Chapter 11

23 4 0
                                    

"Faith, sandali. Anak kausapin mo ako. Please!" William begged. Deri-deritso si Faith sa pag-akyat ng hagdan hanggang sa kwarto nito na naka sunod ang ama.

"Faith, let me explain. Pakinggan mo muna ako, anak sige na." He uttered. Faith did not answer, she went inside her closet and grabbed all of her clothes and put them inside her bag. William heaved a sigh of frustrations.

"Okay fine! I'm sorry, hindi ko sinasadya 'yon. Okay? Hindi ko alam na buntis sya, na nabuntis ko sya. I was planning to tell you pero I don't know how, I don't have the courage to tell you. Faith, alam kong nasaktan kita. Nasaktan ko kayo ng mga kapatid mo, nasaktan ko ang Mama mo pero anak maniwala ka, hindi ko sinasadyang gawin 'yon." He told her. Faith stop and glared him. He then take the opportunity to speak.

"Alam kong nagagalit ka sakin anak, at araw-araw akong hihingi ng patawad sayo, sa inyo ng Mama mo dahil sa pagkaka-maling 'yon. I'm so sorry anak pero anak ko rin ang batang 'yon. At hindi ko pwedeng pabayaan nalang sila. Anak ko 'yon at responsibilidad kong panagutan sya. I'm sorry, Faith. I am so sorry, anak. Hindi ko kaagad sinabi sa inyo dahil alam kong masasaktan kayo ng mga kapatid mo, ayokong masaktan ka. Ang annulment, alam kong mangyayari 'yon dahil sinabi ng Mama mo. Pero Faith, maniwala ka hindi naman ako papayag na masira ang pamilya natin eh. Hindi ako papayag na matatapos nalang lahat ng meron tayo dahil lang sa kasalanang ginawa ko. Nasasaktan ang Mama mo kaya nya nagawang mag-file ng annulment, nasasaktan lang sya dahil niloko ko sya. Pero anak, hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Magiging buo tayo, magiging pamilya pa rin  tayo." He said. Faith swallows as she eyed him without any emotions except for anger.

"Alam mo Dad? Sobrang taas ng tingin ko sayo. Sobrang lawak ng respeto ko sayo. I am so proud of you because you once the governor. Sobrang hanga ko sayo dahil kinaya mong maging ama ng maraming tao, kinaya mong maging ama saming magka-kapatid. Sobrang bilib ako sayo dahil ang galing-galing mo. Pero hindi ko akalaing magiging literal na ama ka ng ibang bata – batang anak mo lang dahil niloko mo si Mama. Kaya lahat 'yon? Lahat nawala na parang bula. Gusto kitang isuka, Dad! Tama ka Dad, galit na galit na galit ako sayo! Sobrang galit na galit ako sayo dahil sa ginawa mo! Ayaw mo kaming saktan? Eh ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon? Masaya?! Excited?! Sa tingin mo magpapa-party ako dahil nalaman kong naka buntis ang Tatay ko?! Gusto mong ipa-billboard ko pa kung pano mo nagawa 'yon?! Ayaw mo kaming masaktan pero gumawa ka pa talaga ng souvenir! Nag-iwan ka pa ng remembrance! Nag-iwan ka pa ng ikaka-sira nating lahat! Ayaw mo kaming masaktan dahil mahal mo kami?! Then what now, Dad?! Bakit mo kami sinasaktan ng ganito?! Parte pa rin ba ng pagmamahal mo 'to?! Kasi kung oo, awat na! Tantanan mo na." Faith told him, looks at him sternly.

"Hindi mo lang basta sinaktan si Mama, ininsulto mo pa sya bilang babae at bilang asawa mo. Bakit Daddy?! Hindi ba enough si Mama sayo? Hindi ba kami enough para sayo?! Hindi pa ba enough na puro kami mga babae sa buhay mo para maghanap ka pa ng iba?! –" William's heart breaks into pieces as he listens to his daughter. It feels like, every words that comes from her mouth is a double edges sword. Magka-bilaan ang tama. Magka-bilaan ang sakit.

"Baka nga tama lang na hiwalayan ka na ni Mama." She said and grabbed her bag and walk out which William follows. Hiyang-hiya sya sa sarili nya dahil sa mga sinabi ng anak.

"Faith, saan ka pupunta?" He asked and tries to held her arm but she shoved him away.

"Ano ba! 'wag mo nga po akong hawakan! Aalis ako, at uuwi na ako sa Mama ko!" Faith firmly said.


Agad na umuwi ng bahay nila si Faith, hindi na nya kailangan pang pakinggan lahat ng sasabihin ng ama gayong inamin naman nitong nagkamali sya, nagkasala sya. Ang hindi lang nya maintindihan ay kung bakit kailangang ilihim ni William ang lahat, itago sa kanya ang mga nangyayari gayong nasa wastong edad na sya. She's not a kid anymore, she's now a woman. At hindi rin sya manhid para walang maramdaman sa loob ng pamilya.

Faith, Hope and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon