Becky's POV
"Rebecca, I need to do some errands. Kayo muna ang bahala dito sa store ni Noi." Paalam ni Miss Mind.
"Yes Ma'am." sabay na sagot namin ni Noi.
"Call me kung may problema, okay?" sagot niya saka lumakad palabas ng cafe.
"Rebecca, pasuyo naman. Baka pwedeng pakihugasan yung mga ginamit ko kanina. May need lang akong i-check sa record natin." pakiusap ni Noi.
"Oo naman, walang problema." sagot ko naman dito.
Habang naghuhugas ay narinig kong nagsalita si Noi.
"Good afternoon! Welcome to Tea Talker House." masayang bati nito sa customers.
Wala akong narinig na sagot mula sa customers kaya hindi ko na ito binigyan ng pansin. Mabilis ko nalang na tinapos ang mga hugasin.
"Tapos na akong maghugas, ako ng bahala sa oorder. I-check mo nalang yung mga kailangan mong i-check diyan." nakangiting sabi ko kay Noi.
"Thank you, Rebecca." sagot naman nito.
Habang naghihintay lumapit ang customer ay nagcheck muna ako ng mga stock namin para mairecord kung may mga dapat na bang bilhin.
Naramdaman kong may tao na sa harap ng cashier kaya agad naman akong humarap dito.
"Good afternoon, what's your order?" nakangiting bati ko sa customer at saka tumingin dito.
Nagulat ako nang makita kung sino ito.
"Saint?"
"Oh! Hi, Rebecca, right?" nakangiting bati nito.
"Yes." medyo nahihiyang sagot ko.
"You are working here pala ha?" nakangiti parin na sabi nito.
"Uhm.. Yeah." sagot ko naman.
"Anyway, pa order ng 7 na wintermelon milk tea and 7 na cheese cake. Thank you." - Saint
"Would that be all, Sir?" magalang na sagot ko.
"Yeah, and please don't call me Sir na, magkaklase naman tayo." nakangiting sabi naman niya.
Inabot nito ang card niya para magbayad.
"Thank you." nakangiting sabi ko pagkabalik ko ng card niya.
"Anyway, pwede bang pakiserve nalang yung order ko? Para na rin makita ka nila. For sure ay matutuwa sila." request nito.
"H-ha? I mean, of course." nauutal na sagot ko.
"Okay. Wait nalang namin ha? Thank you." sabi nito saka umalis.
"Patay.. For sure kasama nila si Freen! Haaaayss! Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin." sa isip ko.
Habang ginagawa ang order nila ay kinausap ko si Noi.
"Noi, okay lang ba kung ikaw nalang ang magserve ng order nila?" tanong ko dito.
"Naku, Rebecca. Ang dami ko pa kasing ichecheck dito sa record eh, baka pag umalis ako makalimutan ko kung saan ako tumigil." sagot naman nito.
"Nahihiya kasi ako, mga kaklase ko sila." malungkot na sabi ko.
"Bakit ka naman mahihiya? Hindi ka naman kuba eh." sagot niya.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
Lãng mạnWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...