Becky's POV
Ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Nakaramdam ako ng excitement pero may halong kaba rin. Baka kasi sumablay ako sa unang araw ko. Pero wag naman sana.
Nag-inat inat muna ako ng konti bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis at nag-ayos. Hindi ko rin kinalimutan na magdala ng pants at white t-shirt para sa trabaho ko mamaya.
"Buti nalang madami akong white t-shirt, hindi ako mamomroblema sa susuotin ko pagpasok ng trabaho habang wala pa akong uniform." Sabi ko sa sarili ko habang nilalagay sa loob ng bag yung damit.
Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si Mama at Richie sa hapag kainan na kasalukuyang nag-aalmusal.
"Becky, halika ka na dito at mag-almusal bago ka pumasok." Tawag sakin ni Mama.
Agad akong tumalima at nagsimula na ring kumain.
"Good luck sa unang araw mo sa trabaho, Ate." Si Richie.
"Thank you, bunso." Sagot ko naman.
As usual ay naunang matapos kumain si Richie at agad na nagpaalam samin ni mama para pumasok.
Maya maya pa ay narinig ko na ang pamilyar na busina ng kotse ni Nop.
"Alis na rin po ako , Ma. Nandiyan na sila Nop at Yuki." Paalam ko kay mama sabay halik sa pisngi nito.
"Sige, mag-ingat kayo at good luck sa first day mo sa trabaho." Sagot naman ni Mama.
Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa kotse ni Nop.
"Good morning!" Masayang bati ko sa dalawa.
"Good morning, Bes. Mukang good mood ka ah?" -Yuki.
"Good morning." -Nop.
"Good news! Natanggap ako sa trabaho at mamaya ay magsisimula na 'ko." Excited na sabi ko.
"Wow! Congrast, Bes!" Masayang sabi ni Yuki.
Si Nop naman ay nakangiting tiningnan ako sa rear view mirror ng kotse niya.
"Thank you!" Nakangiting sagot ko.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa school. Dumiretso na kami sa room dahil 5 minutes nalang ay magsisimula na ang klase.
Mabilis namang natapos ang dalawa naming subject at ngayon ay break time na.
Sabay sabay kaming nagpunta nina Yuki at Nop sa canteen.
"Bes, libre ka namin ngayon ni Nop ha? Treat ka namin kasi may work ka na. Pag nakasweldo ka na, kami naman ilibre mo kahit kwek-kwek lang at fishball sa gilid gilid, G yan! Oh? Wag kang aangal." Mahabang litanya ni Yuki.
Si Nop naman ay tatawa tawa lang.
"Ano pa bang magagawa ko?" Natatawang sabi ko.
Nakarating na kami sa canteen at agad namang umorder yung dalawa. Hindi na nila ako tinanong kung anong gusto ko. For sure marami na namang pagkain ang bibilin ng mga 'to.
Habang nakaupo ako sa pwesto namin ay nakita ko naman sa kabilang table ang grupo ni Freen. Nakita ako ni Kirk at agad naman siyang kumaway at ngumiti akin.
"Luh, kinikilig ako." Sa isip ko.
Nginitian ko din naman agad siya. Ngunit nang mapatingin ako sa babaeng katabi niya ay napansin kong nakasimangot ito at salubong ang kilay na nakatingin sakin at maya maya pa ay matalim na inirapan ako.
BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
RomansaWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...