Chapter 22 - You're mine

1.5K 69 8
                                    

Freen's POV

Maaga akong nagising kahit na hindi ako masyadong nakatulog. Masyadong okupado ni Armstrong at Saint ang isip ko.

Ano kayang magiging reaksyon ni Armstrong pag nalaman niyang may boyfriend ako?

Magagalit kaya siya?

Magseselos?

Haaay! Bakit ko ba siya iniisip? Wala namang namamagitan saming dalawa. We just kissed and that's it.

And I am straight!!

Boyfriend ko si Saint kaya siya lang dapat ang iniisip ko. Saint called me last night, susunduin daw niya ako para sabay na kaming pumasok.

Tumayo na ako para magready sa pagpasok. I just did my morning routine at pagkatapos ay hinintay si Saint.

Mabilis na dumating si Saint. Halatang halata sa mukha nito ang excitement.

"Good morning, Love." ani nito sabay kiss sa lips ko.

"Good morning." sagot ko dito.

Inakbayan nya ako palabas ng bahay at pinagbuksan ng pinto ng kotse bago siya sumakay.

Mabilis kaming nakarating sa University. Pagbaba palang namin ng kotse ay makikitang pinagtitinginan kami ng mga estudyante.

Para bang nakakita sila ng artista sa itsura ng mga ito. Yung ibang babae ay tila kinikilig pa.

Lahat ng nadadaanan naming estudyante ay nginingitian ni Saint habang ako ay straight face lang habang naglalakad.

Sa canteen kami dumiretso, gusto kasing isurprise ni Saint ang mga kaibigan namin. Nagtext ako sakanila na magkita kita muna kami sa canteen dahil may importante akong sasabihin.

Pagdating namin don ay wala pa sila kaya umupo nalang muna kami.

"Love, kagabi ko pa napapansin yang kulay red sa leeg mo. Anong nangyarin diyan?" biglang tanong Saint.

"Huh? What do you mean?" sagot ko naman.

"Ayan oh." turo niya sa leeg ko.

Kumuha naman ako ng salamin para tingnan kung ano 'yon. Nakita kong may pula nga sa leeg ko.

Bigla akong natigilan nang maalala ko yung nangyari samin ni Armstrong sa pool area.

"Fuck! Nilagyan niya pala ako ng hickey." sa isip ko.

"Ah, yan ba? Hindi ko din alam eh, bigla nalang yan nangati." palusot ko sabay kunwaring kinamot ito.

May sasabihin pa sana siya pero naudlot ito nang may sumigaw.

"Saint?!"

Napatingin kami pareho at nakita namin si Kade na papalapit samin. Kitang kita sa mukha nito ang pagkagulat nang makita si Saint.

Mabilis siyang lumapit sa pwesto namin at niyakap si Saint.

"Surprise!" Ani ni Saint.

"Akala ko ba sa Thailand ka mag-aaral?" nagtatakang tanong ni Kade.

"Freen's parents convinced Mom and Dad na dito nalang ako mag-aral para daw mabantayan ko si Freen." sagot naman nito.

Napasimangot ako sa narinig ko. Anong akala nila sakin, bata? Tssss.

Sabay sabay namang dumating sina Tee, Nam, Kirk at Nat at katulad ni Kade ay nagulat ang mga ito.

Sabay sabay nilang niyakap si Saint habang ako ay pinapanood lang sila. Makikita sa mga mukha nila na masaya sila.

Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon