Chapter 14 - Nat

1.1K 58 3
                                    

Becky's POV

Naalimpungatan ako nang mag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito para i-check dahil baka importante.

Napailing nalang ako nang makita na isang scam message lang pala. Binalik ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at pumikit ulit para matulog pero ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi na ako makabalik sa tulog kaya kinuha ko ulit ang cellphone ko para i-check ang oras at nakita kong 4:30am na. 

Tumayo na ako dahil nakaramdam din ako ng gutom. Hindi na pala ako nakakain kagabi dahil nakatulog agad ako sa sobrang pagod. Siguro ay hindi na ako ginising pa ni Mama para magtuloy tuloy na ang tulog ko.

Paglabas ko ng kwarto ay dumiretso muna ako sa banyo. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para i-check kung may pagkain. Mabuti nalang at meron pang kanin at konting adobo na tira mula kagabi kaya naman agad akong nagsandok para kumain. Nagtimpla na rin ako ng kape.

Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong paglutuan sila mama ng pang almusal nila. Sinangag ko yung tirang kanin at nagluto ng itlog at tuyo.

Nang matapos akong magluto ay sakto namang nagising na yung dalawa. Dumiretso si Mama sa banyo habang si Richie naman ay tulalang naupo muna. Siguro ay nagmumuni muni pa ito. Maya maya ay lumabas na si Mama sa banyo at pinalitan naman ito ni Richie.

"Mukhang masarap yan anak ah. Si Mama.

"Syempre, ako nagluto eh." Natatawang sabi ko.

"Upo ka na Ma, paghahainan ko kayo ni Richie." 

Umupo naman ito habang nilalagay ko sa lamesa ang mga pagkaing niluto ko. Tinimplahan ko na rin si Mama ng kape.

Pagkalabas ni Richie sa banyo ay naupo na rin ito at sabay na silang kumain ni Mama. Dumiretso naman ako sa banyo para maligo na.

Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay bumalik ako sa sala para tumambay muna dahil maaga pa naman. Nagcellphone muna ako habang hinihintay sina Nop at Yuki. Maya maya pa ay nagtext si Nop na hindi muna nila ako madadaanan dahil ihahatid daw siya ng parents niya sa school.

Tumayo na ako at nagpaalam kay Mama na papasok na kahit medyo maaga pa. Sakto lang din ang dating ko sa school dahil mas matagal ang byahe kapag commute.

Nakasakay naman agad ako at after 30 minutes ay tumigil ang jeep sa harap ng Stoneridge. Pagbaba ko ng jeep ay mabilis akong naglakad papuntang gate at may nakasabay pa akong isang babaeng nakashades pagpasok.

Tiningnan ko ito dahil parang pamilyar siya. 

"Freen." Sambit ko sa isip ko habang nakatingin sakanya.

Napatingin din siya sakin pero agad ding umiwas, mabilis syang naglakad at nilagpasan ako. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay humarap ito sakin sabay sigaw.

"This is your fault, Armstrong!"

Natigilan ako sa sinabi niya pero siya ay mabilis na tumalikod at naglakad papalayo.

"Anong meron?" Curious na tanong ko sa sarili ko at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

Pagpasok ko ng classroom ay agad akong tumabi kina Yuki at binati ang mga ito. Luminga linga ako sa paligid para tingnan si Freen ngunit wala ito. Tanging ang mga kaibigan lang niya ang nandito.

"Ano kayang nangyari don?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hala? Bakit ba ako nag-aalala? Tsss. Wala naman akong paki don." Mabilis na kontra ng isip ko.

Maya maya pa ay dumating na ang professor namin, pero wala pa rin si Freen. Iniisip ko pa rin siya hanggang ngayon.

"Nasan ba kasi yun?"

Natigil lang ang pag-iisip ko nang magsalita ang prof namin.

"Class, we have a new student. Please welcome Mr. Nat Uareksit."

Gulat na nagkatinginan kami ni Yuki.

"Good morning classmates. My name is Nat." Nakangiting pagpapakilala nito habang nakatingin sakin.

"Please sit beside Miss Armstrong, Mr Nat." -Prof

"Shit." Sa isip ko. Bakit ba kasi my bakanteng upuan dito sa tabi ko?

Nat is an ex-boyfriend of mine. He was my first and only boyfriend. We had been dating for two years when he decided to cheat on me.

Mabilis na naglakad ito papunta sa katabing upuan ko at nakangiting nakatingin sakin bago umupo.

"Hi Becky." Masayang bati niya.

Tiningnan ko lang ito at mabilis na umiwas ng tingin. Mabuti nalang at nag-umpisa ng magdiscuss ang prof namin.

Kung kanina ay si Freen lang ang iniisip ko, ngayon ay dumagdag pa 'tong Nat na 'to. Hindi tuloy ako makapagfocus lalo.

Mabuti na lamang ay mabilis na lumipas ang oras at dumating ang break time. Agad kong inaya si Yuki at Nop sa canteen.

"Becky, okay ka lang ba?" Tanong ni Yuki.

Tumango lang ako.

"Sabihin mo sakin kapag kinulit ka ng mokong na yon ah? Lagot sakin yun." -Nop

"Selos agad, Nop?" Nang-aasar na tanong ni Yuki.

"Shut up." Nakasimangot na sagot ni Nop.

Napatingin ako sa entrance ng canteen dahil pumasok sila Kirk. Nagtaka ako nang makita kong kasama nila Si Nat na para bang close ito sakanila. Ngunit napansin ko na wala pa rin si Freen.

Naupo sila sa tabi ng table namin na kinainis ko naman. Paano itong si Nat ay panay ang tingin sakin.

"How are you, Becky?" Biglang tanong ni Nat habang nakatingin sakin.

"You know Rebecca?" Nagtatakang tanong ni Kirk kay Nat.

"Yes, I know her since high school and she was my ex-girlfriend." Pagmamalaki nito at ngumiti na tila ba ay may kahulugan.

"Oh! This is going to be more exciting." Biglang sabi ni Tee. 

Kunot noong tiningnan ko siya pero ngumiti lang ito sakin. Hindi ko nalang pinansin kung anong sinabi niya, baka nababaliw lang ang isang 'to.

"Anyway, Rebecca. Don't forget on Saturday, okay?  6PM. You can bring Nop and Yuki." Ani ni Kirk at inabot ang invitation sakin.

Natigilan ako sa sinabi ni Kirk.

"Shit! Oo nga pala. Bakit ba nakalimutan ko? Paano pa ako makakapagpalusot nito?"

"Anong meron sa Saturday?" Tanong naman ni Yuki.

Napansin kong nakatingin si Tee sakanya at para bang nagniningning pa ang mga mata nito.

"Birthday ko. Nung Monday ko pa inaya si Rebecca, hindi pala niya nabanggit sainyo." Sagot naman ni Kirk.

"Oh, I see! Sige punta kami." Sagot naman ni Yuki.

Tiningnan ko naman ito ng masama.

"Okay, it's settled then." -Kirk.

"How about me?" Nagtatampong tanong ni Nat kay Kirk.

"Of course, you are invited too." Sagot naman ni Kirk.

"What the fvck! Paano ba ako makakaalis sa sitwasyon na 'to? Akala ko si Freen lang poproblemahin ko, hindi pala. Aissssht!"

Natapos ang klase namin na lutang ako. Mabuti nalang at wala akong pasok sa cafe ngayon. Kung hindi ay baka puro sablay ang magawa ko don.

Hanggang sa mag-uwian ay hindi ko nakita si Freen. Pakiramdam ko tuloy ay  parang may kulang sa araw ko.

"Miss mo?" Tanong ng malandi kong utak.

"Hindi no!" Parang tangang sagot ko sa sarili ko.

Pagdating ko sa bahay ay saglit lang akong nagpahinga at napagdesisyonan kong magbasa para balikan ang lesson namin kanina. Wala akong masyadong naintindihan dahil simula pagpasok hanggang uwian ay lutang ang isip ko.

***************************************

RheigneG.

Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon