Becky's POV
Mabilis natapos ang trabaho ko. Pagdating ko sa bahay ay 6:30PM na.
Nagpalit muna ako ng damit at naghilamos ng mukha. Pagkatapos ay nagmadaling kinuha ko ang cellphone ni Freen sa bag ko.
Nakita kong ang dami niyang text.
"Nasan ka na?"
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"
"Magtext ka kaya?"
"Armstrong??!"
etc...
Excited naman na nagreply ako sa mga text niya.
"Sorry, kakauwi ko lang." text ko.
Pagkatapos kong magreply ay nagpunta ako sa kusina para tingnan kung may pagkain na. Tuwing uuwi kasi si Mama, dapat ay may pagkain na dahil pagod ito kapag umuuwi galing trabaho.
Mabuti naman ay meron na, maasahan talaga si Richie sa mga ganitong bagay.
Nang makita kong may pagkain na ay bumalik muna ako sa kwarto para magpahinga.
Pagpasok ko sa kwarto ay tumutunog pala yung cellphone na binigay ni Freen.
Patakbo kong kinuha yung cellphone sa kama.
"Hello?" medyo hinihingal na sagot ko.
"Bakit ang tagal mong sumagot ha?" mataray na sagot ni Freen.
"Di ba nga kasi kakauwi ko lang? Hindi ako pwedeng magcellphone habang nasa trabaho. Hindi rin ako nagcellphone sa byahe baka mawala. Ang ganda at mamahalin pa naman nitong cellphone mo." Mahabang pahayag ko.
"Duh?!" inis na sagot niya.
"Kumain na ba?" pag iiba ko.
"Hindi pa." maikling sagot niya, pero wala ng bakas ng pagkainis.
"Nakatulog ako kakahintay sa text mo, medyo kakagising ko lang." dugtong niya pa.
"Miss na miss mo ko no?" pang-aasar ko.
"Sus! Spell ASA, Armstrong!" pagtataray niya.
Ang cute niya talaga kapag nagtataray siya.
Narinig ko ang pagdating ni Mama kaya nagpaalam muna ako sakanya.
"Kumain ka na muna diyan, Sarocha. Mamaya ulit tayo usap. Nandito na si Mama, aasikasuhin ko lang pagkain niya, siguradong pagod yun galing sa trabaho." paalam ko.
"Okay. I'll call again later, sagutin mo agad, okay? I miss you." sagot niya saka mabilis na in-end ang call.
Cute talaga ng Sarocha ko.
Mabilis akong lumabas ng kwarto para maghain ng pagkain.
"Ma, Richie, tara kain na tayo." tawag ko sakanila.
Mabilis namang tumalima ang dalawa.
"Salamat, Anak." sabi ni Mama pagkaupo niya.
"Walang anuman, Ma. Tara, kain na tayo." masayang sabi ko.
"Kumusta naman ang pagttrabaho mo, Anak? Hindi ba naaapektuhan ang pag-aaral mo?" tanong ni Mama.
"Okay naman po, Ma. Hindi po naaapektuhan ang pag-aaral ko." sagot ko.
"Mabuti naman kung ganon." sagot naman nito.
"Tuwing wala po pala akong work, magtutor po ako." paalam ko.
BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
RomanceWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...