Freen's POV
Maaga akong tinext nina Nam at Kade. Masyado silang excited sa party mamaya. Gusto nila ay maaga palang ay magpaayos na kami.
Like seriously?
It's just 10 in the morning tapos ang party ay mamaya pa namang 6PM.
Hindi ko nireplyan ang mga ito. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa dining area para mag-almusal.
Pagkatapos kong mag-almusal ay bumalik ako sa kwarto. Nanood muna ako ng paborito kong Forensic Files para magpalipas ng oras.
Pagsapit ng ala una ay nagtext na ako kina Nam at Kade. Sinabi ko na pwede na silang magpunta dito sa bahay para maayusan.
Hinire ko ang pinakamagaling na make up artist at hairstylist para saming tatlo.
Maya maya naman ay nagsidatingan na ang mga ito. Halos magkasabayan lang sila nung mga hinire kong mag-aayos samin.
Around 5PM na rin kaming natapos ayusan. Medyo natagalan dahil nagpa manicure at pedicure pa kaming tatlo.
I decided na sabay sabay nalang kaming magpunta sa party tutal ay magkakasama narin naman kami ngayon.
Quarter to 6 na ata kami nakaalis ng bahay. Hindi kami nagdrive ngayon. Nagpahatid na lamang kami sa driver.
Papasok pa lang kami ng school ay tanaw na ang madaming tao. Pagbaba namin ng sasakyan ay hindi naiwasan ng iba na tumingin sa direksyon namin.
Of course, sino bang hindi mapapatingin sa ganda kong 'to? lol.
Pagpasok naming tatlo sa function hall ay mabilis akong sinalubong ni Saint.
He automatically wrapped his arms around my waist.
At sa unang pagkakataon ay nakadama ako ng pagkailang dahil sa ginawa niya ngunit hindi ko nalang ito pinahalata.
"Hi, Love. You're so gorgeous tonight." sabi niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Bakas sa mga mata nito ang paghanga.
"Thank you, you look good too." sagot ko saka pilit na nginitian ito.
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin saka hinawakan ako sa kamay.
"Shall we?" tanong nito.
"Una ka na. Punta lang ako saglit sa comfort room." paalam ko.
"Okay. Dalian mo ha, malapit ng mag start." sagot naman nito.
"Okay." sagot ko saka naglakad papalayo.
Pagpasok ko sa cr ay agad na humarap ako sa salamin. Nakatingin lang ako don habang nag-iisip.
Ngayong gabi ay balak ko ng makipaghiwalay kay Saint. I need to do this now dahil kapag pinatagal ko pa ay pare-parehas lang kaming mahihirapan.
I know this is unfair for Saint, pero anong magagawa ko? Wala na akong nararamdaman para sakanya. Hindi nga ako sigurado kung talagang minahal ko siya.
Haay. Napakasama kong tao.
I don't want Armstrong to get hurt too. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon namin. Biruin mo yun, parang ginawa ko siyang kabit.
Naiiling nalang ako habang nakatingin sa salamin. Mabuti nalang ay walang ibang tao dito.
Nang makalma ay lumabas na ako ng cr.
Habang papalapit sa entrance ng function hall ay may nakita akong dalawang tao na nag-uusap.
Namukaan ko yung isa. Si Seng.. Yung feeling pogi. Tssss.
Yung kausap niya ay hindi ko makita kung sino dahil nakatalikod ito. Pero sa suot nito ay sure akong babae ito.
BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
Storie d'amoreWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...