Chapter 16 - The First Kiss II

1.5K 64 6
                                    

Becky's POV

Mabilis na dumating ang araw ng Sabado. Medyo kinakabahan ako kung anong mangyayari sa birthday party ni Kirk. Ayoko sanang pumunta kaso huli na para magpalusot pa.

Nagpaalam ako kay Mama kahapon at agad naman akong pinayagan nito. Mas maganda daw yun para magkaroon pa ko ng kaibigan basta lang daw ay alam ko ang limit ko. Expected naman niyang may inuman yon pero pinayagan niya ako. Marahil ay malaki ang tiwala sakin ni Mama.

Maaga pa naman kaya napagdesisyonan ko munang maglaba ng mga damit namin. Nagpatulong ako kay Richie. Siya ang nagsasampay ng mga nilabhan ko. Tulong na rin namin ito kay Mama dahil araw araw itong pagod sa trabaho.

Tanghali na nang matapos kami sa paglalaba. Naisipan kong magluto ng pang tanghalian namin ni Richie dahil wala naman si Mama. Tuwing Linggo lang ang off niya sa trabaho.

Naisip kong magluto ng tinola. Dadamihan ko na para umabot hanggang gabihan. Ngunit nang tingnan ko ang laman ng ref namin ay tanging itlog at hotdog lang ang naroon. Mabuti nalang at may konti pang natira sa sweldo ko kaya nagpunta muna ako sa palengke na malapit lang dito sa bahay.

Bumili ako ng manok at pang rekado sa tinola. Naisipan ko rin na bumili ng bigas at konting de lata para naman may ma-stock sa bahay.

Pagbalik ko sa bahay ay agad kong inasikaso ang pagluluto dahil medyo late na rin para sa tanghalian.

Pagkatapos kong magluto ay mabilis akong naghain dahil gutom na gutom na rin talaga ako. Kape lang ata ang laman ng tiyan ko.

"Ate, mukhang masarap yang niluto mo ah." Sabi ni Richie habang papalapit sa hapag kainan.

"Syempre naman, magaling ata magluto 'tong ate mo." Pagmamalaki kong sagot sakanya.

Nagsimula na kaming kumain at kitang kita kay Richie kung gaano ito kagutom dahil sunod sunod ang pagsubo nito ng pagkain.

"Richie, dahan dahan. Baka naman mabilaukan ka diyan." Napapailing na sabi ko.

Hindi niya ako sinagot dahil patuloy lang ito sa pagkain.

Nang matapos kami ay si Richie na ang nagasikaso para maghugas ng mga pinagkainan namin.

"Marami pang tirang ulam jan, Richie. Pagdating ni Mama mamaya ay initin mo agad. For sure gutom na gutom na yon pagkauwi niya." Mahabang pahayag ko.

Tumango naman ito habang naghuhugas ng plato.

Pumunta naman ako sa kwarto pagkatapos kong bilinan si Richie. Balak kong umidlip dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

*****************************************

Nagising ako dahil ring ng ring ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha sa ilalim ng unan ko para tingnan kung sinong tumatawag.

Si Yuki pala.

"Becky! Kanina pa kita tinatawagan bakit hindi mo sinasagot?" Tanong nito.

"Nakatulog kasi ako. Napagod kasi ako sa paglalaba kanina." Antok na sagot ko.

"Naku, Becky! Kumilos ka na. 5:30 na ng hapon!" Pasigaw na sabi niya.

Agad akong nagcheck ng oras at tama nga siya. Napabalikwas ako sa kama at agad na tumayo.

"Hala, oo nga! Mag-aasikaso na ko. Bye!" Natatarantang sagot ko kay Yuki sabay binaba ang tawag.

Mabilis akong nagtungo ng banyo. Parang 5 minutes lang ata akong naligo sa sobrang pagmamadali. Nakakahiya, mukhang malalate kami.

Pagpasok ko ng kwarto ay agad akong naghanap ng damit na isusuot ko. Sabi ni Kirk ay kahit simple lang dahil pool party naman daw. Napili ko ang blouse na itim at kulay pink na palda na above the knee.

Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon