Chapter 26 - I like you too

1.3K 102 12
                                    

Freen's POV

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumalik sa table namin. Siguro ay nagtataka na ang mga kasama ko kung bakit ako natagalan sa comfort room. Especially Saint.

Pagbalik ko sa table namin ay wala na sila Armstrong doon. I act normal, tutal sa ganito naman ako magaling.

"Let's go, guys." walang emosyon na sabi ko.

Mukhang wala naman silang napansin dahil wala namang nagtanong sakanila.

Pagpasok namin ng room ay agad akong tumingin kay Armstrong. Mukhang normal naman ito, as usual ay nagbabasa ng libro.

Habang nakaupo ako ay pasulyap sulyap ako sakanya, hinihintay ko na mapatingin ito sakin pero hanggang sa matapos ang klase namin ay hindi man lang ito tumingin sakin.

"Love, do you have plans for the rest of the day? Let's have a date." nakangiting sabi ni Saint habang naglalakad kami papuntang parking.

"I'm sorry, but I can't. Diba meron tayong research paper na gagawin?" sagot ko.

"Oo nga pala. I forgot. How about tomorrow?" tanong pa nito.

"Let's see, okay? Mauna ka ng umuwi kasi kakausapin ko pa yung partner ko sa activity natin." sabi ko.

"Sino nga ba ulit yung partner mo don?" tanong pa niya.

"Si Rebecca Armstrong." sagot ko naman.

"I see. You take care, okay? I'll go now. Bye." paalam niya saka humalik sa lips ko.

"Bye." maikling sagot ko.

Hinintay ko munang makaalis si Saint bago ko tinawagan si Armstrong. Sana ay sagutin nito.

"Calling BB..."

Nakailang tawag ako pero hindi siya sumagot.

Mukhang balak na talaga niya akong iwasan pagkatapos ng nangyari samin kanina. 

Pupuntahan ko nalang siya sakanila para wala siyang kawala.

Naisip kong tawagan ang pinsan kong si Mind para ipagpaalam si Armstrong na wag munang papasukin ngayon dahil may kailangan kaming gawin.

"Calling Mind..."

Mabilis namang sumagot ito.

"Hello, Freen. Napatawag ka? May kailangan ka ba?" sagot nito sa kabilang linya.

"Ah, cousin.. May favor sana ako.." sagot ko.

"What is it? You can ask me anything, cousin." mabilis na sagot niya.

"Ano kasi, yung isang tauhan mo diyan sa cafe, si Rebecca. Magpartner kami sa paggawa ng research paper, ipagpapaalam ko sana na baka pwedeng hindi muna siya pumasok ngayon para makagawa kami. Bukas din kasi yun i-ssubmit e. Wag mo nalang din sabihin na pinagpaalam ko siya at wag mo rin banggitin na magpinsan tayo." mahabang sabi ko.

"Yun lang ba? Walang problema, Freen. Pero Tuesday ngayon, wala siyang pasok. MWF lang ang schedule ng work niya dito sa cafe." sagot niya.

"Oh, really? nabanggit niya kasi kanina na may pasok siya ngayon." nagtatakang sagot ko.

"Baka nakalimutan lang niya na wala siyang pasok. Should I call her? Baka kasi pumasok yun." tanong nito.

"No, no need na. Ako ng bahala. Thanks, cousin." sagot ko.

"Okay, no problem. Bye." sagot nito saka binaba ang call.

So, wala pala siyang pasok ngayon? Bakit kaya niya sinabing meron? Nakalimutan or sinadya niya? hmmmm..

Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon