Freen's POV
Ang bilis ng araw. Wednesday na agad. Parang wala ako sa mood pumasok ngayon kaso hindi naman pwedeng hindi pumasok. For sure malalaman nila Mom at Dad.
I just did my daily routine bago lumabas ng kwarto ko at dumiretso sa dining room. Nakahanda naman agad and breakfast. Hindi ko naubos ang pagkain ko dahil parang wala akong gana ngayon. Tumayo na ako at lumabas na ng bahay. Mabuti nalang at naka ready na ang kotse ko. Sumakay naman agad ako at mabilis na nagdrive paalis.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na ako sa school. Mabilis akong nag park at saka naglakad papuntang classroom.
May 10 minutes pa bago dumating ang professor namin kaya nagcellphone nalang muna ako. Nagcheck ako ng twitter at instagram. Wala namang bago kaya agad ko rin itinigil yon.
Maya maya pa ay dumating na ang professor namin at agad na nagdiscuss. Kahit na nakatingin at nakikinig ako sakanya ay walang pumapasok sa utak ko. Para lang itong pumapasok sa tenga ko at lalabas din sakabila.
Mabuti nalang at mabilis na lumipas ang oras. Break time na. Nag-aya agad ang mga kasama ko na magpunta ng canteen. Wala sana akong balak kumain kaso nahatak na nila ako. Magkakasama kaming lima na pumasok sa canteen at sa kasamaang palad, mukha agad ni Armstrong ang nakita ko. Nakatingin ito samin pero hindi sakin, kundi kay Kirk.
"Tssss!" Inis na sabi ko.
Maya maya ay napatingin naman sakin si Rebecca, agad ko naman itong inirapan. Pagkatapos ko siyang irapan ay tinignan ko ulit siya.
"Marupok yarn?" Sabi ng malandi kong utak.
Ilang segundo rin kaming nagtitigan, pakiramdam ko walang may balak magpatalo samin. Natapos lang ang kompetisyon namin nang dumating ang dalawa niyang kaibigan. Natakpan nila si Rebecca kaya naputol ang tinginan namin.
Hindi ko na ulit siya tinignan after non.
"Freen! anong order mo?! Kanina pa kita tinatanong pero hindi ka sumasagot diyan. Sino ba kasi yung tinitingnan mo?" Tanong ni Nam.
"Kahit ano, kayo na ang bahala." Walang ganang sagot ko. Hindi ko na pinansin yung isa niya pang tanong.
Magkasamang umalis si Kirk at Tee para bumili ng pagkain namin.
"Freen, mukhang lagi kang wala sa mood ah?" Sabi ni Kade.
Walang emosyon na tiningnan ko siya.
"Hayaan mo, malapit na mag sabado. Makakapagrelax ka din. Inom tayo malala." Excited na sabat ni Nam.
Tiningnan ko lang din siya. Pero naisip ko na baka tama siya. Baka kailangan ko lang mag-inom at magrelax.
Dumating din naman agad yung dalawa dala ang maraming pagkain. Sigurado namang si Nam lang ang kakain ng karamihan sa dala nila.
"Saan kaya niya nilalagay yung mga sandamakmak na pagkain na kinakain niya? Hindi naman siya tumataba?" Naiiling na tanong ko sa sarili ko.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso muna ako sa cr para mag retouch ng konti. Pagbalik ko naman ay tapos na rin silang kumain kaya naman agad na kaming bumalik sa room dahil malapit na ang 3rd subject namin.
Dumating naman agad ang professor namin. May isinulat muna ito sa board bago magsimulang mag discuss.
Ganon pa rin, kahit nakatingin ako sa prof at nakikinig ay walang pumapasok sa isip ko. Siguro dahil lagi akong napapatingin sa likod ni Rebecca. Nasa unahan kasi ang pwesto niya at nasa bandang likod naman ako. Habang lumilipad ang isip ko ay biglang tinawag ako ng professor.

BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
RomansaWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...