to her son.
"I invited her here." She added. Jeff chuckled. Hindi nya alam kung paano nya paniniwalaan ang mga sinabi ng ina. All his life, dalawa lang ang alam nyang kapatid nya. That's Julia and Angel. Hindi nya rin alam kung paanong nagawa ng ina ang iwan ang sariling anak.

"Faith, darating pa ba sya?" Margaretta asked Faith. Nabaling ang mga mata ni Jeff sa pamangkin.
"Alam mo ang tungkol dito Faith?" He asked. Margaretta eyed him, Faith gulped as she nods.
"Si Faith ang nakahanap sa kanya kaya alam nya." Margaretta replied. Umismid si Jeff at tumayo mula sa kinauupuan.
"Sit down, Jeff." Margaretta command which Jeff did.
"Kuya, hayaan na muna natin si Mama na magpaliwanag. Please?" Angel whispers on him. Jeff inhales deeply as he tries to calm himself. She looked at Angel then to his wife who just nodded her head at him.
"I must admit, nagkasala ako. Pero ngayon, gusto ko nang itama 'yon. Gusto ko nang itama ang ginawa ko. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ng kapatid mo dahil sa ginawa kong 'yon pero sana, sana bago manlang ako mawala sa mundong ito, mapatawad nya ako. Mapatawad mo ako Jeff." Margaretta told him, told them. Then silence ruled over them until Faith's phone dinged.
"Nandyan na sila. Puntahan ko lang po sa labas." She informed everyone as she rose to her feet and gave Margaretta an quick glance.

Faith, Hope and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon