Chapter 9 - Heartbeat

1.2K 52 1
                                    


Freen's POV

Maaga akong nagising ngayon. Nakakapagtaka dahil hindi naman ako ganito. Nagising na ko bago pa man tumunog ang alarm ko. Tumayo ako at nag-inat inat bago pumasok ng banyo.

Naisipan kong magbabad muna sa bath tub tutal maaga pa naman. Inaalala ko yung panaginip ko kagabi, parang medyo weird kasi. Ang naalala ko lang ay may kasama daw akong babae sa cr at sobrang lapit ng mukha ko sakanya. Pilit kong inaaninag yung mukha niya pero hindi ko talaga makita. Ang weird talaga.

After 30 minutes ay napagpasiyahan ko ng tumayo mula sa bath tub at dumiretso sa shower.

Fast Forward....

7:30am palang ay nakarating na ko ng school. Naisip ko na tumambay nalang muna sa kotse dahil ayaw ko pang pumunta ng room. Nagcellphone nalang muna ako pampalipas ng oras. After 15 minutes napansin kong may nagpark sa tabi ng sasakyan ko kaya napagpasyahan ko ng lumabas na at magtungo sa room namin.

Paglabas ko ay napatingin ako sa sasakyan na nagpark sa tabi ng kotse ko. Sakto naman ay lumabas ang mga sakay nito.

"Rebecca." Sa isip ko.

Hindi ko alam kung narinig niya ba yung sinabi ng isip ko dahil napatingin din siya sakin. Saglit lang kaming nagkatinginan dahil inalis ko agad ang tingin ko sakanya. Hindi ko alam pero parang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay napapaso ako sa mga tingin niya.

Agad akong naglakad palayo sakanila. Habang naglalakad ako ay ayaw pa rin bumalik sa dati ang pagtibok ng puso ko.

"Shit, baka may sakit na ako sa puso. Kailangan ko siguro magpacheck up?" Sa isip ko.

Nakarating na ko sa room namin at agad naman akong naupo sa pwesto ko. Maya maya pa ay dumating na rin ang grupo ni Rebecca. Hindi ko mapigilan ni hindi siya tingnan. Parang namamagnet niya ang mga mata ko. Naalis lang ang tingin ko sakanya nang dumating ang aming professor. Agad naman itong nagsimulang magturo.

Mabilis na dumaan ang oras at uwian na. Nag-aayos na ako ng gamit nang biglang magsalita si Nam.

"Girl, tara mall tayo? Bili na rin tayo ng susuotin para sa birthday ni Kirk." Aniya.

"Tara, wala din naman akong gagawin after class." Singit naman ni Kade.

"Okay." Maikling sagot ko.

Wala talaga ako sa mood ngayon pero naisip ko na sumama nalang para makapaglibang libang naman ako. Puro si Rebecca nalang kasi ang naiisip ko these past few days.

Natigil naman ang pag-iisip ko nang magsalita si Tee.

"Hindi ako makakasama sainyo, guys. May pupuntahan ako eh. Ingat at enjoy!" Ani nya.

"May date ka no? Ang malas naman ng ka-date mo." Nang-aasar na sabi ni Nam.

"Wala akong ka-date, okay? May pupuntahan lang talaga ko." Naiinis na sagot ni Tee.

"Tara na, guys. Baka mag-away pa kayong dalawa jan." Aya ni Kade.

Sabay sabay na kaming lumabas at nagtungo sa parking lot. Sumakay kami sa kanya kanya naming sasakyan at sunod sunod na lumabas ng school patungo sa mall. Bago ako makalabas sa gate ay nakita ko pa si Rebecca na naglalakad. Tila nagmamadali pa ito. Saglit ko lang siyang pinagmasdan at saka mabilis na lumabas ng school.

"Bakit kaya nagmamadali yun? Natatae na siguro." Natatawang sabi ko.

Narealize ko na nakangiti na pala ako. Agad ko namang binalik sa pagkaka straight face ang mukha ko. I shook my head at nagfocus na ako sa pagdadrive.

Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon