Freen's POV
Naghintay muna ako ng ilang minuto bago lumabas ng comfort room. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa sinagot ni Armstrong sakin kanina. Pakiramdam ko ay hanggang ngayon ay namumula pa rin ako.
Galing din kasi magpakilig nitong si Armstrong. Haha!
Paglabas ko ng comfort room ay mabilis akong kumilos para lumabas ng resto. Nakita ko si Armstrong sa di kalayuan at alam kong naghihintay ito sakin.
Ang problema ko ngayon ay wala akong dalang sasakyan, kung tatawag pa ako sa bahay ay siguradong matatagalan pa bago dalin dito ang kotse ko. Baka mainip ang Armstrong ko.
Maya maya ay may isang empleyado ang bumati sakin.
"Good afternoon, Ma'am Freen" bati nito.
Nagtatakang tumingin ako dito.
"How do you know me?" mataray na sagot ko.
"Ah, Ma'am.. Kasi po sabi ng manager namin palaging bumati at gumalang sa may-ari ng resto na 'to." sagot naman niya.
"Huh?" nagtatakang tanong ko dito.
"Diba po kayo po si Ma'am Freen Sarocha? Ibig sabihin po ay anak po kayo ng may-ari ng resto na ito." paliwanag niya.
Syet. Kami pala ang may-ari nitong resto, hindi ko alam. Hahahaha.
May naisip naman akong magandang idea.
"Ah. Yeah, I forgot that we owned this restaurant. Anyway, do you know Saint? Can you get his car key for me?" maarteng sabi ko.
"Opo, kilala ko po siya. Nasakin po ang susi ng kotse niya, ako po ang nagpark non kanina." sagot naman nito.
Nice!!
"Okay, give me his car key. Ako ng bahala ang magpaliwanag sakanya." utos ko dito.
Mabilis naman niyang ibinigay sakin ang susi. Dahil sa tuwa ko ay binigyan ko ito ng tip. Tuwang tuwa naman ang loko. Ikaw ba naman magka tip ng 1k eh. Haha.
Sakto dahil ang dala ni Saint na sasakyan ay pick-up. Bagay na bagay sa pupuntahan namin ni Armstrong.
Mabilis akong naglakad papunta sa sasakyan ni Saint at pinaandar ito. Tumigil ako sa tapat ni Armstrong saka binaba ang bintana ng sasakyan.
"Hop in!" malakas na sabi ko.
Tila nagulat pa si Armstrong, pero mabilis ding pumasok ng sasakyan nang makabawi ito.
"Wait lang, may itetext lang ko." sabi ko sakanya.
"Saint, I need to go somewhere and it is important. I borrowed your car. I will update you later, okay?"
Sent!
Pagkasend ko ng message ay pinatay ko ang cellphone ko. Sigurado akong mangungulit si Saint. Ayoko ng storbo.
Ang red flag ko kay Saint no? Hahaha. But I don't care!
"Are you ready?" tanong ko kay Armstrong.
Tumango naman ito bilang sagot niya.
"Relax ka muna diyan." dagdag ko pa.
Habang nasa biyahe ay biglang nagsalita si Armstrong.
"Siguradong magtataka yung dalawa don dahil nawala tayo bigla." ani niya.
"I know, but I don't care." sagot ko.
Hindi na ito sumagot pa. Sumandal siya sa upuan at saka tumingin sa labas ng bintana.
"Malayo pa ba tayo? Medyo dumidilim na." sabi niya.

BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
RomantikWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...