Freen's POV
Pagbalik ko sa table namin ay agad na hinanap ng mata ko si Armstrong, ngunit wala ito. Dapat ay nandito na siya dahil nauna siyang lumabas sa CR.
Baka umuwi na dahil sa nangyari samin kanina? Pero nandito pa ang mga kaibigan niya. Nasan na kaya yun?
Natigil ang pag-iisip ko nang bigyan ako ni Kirk ng baso na may lamang alak. Agad ko naman itong ininom na para bang uhaw na uhaw.
"Woah! Someone wants to get wasted tonight." Si Tee.
"Dahan dahan lang Freen, hindi mauubos ang alak natin." Natatawang si Kirk.
I just rolled my eyes tsaka inabot ang baso kay Kirk para refill-an. Nilagyan naman niya ito ulit.
Pag abot sakin ay ininom ko agad saka inabot ulit ang baso kay Kirk para lagyan ulit ng alak. Iinumin ko na sana ulit nang pigilan ako ni Kirk.
"Easy, Freen." Sabay kuha ng baso sa kamay ko.
Tiningnan ko naman ito ng masama sabay kuha ulit ng baso sakanya pero hindi ko na muna ininom yun.
Natanaw ko naman si Armstrong na naglalakad papunta dito sa table namin. Nakatingin lang ako sakanya.
God! She's so beautiful..
Habang papalapit siya ay siya namang bilis ng tibok ng puso ko. Wala sa sariling ininom ko ang hawak kong baso na may lamang alak.
Bumalik lang ako sa realidad nang bumulong si Tee.
"Baka matunaw yan." Asar nito.
Hindi ko siya pinansin at tumingin sa pool area.
"Guys, hindi ba kayo nabobored? Parang ang boring ng inuman na 'to. Maglaro tayo ng truth or dare para masaya." Si Nam.
"Game!" Sina Tee at Kade.
Wala nang nagawa ang iba samin dahil kumuha na ng isang boteng walang laman si Nam para paikutin.
"Kung kanino tatapat ang nguso nitong bote ay siya ang pipili kung truth or dare. Kung sino naman ang nagpaikot ng bote ay siya ang magtatanong." Si Nam.
"Kapag hindi nasagot ang tanong or hindi nagawa ang dare, ay iinom ng dalawang beses,okay?" Habol pa nito.
Pinaikot na ni Nam ang bote at kay Kade ito natapat.
"Ano ba yan, ako agad. amp!" Si Kade.
"Truth or dare?" Nam.
"Dare nalang." Kade
"Okay. Kiss mo sa cheeks kung sino sa tingin mo ang pinaka hot dito." Nam
Isa isa niya kaming tiningnan pero tumigil kay Nop ang tingin niya. Lumapit siya dito at mabilis na hinalikan ito sa pisngi.
"Wooooooooo!" Sigaw nila habang si Nop ay namumula.
"Okay, next!"
Si Kade naman ang nagpaikot ng bote at tumapat ito kay Kirk.
"Truth or dare?" Kade
"Dare!" Kirk
"hmmmmm..Mag sexy dance ka sa harap ng crush mo." Kade
Tumayo ito at umikot sa table namin. Natigilan ako dahil kay Armstrong siya tumigil.
Nag sexy dance naman ito na parang inaakit si Armstrong. Itong isa naman ay pulang pula sa sobrang kilig. Inis na inalis ko ang tingin sakanila.
"Woooooooo! Mooooooreeeee!" Sigaw nila habang tawang tawa na nakatingin kila Kirk.
"Tssss." Sa isip ko.

BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
RomanceWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...