Freen's POV
"I missed you too, babe." sabi niya at mabilis na naglakad papalayo.
Wala na sa paningin ko si Armstrong pero nakatulala pa rin ako kung saan siya naglakad. Hindi agad ako nakabawi sa ginawa niyang 'yon.
Nagulat ako na may halong kilig. Hindi ko inexpect ang ginawa niyang 'yon. Pakiramdam ko ay nakalapat pa ang mga labi niya sa labi ko.
Napahawak ako sa labi ko at napangiti.
"Haaay! kenekeleg eke!"
First time ko atang makaramdam ng kilig, ang sarap pala sa pakiramdam.
Nang makabawi ay mabilis na bumaba na ako ng sasakyan. Para akong tanga dahil hindi maalis alis ang ngiti sa mukha ko. Pakiramdam ko ay buo na agad ang araw ko.
"Luh, corny mo, Freen." sabi ng malandi kong utak.
"Someone's in the mood today, huh?"
Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Agad akong humarap dito.
"Saint." nasambit ko nalang.
Shit. Baka nakita niya kami ni Armstong.
"Good morning, Love." bati niya saka yumakap sakin.
"Good morning." sagot ko at pilit na ngumiti dito.
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko baka kasi nakita niya kami ni Armstrong.
"Hindi naman, Love. Kakarating rating ko lang din." sagot nito.
Hay! Buti nalang.
"Let's go. Punta na tayo sa room." aya ni Saint.
"Okay." Maikling sagot ko saka naglakad.
Nang malapit na kami sa room ay biglang hinawakan ni Saint ang kamay ko. Saktong pagpasok namin sa room ay magkaholding hands kami.
Mabilis na tumingin ako sa direksyon ni Armstrong. Nananalangin na sana hindi siya nakatingin samin pero mukhang hindi dininig ang panalangin ko dahil malungkot na nakatingin siya sa magkahawak na kamay namin ni Saint.
Maya maya ay malungkot na ibinaling niya ang tingin niya sa ibang direksyon. Parang nasaktan ako sa nakita kong reaksyon niya. Kaya naman inalis ko ang aking kamay sa pagkakahawak ni Saint. Wala na akong pakielam kung anong isipin niya.
Mabilis akong umupo sa pwesto namin at tumingin ulit kay Armstrong. Nagbabasa na ito ng libro ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko para itext siya, pero naalala ko wala nga pala siyang cellphone kaya mabilis ko ring ibinalik sa bag ko ang cellphone ko.
Mabuti nalang hindi na ako kinausap pa ni Saint.
Nakatingin lang ako sa likod ni Armstrong. Hinihintay na sana ay lumingon siya sa pwesto ko. Pero hindi nangyari yun hanggang sa dumating ang professor namin.
Nakatulala lang akong nakatingin sa likuran ni Armstrong habang nagdidiscuss ang professor namin.
Hanggang ngayon ay hinihintay kong tumingin siya sakin. Hindi ko alam pero gusto ko talaga siyang tumingin sa direskyon ko.
Ngunit hanggang sa dumating ang break time ay hindi man lang ito sumulyap sakin.
"Guys, I can't join you today. I need to do something important." Sabi ko sa mga kaibigan ko.
Hindi ako tumitingin kay Saint dahil ayokong makita ang reaksyon niya.
Hindi ko na hinintay ang sagot nila.
BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
Lãng mạnWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...