Chapter 37 - I missed you

1.5K 102 13
                                    

Becky's POV

Napaligo ako ng wala sa oras dahil hanggang ngayon ay ang init pa rin ng pakiramdam ko dahil sa panaginip na 'yon.

Kasalanan 'to ni Freen eh. Tsssss.

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa kusina para magkape. Nadatnan ko si Mama na nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape.

"Good morning, Ma." bati ko dito.

"Good morning, anak. Ang aga mo ata nagising ngayon?" sagot nito.

"Oo nga po eh. Ginising ako ni Richie, para daw kasi akong binabangungot dahil ungol daw ako ng ungol habang natutulog." paliwanag ko.

"Okay ka lang ba, Anak?" nag-aalalang tanong ni Mama.

"Opo, Ma. Okay lang po ako. Hindi ko nga po maalala kung ano yung panaginip ko." pagsisinungaling ko.

Kung alam lang ni Mama kung ano yun, tiyak mababatukan ako nito.

"Mabuti naman kung ganon, Anak. Baka naman kasi sobrang dami mong kinain sa party niyo." natatawang sabi ni Mama.

"Baka nga, Ma. Ang sasarap naman kasi ng pagkain don kaya sinulit ko na." natatawa namang sagot ko.

Natawa naman ito.

"Oo nga pala, aalis ako mamaya. Balak kong magpunta ng parlor para magpagupit ng buhok. Gusto mo bang sumama? Sakto, may date kayo nung escort mo mamaya diba?" tila nanunuksong sabi ni Mama.

"Sige po, Ma. Sakto gusto ko na rin magpagupit ng buhok. Gusto ko rin sanang magpakulay para naman may maiba sa itsura kong 'to." natatawang sagot ko.

"Sige, anak." KKB tayo ah?" tila nagbibirong sabi nito.

"Anong KKB, Ma?" nagtatakang sagot ko naman.

"Kanya kanyang bayad, Anak." natatawang sabi ni Mama.

"Ay, Ma. Okay na pala ako. Maayos pa naman 'tong buhok ko saka maganda pa naman akong tingnan." natatawang sabi ko.

"Haha. Biro lang anak. Syempre libre kita, bawasan natin ng konti yung binigay mo sakin kagabi. Bili na rin tayo ng damit na isusuot mo mamaya." nakangiting sabi ni Mama.

"Sige, Ma. Sabi mo yan ah? Bawal ng bawiin. Hehe." sagot ko naman.

"Punta na po muna ako sa kwarto, Ma. Magbabasa ako ng konti. Tawagin niyo nalang po ako kapag aalis na tayo." paalam ko kay Mama pagkatapos kong magkape.

Tumango naman ito bilang sagot niya.

Mabilis na bumalik ako ng kwarto. Kahit kasi may kausap ako pilit na sumisiksik sa utak ko yung panaginip ko.

Sayang naman kasi, nung ako na saka ako nagising. Tssss!

Natigilan naman ako nang marealize kung ano yung naisip ko.

Hala? Bakit ko ba naiisip yung mga ganitong bagay? Kung ano ano ng naiisip ko at nangyayari sakin dahil sa lintek na Sarocha na yan. Sinisira niya ang birhen kong pag-iisip at pagkatao! Arggggggh!

Pakiramdam ko ay nababaliw na ako.

Pero paano kung totoo yun? Parehas kaya sa panaginip ko ang mararamdaman ko? Masarap kaya talaga? Ganon din kaya ka hot si Freen kapag walang damit?

Waaaaaaaaah! Taragis na yan! Ano ba 'tong mga naiisip ko?!

Bigla naman nagflash back sa isip ko ang hubad na katawan ni Freen.

Fuck! She's so damn hot.

Parang nag-iinit na naman ang pakiramdam ko. Gumulong gulong ako sa kama na parang nababaliw na.

Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon