Becky's POV
Tulirong bumalik ako sa function hall.
"Bes, buti nandito ka na. Magsisimula na atang tawagin yung mga muse at escort. Saan ka ba galing?" ani ni Yuki.
"Okay ka lang ba, Bes? Bakit parang namumutla ka?" dagdag pa niya.
"Ah..Eh..Okay lang ako, Bes. Galing ako sa comfort room, parang sumama ata yung tyan ko dahil sa kinain natin kanina. Hindi ata ako sanay sa pang mayaman na pagkain. Hehe." sagot ko habang pilit na ngumiti dito.
"Hay naku, Bes. Ang dami mo naman kasi atang nakain. Pero okay ka naman na?" tanong niya.
"Oo, Bes. Okay na ako. Salamat." sagot ko.
Maya maya ay nagsimula ng magtawag ng mga representative ang emcee. Hindi ko na masyadong inintindi ito dahil hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin kung anong nangyari kanina samin ni Freen sa elevator.
Luminga linga ako para hanapin siya pero hindi ko siya makita. Wala din siya sa table nilang magkakaibigan.
Nasan na kaya yun?
"Rebecca and Seng." rinig kong tawag ng emcee.
Mabilis namang lumapit sa upuan ko si Seng para alalayan ako sa paglalakad. 5 pares na kaming nakatayo ngayon sa stage.
Pinagmasdan ko ang ibang muse at parang kinabahan naman ako dahil ang gaganda ng mga ito. Parang wala akong panama sa kanila.
Maya maya pa ay kompleto na kami sa stage.
"Students, you have one hour to vote. The ushers will hand you a piece of paper; please write down the name of your preferred muse and escort and return it to the usher assigned to your table." sabi ng emcee.
Pagkatapos magsalita ng emcee ay pinababa na ulit kami ng stage. Maghihintay nalang kami na matapos ang botohan at i-announce kung sinong winner.
Pagbalik ko sa table namin ay muli na namang gumala ang mata ko. Pero ganon pa rin, hindi ko makita si Freen at wala pa rin ito sa table nila.
Haaaay! Bahala na nga siya.
"Bes, sino bang hinahanap mo? Pansin ko na kanina ka pa palinga linga diyan." tanong ni Yuki.
"Wala, Bes. Tinitingnan ko lang kung gaano karami ang tao ngayon." palusot ko.
"Okay." maikling sagot nalang niya.
Habang naghihintay na matapos ang botohan ay nagpatugtog muna ang dj para makasayaw ang mga estudyante.
Napansin kong papalapit si Nat sa table namin.
"Hi, Becky. Pwede ba kitang maisayaw?" sabi nito nang makalapit sa table namin.
Ayoko sana kaso wala naman akong magawa.
"Okay." sagot ko nalang saka inabot ang nakalahad niya kamay.
Dinala naman ako nito sa gitna ng dance floor, pagkatapos ay humawak siya sa bewang ko habang ako naman ay humawak sa balikat niya.
"Lalo kang gumanda, Becky." nakangiting puri niya.
"Thanks, Nat." sagot ko naman.
Pansin ko na parang may gusto itong sabihin pero parang nagdadalawang isip ito.
"May gusto ka bang sabihin, Nat?" tanong ko.
"Becky...I want you back." seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.
"Nat, malabo ng magkabalikan tayo. Naka move on na ako sayo at wala na akong nararamdamang pagmamahal sayo. Siguro kung hindi mo ko niloko noon ay hindi sana ganito. I'm sorry, Nat. All I can offer to you now is friendship." mahabang paliwanag ko.

BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
Storie d'amoreWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...