Freen's POV
Pagkatapos kong maligo ay agad na tinawagan ko ang driver ko para magpasundo. Dumating naman ito makalipas ang ilang minuto.
Mabilis na pumasok ako ng kotse, pero bago umandar ito ay nakita ko sina Armstrong, Tee at Yuki na pasakay sa sasakyan ni Tee.
"Wait!" Sabi ko sa driver when the car is about to move.
Agad naman itong huminto.
Pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na sila Tee. Naisip kong sundan ang mga ito.
"Follow that car." Sabi ko.
Pinaandar naman agad ng driver ko ang kotse at mabilis na sinundan sila Tee.
May isang sasakyan na nakapagitan samin kaya hindi halata na sinusundan namin sila.
Pumasok sila sa isang subdivision pero hindi na namin sila sinundan sa loob dahil baka makahalata ang mga ito.
Hinintay nalang namin sila na lumabas ulit bago pinagpatuloy ang pagsunod sakanila.
After ilang minutes ay tumigil ang mga ito sa gilid ng high way kaya tumigil na rin kami sa di kalayuan.
Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid para tingnan kung nasaan na kami.
Hindi ko alam kung anong tawag sa lugar na ito pero madadaanan ito pag papunta sa school at sa bahay. Napansin kong may kanto na papasok sa tapat ng pinagparkan ni Tee at may mga nakita akong bahayan don.
"So, taga dito pala si Armstrong." sa isip ko.
Lumabas si Armstrong at Tee sa sasakyan. Medyo matagal pa silang nag-usap at nakita kong parang nagbigayan pa ng mga numbers ang mga ito.
"Tssssss!" I rolled my eyes.
Maya maya pa ay pumasok na si Tee sa sasakyan at mabilis na umalis ito habang si Rebecca ay tumawid para makapasok sa may kantong nakita ko.
Saglit akong natigilan nang bigla itong lumingon sa pwesto kung saan kami nakapark. Medyo nakakunot ang noo nito na tila ba inaaninag kung sino ang nakasakay dito. Mabuti nalang at heavily tinted itong sasakyan.
"Let's go!" Mabilis kong sabi sa driver at agad naman nitong hinarurot ang sasakyan palayo.
"Ano ba kasing pumasok sa isip ko at sinundan ko pa sila? Tsss. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin, ginugulo ni Armstrong ang isip at pagkatao ko. Siguro part ito ng pangkukulam niya sakin."
Ipinikit ko ang mata ko habang minamasahe ang ulo ko. Medyo sumasakit na ito dahil siguro sa alak na nainom ko.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at agad na dumiretso sa kwarto. Saglit akong nagshower ulit saka nahiga sa kama.
Hindi agad ako nakatulog dahil pilit na sumisiksik sa utak ko ang nangyari samin ni Armstrong. Araw araw nalang ay ginigulo ng babaeng yon ang utak ko.
Wala sa sariling napahawak ako sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay nakalapat pa dito ang labi niya.
Kinuha ko ang unan ko at niyakap ito hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na ko..
______________________________
"Cellphone ringing..."
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa table na katabi ng kama ko. Hindi na ako nag-abalang i-check pa kung sino ang tumatawag at sinagot ko agad ito.
"Hello." Antok na sagot ko.
"Good morning Hija." Sagot naman sa kabilang linya.
Napamulat ang mata ko nang marealize kung sino ang nasa kabilang linya.

BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
RomantikWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...