Becky's POV
Pagpasok ko ng library, naghanap agad ako ng pwesto. Pinili ko yung medyo tago at walang masyadong estudyante sa paligid.
Nang makahanap ako ay inayos ko ang mga gagamitin kong notes para sa pagtuturo kay Freen. Habang naghihintay sakanya ay naisipan ko munang magbasa ng libro.
Maya maya pa ay may naramdaman akong tao sa harap ko. Hindi ko na ito tiningnan dahil alam ko naman kung sino 'to. Nagkunwari akong busy sa pagbabasa sa librong hawak ko.
"Kailangan ba talaga na sa tago at pinakasulok na area ang pwesto natin?" Naiinis na tanong ni Freen
Hindi ko pa rin siya tiningnan. Gusto kong mainis pa siya lalo.
"Hello? Excuse me? Bingi ka ba?" Medyo malakas nitong sabi dahil sa sobrang inis. Mabuti nalang at walang mga estudyante ang nakapwesto malapit samin.
"Oh, nandito ka na pala." Walang emosyon na sabi ko at sabay na inabot ang libro sakanya.
Kunot noong tiningnan niya ako at saka pahablot na kinuha ang libro sa kamay ko.
"Bitch talaga." Sa isip ko.
"What's this?" Kunot noong tanong niya.
"A book." Sagot ko naman.
"I know that this is a book, anong akala mo sakin? Tanga?" Naniningkit ang matang sagot niya sakin.
"Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako." Pang-asar na sagot ko sakanya habang nakatingin sa librong binabasa ko.
Narinig ko na marahas siyang huminga. Mukhang pinipilit magtimpi. Natatawa nalang ako sa isip isip ko.
Naupo na siya sa tabi ko at nakita kong binasa niya ang cover ng libro na binigay ko sakanya. Pero napansin kong naka-smirk siya. Yung uri ng smirk na alam mong may kalakohan siyang naiisip.
"Shit. Mukhang may binabalak tong bitch na 'to ah!" Sa isip ko.
Hindi nga ako nagkamali dahil maya maya pa ay naramdaman kong ipinatong niya ang kanyang kamay sa isang hita ko.
Napadiin ang hawak ko sa librong binabasa ko at napadiretso ang upo ko dahil sa ginawa niya. Alam kong napansin niya 'yon.
Nang mapansin niya ang naging reaksyon ko, lalo pa itong nagsmirk. Lalo akong nanigas sa kinauupuan ko dahil sa sunod na ginawa niya. Naramdaman kong dahan dahan niyang iniikot ang mga daliri niya sa hita ko.
"What are you doing?" Pabulong kong tanong habang nakatingin sa mata niya.
"Nothing." Naka smirk na sagot niya at patuloy lang sa paghaplos sa hita ko.
Feeling ko nagblush ako kaya agad na umiwas ako ng tingin sakanya.
"Could you please take your hand off my legs?" Masungit na utos ko sakanya.
"Okay." Pilyang sagot niya at saka binaba ang paghaplos papunta sa tuhod ko.
Napalunok ako sa ginawa niya at parang bumibilis ang paghinga ko.
"I said stop it, Freen!" Malakas na sabi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
Ngunit naramadaman ko na parang may boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko habang hawak ko ang kamay niya kaya mabilis ko itong binitawan.
"Oh well, I hope I have your attention now, Rebecca?" Nakangising sabi niya.
"So, ganon ba ang ginagawa mo sa lahat para makuha mo ang atensyon nila? "Naiinis na tanong ko.

BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
RomanceWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...