Chapter 1 - Rebecca Patricia Armstrong

5.3K 64 6
                                    


Becky's POV

"Becky!! Gising na, malelate ka na!" Makabasag tengang sigaw ng nanay ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Opo, ma!" sagot ko at pupungas pungas na lumabas ng aking kwarto. Bigla kong naalala na ito ang unang araw ng pasok at mabilis pa sa alas-kwatro akong dumiretso sa aming banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili ay dumiretso na ko sa aming hapag kainan upang mag-umagahan. Nadatnan ko ang kapatid ko na si Richie na patapos ng kumain at ready ng pumasok.

Dalawa lang kaming magkapatid ni Richie, siya ay grade-11 pa lamang samantalang ako naman ay first year college. Tatlo lang kami nila mama ang nakatira dito sa maliit na apartment na aming inuupahan. Matagal ng yumao si papa dahil sa kasamang palad, pumanaw ito matapos ipanganak si Richie. Naaksidente siya habang papunta ng ospital. Simula nung mawala si papa, hirap si mama sa pagkayod para lamang mapagtapos kami ni Richie sa pag-aaral. Kaya naman pinagbubutihan ko ang pag-aaral ko para masuklian ang paghihirap samin ni mama. Pangarap kong makatapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho at patigilin na si mama sa kanyang trabaho.

Napakaswerte ko dahil nakapasa ako bilang scholar sa Stoneridge University. Ito ang pinakamagandang univeristy dito sa Pilipinas. Halos lahat ng mga estudyante dito ay puros mayayaman.

"Ate, mauuna na akong pumasok, magkaiba ang way natin kaya di kita masasabayan." Sabi ni Richie.

"Okay, sige. Mag-iingat ka, Richie." Sabi ko naman.

"Beep! Beep!"

"Anak, nandyan na sila Yuki at Nop. Dalian mo na diyan at baka malate pa kayo." Sigaw ni mama.

"Opo, ma! Palabas na ko." sagot ko

Si Yuki at Nop ang aking mga matalik na kaibigan, sila ang naghikayat sakin na magtake ng scholarship exam sa Stoneridge University. Sila ay mayaman, di tulad namin na hirap sa buhay. Ngunit hindi ito naging hadlang para maging kaibigan ko sila. Hindi sila katulad ng ibang mayayaman na matapobre at nangungutya sa tulad naming mahihirap.

"Good morning, Becky! Tara na at baka malate pa tayo." - Yuki

"Okay, tara na. Nakapagpaalam na rin naman ako kay mama." Sabi ko.

Pagkasakay ko ng sasakyan, mabilis na pinaandar ni Nop ang kotse nya papunta sa Stoneridge University.

Yuki

Yuki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nop

Richie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Richie

Richie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon