Kirk's Birthday Party..
Freen's POV
Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ay birthday na ni Kirk. Maaga kaming nagpunta sa bahay nila para tumulong mag-ayos at magdecorate. Napagdesisyonan ni Kirk na magpa pool party nalang dahil hindi naman ganon kadami ang bisita nito. Nabanggit niya na puro mga kaibigan niya lang ang mga pupunta pati na rin ang mga kasamahan niya sa basketball.
Pagdating ng alas tres ng hapon ay nag-uwian muna kami para makapagpahinga at makapag-ayos. Pagkauwi ko sa bahay ay umidlip muna ako dahil medyo napagod ako kahit na hindi naman talaga ako tumulong sa pag-aayos.
4:30 na nang magising ako. Mabilis na pumasok ako ng banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay naghanap na ako ng damit na isusuot ko. Sabi ni Kirk ay kahit simple lang dahil pool party naman pero dahil maarte ako ay hindi ko sinunod ito.
Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay tumingin muna ako sa salamin para icheck ang sarili ko. Nang makuntento ay agad na ako lumabas at nagpahatid sa driver. Wala akong balak magdrive ngayon dahil balak kong mag-inom. It is better to be safe than sorry, ika nga nila.
Pasado ala sais na nang makarating ako sa bahay nila Kirk. Nandito na rin ang mga kaibigan kong sina Tee, Nam at Kade. Napansin ko rin na nandito na ang ibang kaibigan at kasamahan sa basketball ni Kirk. Ang iba ay nagsswiming na, yung iba naman ay nag-iinom habang nagvivideoke.
Agad na lumapit ako sa table naming magkakaibigan na kasalukuyang kumakain. Pag upo ko ay tinawag ko ang server para humingi ng wine.
"Freen, you should eat first." Ani Kade.
"I'm not hungry." Bored na sagot ko.
"Mukang wala ka sa mood ah? Don't worry, mamaya sasaya ka." Nakangising sabi ni Tee.
Nagtaka ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang ito pinansin.
"What do you mean, Tee?" Tanong ni Nam
"Nothing." Maikling sagot naman nito.
Tila nababaliw na ata tong si Tee.
Napukaw ang pansin ko nang may dumating pang bisita si Kirk. Tatlo sila pero hindi ko makita yung isa dahil nasa likod ito.
"They seem familiar." Sa isip ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang taong nasa likuran.
"Armstrong? What is she doing here with her friends? As far as I remember ay hindi naman sila kaibigan ni Kirk."
Nang mapatingin si Armstrong sakin ay agad akong nag straight face. Natigilan naman ito at agad na umiwas ng tingin.
Maya maya pa ay nilapitan sila ni Kirk. Saglit na nag-usap ang mga ito pagkatapos ay naglakad papunta sa pwesto namin.
"Hey guys! This is Rebecca, Yuki and Nop. Kilala niyo naman siguro sila dahil magkakaklase tayo. Is it okay if they will join you here?" -Kirk
"Of course!" Tila excited na sagot ni Tee. Tumango naman sina Kade at Nam.
"Okay, great! Magpapaserve nalang ako ng pagkain dito. Punta muna ako sa ibang bisita, babalik ako maya maya." Kirk.
Nakatingin lang ako sakanila hanggang sa umalis si Kirk. Umupo naman agad yung tatlo at sa kamalas malasan ay sa harap ko naupo si Armstrong.
"Hello guys, my name is Tee. This is Nam, Kade and Freen." Nakangiting pagpapakilala ni Tee.
Ngumiti naman sina Kade at Nam habang ako ay bored na tumingin sakanila.
"Hi, I'm Yuki and this is Rebecca and Nop." Pakilala naman nung isang babae.

BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
RomanceWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...