"Ate Hoppy. Ready ka na?" mahinahong tanong ni Love kay Hope habang nakasilip sya sa pintuan ng kwarto ni Hope. Nilingon naman sya ni Hope at pilit na ngumiti bago tumango.
"O-oo. Bababa na rin ako. Sagot naman ni Hope. Tumango si Love at ngumiti sa kapatid.
"Oh, where's Hoppy na?" agad na tanong ni Faith nang makita si Love na pababa na ng hagdan.
"Pababa na rin naman sya, Ate." Sagot ni Love sa kapatid.
"Okay. Mauuna na ako sa kotse ha, sumunod na agad kayo pagbaba ni Hope. Baka ma-traffic pa tayo, nakaka-hiya sa pamilya ni Mrs. Benitez." Faith muttered. Love nods.
Pagka-labas ni Faith ay nakasalubong nya naman ang ama na kararating lang galing sa opisina. Mabilis nyang nilingon si Love at agad ring binalik sa ama.
"Aalis ka?" Wiiliam asked his daughter. Faith smiled at him, she then gave him a quick hug.
"Yes, Dad. Aalis kaming tatlo. May pupuntahan lang po kami." She lied, William nods.
"Ah, okay. Aalis rin ako, dadalawin ko lang si Winston kaya baka ma-late ako ng uwi mamaya." He told her and it was audible to Love. Faith just smiled and nodded her head.
"Okay, Dad." She then replied. William then nod at her and walk inside their house, Love then welcomed him with a hug and a peck on his cheek.
Sa bahay ng mga Benitez, abala naman sa pag-aasekaso si Katie sa mga pagkaing ihahanda sa mga magiging bisita. Hindi sya mapermi sa isang tabi kahit na lahat naman ay kayang gawin ng katulong nila.
"Meeeeeh!! Bahay na ako." Sigaw ni Analyn mula sa pinto. Nagkataon kasi na nasa kusena si Katie.
"Pahinga lang ako, Meh ha? Tawagin mo nalang ako pag nandyan na sila." Dugtong ni Analyn.
"Okay!" Tanging sagot ni Katie dahil alam nya rin naman na pagod ang anak sa trabaho. Dahila alam nyang hindi biro ang maging isang doktor. Na kahit antok na antok ka pa, pag tinawagan ka, dapat alerto ka. Na kahit gutom na gutom at nasa kalagitnaan ka ng pagkain mo, pag tinawagan, dapat alerto ka. O kahit nasa bakasyon ka, kapag may pasyente kang - kahit nakasalubong manlang, hindi mo kailangang itago na doktor ka. Because that is their sworn job as doctors. To save lives.
Ibinagsak ni Analyn ang katawan sa kama nang maka-pasok na sya sa sariling kwarto. Gusto na nyang matulog, magpahinga ngunit hindi pa pwede. Off nya naman sana, kaya lang eh may biglaang surgery kaya wala syang nagawa kundi ang pumasok. Isa pa, sya naman talaga ang attending surgeon ng pasyente, napa-aga lang talaga ang operation na sana sa susunod na mga araw pa gagawin.
Tamad na tamad na kinapa ni Analyn ang cellphone sa loob ng kanyang bag nang tumunog iyon. Tamad na tamad nya ring sinagot ang tawag.
"Oh?" She uttered. Hindi na nya tiningnan kung sino man ang tumawag.
"Wow! Ang saya naman ng bati mo. Ano, kaya pa ba today Dra. Analyn Enriquez Benitez? Magigising ka pa ba bukas?" Analyn yawned.
"Ano ba kasi 'yon? Bilisan mo na Angeleth, gusto ko pang mabuhay kaya sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin para makapag-rest na 'ko." Analyn told, na kung kaharap nya ang kausap ay baka nabatukan na sya.
"So kasalanan ko pa na wala kang pahinga ngayon? Sino ba kasi ang gustong mag-Doctor? Hindi ba ikaw naman? Anyway! I called just to inform you na sasama pala si George sa outing. Ayon lang naman!" Angeleth told her. Analyn heaved a sigh.
"Oh sige na, thank you for letting me know." She replied.
"Wala ka manlang bang violent reaction don? I mean, okay lang talaga sayo na sasama sya satin?" Angeleth asked. She rolled her eyes as she sit up.
BINABASA MO ANG
Faith, Hope and Love
FanfictionPaano mananatiling buo ang pamilya? Paano kung ang dating masayang samahan ay biglang nasira dahil sa ginawang hindi sinasadya? Ano ang gagawin ng isang ina para ibalik ang dating pagmamahal na nawala? Ano ang kayang gawin ng isang anak para sa pami...