Chapter 40 - Inlove?

1.2K 71 6
                                    

Freen's POV

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakahilig ang ulo ko sa balikat niya. I felt so comfortable with her.

Nagising lang ako nang marinig ko ang boses ni Armstrong.

"Freen, gising na. Uwi na tayo." sabi niya.

Dahan dahan akong nagmulat ng mata at saktong mukha ni Armstrong ang bumungad sakin.

Napangiti ako nang masilayan ko ang mahal ko..

Huh? Mahal agad? lol.

"Rebecca.." pabulong na sambit ko.

Nakita ko namang napangiti ito.

"Tara, alis na tayo. Baka kasi hinahanap na ako sa bahay." aya niya sakin.

I pouted my lips because of that. Gusto ko pa kasi siyang makasama.

"Sige ka.. Ang lamig lamig na kaya dito. Bahala kang lamigin diyan." dagdag niya pa.

Sa halip na sagutin ko siya ay tumagilid ako at iniyakap ko ang isa kong braso sakanya.

Natigilan naman ito sa ginawa ko.

"Oh ayan. Nilalamig ka pa?" I asked.

Napansin kong nakatingin lang ito sakin at tila napalunok pa.

I realized na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa.

"Freen.." She called me.

"hmmmmmm?" sagot ko habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

"I want to kiss you." sabi niya ng walang pag-aalinlangan habang matiim na nakatingin sa mga mata ko.

Napangiti naman ako sa narinig ko. Tila nagiging matapang ang Armstrong ko ah?

Then kiss me, Armstrong." sabi ko ng may himig ng paghahamon. Baka kasi nabigla lang 'tong babaeng to. Ayokong umasa lol

Pumikit ito at mabilis na tinawid ang pagitan naming dalawa.

Saglit na natigilan ako sa ginawa niya pero tumugon din naman ako agad nang makabawi.

This kiss is different from our past kisses.

It felt so magical and enchanting..

Niyakap niya ang braso niya sa bewang ko at hinapit niya pa ako papalapit sakanya.

I can feel her warm and soft body, and she smell so freakin' good.

"Rebecca.." I whispered between our kisses.

I smiled at her nang maghiwalay ang labi namin.

"Wow... That was so amazing.." I said.

We stared at each others eyes while smiling like an idiot.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpadesisyonan na naming umuwi.

Hindi ko maalis ang ngiti ko habang nagddrive pauwi. I felt so really happy..

I never felt like this before, even with Saint.

Nang sulyapan ko si Armstrong ay nakatulog na naman ito. Ang cute niya..

Nagising naman ito nang malapit na kami sa bahay nila.

Itinigil ko ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nila.

Bago siya bumaba ng sasakyan ay isang mabilis na halik sa labi ang iginawad ko sakanya.

"Bye, Armstrong." Nakangiting paalam ko.

Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon