Chapter 8

26 6 0
                                    

Sa paglipas ng mga araw, at linggo mas gumulo ang lahat. Her relationship with her husband, their marriage. She keeps on asking but there's no answer. Hindi naman sa nago-over think o pinapangunahan niya ang lahat pero iba ang sinasabi ng puso kesa sa isip. At kahit kailan, hinding-hindi magkakasundo ang puso at isip kung merong mali. Hindi masasabi ng isip na maniwala ang puso kung ang totoo'y wala na, at hindi matuturuan ng puso ang isip kung masakit na.

"Ma? Nasan ka po?" Faith asked Julia through phone call.

"May pinuntahan lang akong importante anak. Why?" She asked,

"Tinawagan po kasi ako ni Hope. She wants you to come with her po kay Tita Angel ngayon. Matagal ka pa po ba dyan?" Faith told her and asked the latter. Julia gulped, she forgot that Hope has appointment with Angel.

"I – I think so, I'm sorry, Faith I can't. Pwede bang ikaw nalang muna ang sumama sa kapatid mo? Hahabol ako if time permits." Julia replied.

"Mama, wala naman akong alam don eh. Hindi ko rin naman po matawagan si Daddy." Faith said. Julia sighed.

"Please, Faith. Go with your sister. Samahan mo lang ang kapatid mo." She told Faith.

Pagkatapos ng tawag ay agad na tumawag si Julia sa opisina ni William and she found out that William was not there. Salungat sa sagot ng asawa.


"Anong gagawin mo?" Nakatanaw sa malayong tanong ni Dianne kay Julia.

"Ngayon? Wala." Simple niyang sagot sa kaibigan. Hindi sya kumurap o inalis manlang ang mga tingin sa kung sino o anumang tinatanaw.

"Tama ako diba?" She then whispered. Dianne looks at her, hindi niya matukoy kung galit o sakit ang nararamdaman ng kaibigan. Ngunit maaring pareho, at sabay na nararamdaman ang galit at sakit.

"Juls, hindi pa natin alam kung bakit sila magkasama. Pero oo nga, bakit sila magkasama at bakit silang dalawa lang. Bakit dito?" Dianne muttered.

"Dianne naman!" Julia hissed, she then sighs.

"Hindi mo ba talaga nakukuha o ayaw mo lang intindihin?! My gosh! What if ako ay ikaw ngayon, anong mararamdaman mo ha? Anong gagawin mo? Tutunganga ka nalang ba sa bahay nyo at hihintaying uwian ka pa ng asawa mo?" Itinaas ni Dianne ang mga kamay at tumango.

"Oo na, kumalma ka lang. Hindi ako ang nagbibigay ng sama ng loob sayo ngayon kaya mag hunos-dili ka, Hulya." Dianne told her.


Hindi niya matukoy kung kelan nagsimula, kung nangyayari na ba ito 'nong mga panahong magkahiwalay sila ni William o ngayon lang. Hindi niya alam kung dapat ba siyang mag-isip ng ganito o baka wala naman talaga. Ngunit ang tagpong nakita nya sa opisina ni William 'non ay nakatatak pa rin sa isipan nya. Pilitin man niyang isawalang-bahala ngunit pilit itong sumisiksik sa isipan nya. Pilit na nagbibigay ng hudyat o babala na pilit rin niyang isinasantabi.

At mahirap mang pagsunod-sunurin ang mga nangyari, ang laging pag-uwi ni William ng madaling araw, ang laging pag-alis nito at laging pagsisinungaling, her guts as a wife is telling her something that her husband is doing something behind her back. Ayaw man niyang aminin, pero natatakot siyang malaman ang totoo. At kung meron man, handa syang sumugal para sa mga anak.
Julia felt the lump on her throat, now that she's staring at her husband with another woman.


"Juls," Dianne held her shoulder, as she looks into her friend's face. 

She saw how Julia would swallows her own saliva, she saw how her tears forms into her eyes, she saw the hints of pain as Julia watch her own husband with another woman who just kissed her husband on his side lips, and hugs him, and Julia saw everything with her own eyes.

Faith, Hope and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon