Becky's POV
Hapon na rin nang makauwi ako sa bahay. Sobra ang naging pagod ko dahil sa paghahanap ng trabaho. Halos lahat ata ng coffee at milk tea shops pati na rin restaurants na malapit lang sa school ay pinuntahan ko para makapagpasa ng resume ko. Mas maganda kasi kung malapit lang sa school para madali akong makakapasok sa trabaho pagkatapos ng klase. 8AM to 12NOON lang naman ang schedule ng pasok ko kaya makakapagtrabaho pa ko after. Sana naman ay may tumawag na sakin one of these days. Kailangan ko na talagang makapagtrabaho para naman matulungan ko si mama sa gastusin at para na rin hindi na niya iisipin ang baon namin ni Richie pati kung may mga project sa school.
"Anak, bakit ngayon ka lang umuwi? Diba hanggang alas dose lang naman ang klase mo?" Tanong sakin ni mama nang makita niyang nakaupo ako sala. Hindi naman siya galit dahil alam naman niyang wala akong gagawin na hindi maganda.
"Ma, nagtext po ako sayo diba? Hindi mo ba nareceive?" Balik na tanong ko.
"Wala naman akong natatanggap na text galing sayo, anak." Sagot naman niya.
Tiningnan ko agad ang cellphone ko. Doon ko napagtanto na hindi pala nasend yung text ko kanina. Natampal ko nalang ang noo ko dahil sa katangahan ko. Naalala ko na naman tuloy yung pinag-usapan namin ni Kirk kanina.
"Aiiiiiisssht! Nakakainis!"
"Bakit, anak? May problema ba?" Biglang tanong ni Mama.
"Wala po, Ma. Hindi pala nasend yung text ko sayo kanina. Sorry po." Sagot ko.
"Okay lang, anak. Bakit nga ba hinapon ka na ng uwi?" Tanong niya ulit.
"Naghanap hanap po kasi ako ng pwedeng maging part time job na malapit lang sa school, Ma. Tutal hanggang 12 lang naman ng tanghali ang klase ko, pwede pa po akong magtrabaho kahit hanggang hapon lang. Gusto ko naman pong makatulong sainyo kahit papano." Mahabang paliwanag ko.
"Ano ka ba, anak. Hindi mo naman kailangan magtrabaho, magfocus ka lang sa pag-aaral mo ay masaya na ako. Responsibilidad ko kayo ni Richie. Makapagtapos lang kayo ng pag-aaral ay masayang masaya na ako." Naluluhang sabi ni Mama.
"Ma, payagan mo na ko, please? Pangako ko hinding hindi ko papabayaan ang pag-aaral ko kahit may trabaho na ko. Pleaseeeeeee po?" Lambing ko naman kay Mama.
"Ikaw talagang bata ka. Oh siya, sige na. Pinapayagan na kita. Basta't wag mong papabayaan ang pag-aaral mo ha?" Sagot naman niya.
"Opo, Ma. Pangako hindi ko papabayaan ang pag-aaral ko." Sagot ko sabay yakap kay Mama.
"Oh, siya. Pumunta ka na sa kwarto mo. Magpahinga ka muna at magpalit ng damit. Tatawagin ko nalang kayo ni Richie mamaya para maghapunan. Magluluto na muna ako." Sabi niya at nagpunta na sa kusina para mag-asikaso ng kakainin namin mamayang hapunan.
Pumasok na ako sa kwarto para magpalit ng damit. Nahiga muna ako dahil sa sobrang pagod ko. Hanggang sa di ko namalayan ay nakatulog na ko..
"Sawakas! Break time na! Tara na Becky, nagugutom na ko. Punta na tayo sa canteen." Excited na aya sakin ni Yuki.
"Wait, ayusin ko lang gamit ko." Sagot ko.
After kong ayusin ang gamit ko, naglakad na kami agad ni Yuki papunta sa canteen. Hindi namin kasama si Nop ngayon dahil may pupuntahan daw siyang tropa sa kabilang section.
"Libre kita ngayon, Yuki. Nakasweldo na ko. Pero wag masyadong mahal ha? hehe!" Natatawang sabi ko kay Yuki.
"Wow! Congrats to your first salary, Becky! Spaghetti tsaka fried chicken, pwede? Haha!"

BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
RomanceWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...