Chapter 4 - The Encounter

1.3K 61 1
                                    

Becky's POV

"Hayyyy! Nakakapagod! Sobrang laki pala talaga nitong school natin." Pagod na sambit ko kila Yuki at Nop.

Nandito na kami ngayon sa cafeteria para kumain. May baon na akong pagkain dahil alam ko na mahal ang mga bilihin dito sa canteen. Hindi ganon kalaki ang baon ko, sakto lang sa pamasahe ko. Mabuti nalang at dinaanan ako nila Yuki kanina para isabay ako.

"Tara, order na tayo. Nagutom ako sa pag-iikot natin." Aya ni Yuki. Tumayo naman si Nop.

"My dala akong baon, Yuki. Kayo nalang ni Nop bumili. Tsaka sigurado ako mahal ang mga pagkain dito, hindi rin kasya yung baon ko." Sabi ko habang nanatiling nakaupo.

"Wag kang mag-alala, Becky. Ako ng bahala." Sabi ni Nop.

"Naku, hindi na, Nop. Okay lang ako. Sinabay niyo na nga ako sa pagpasok tapos inikot niyo pa ako dito sa school. Nakakahiya na sainyo ni Yuki." Sagot ko naman.

"Ano ka ba, Becky? Okay lang yun no! Saka gusto namin na ilibre ka ni Nop. Wala ka ng magagawa. Haha!" Pahayag ni Yuki.

"Aiiisht! Kayo na nga ang bahala. Kung ano nalang ang kakainin nyo, yun nalang din sakin. Hayaan nyo, babawi ako sainyong dalawa. Naghahanap na ako ng part time na trabaho. Malilibre ko rin kayo sa susunod." Sabi ko.

"Okay lang, Becky. Para saan pa't magkakaibigan tayo? Sige na, bibili na muna kami ni Nop. Hintayin mo nalang kami dito sa pwesto natin." -Yuki.

"Sige." Maikiling sagot ko.

Umalis na sila Yuki habang ako naman ay naiwan dito sa pwesto namin. Hindi ko na nilabas yung dala kong baon. Nakakahiya din naman dahil kanin at pritong itlog lang naman ito.

Last week ay naghanap hanap ako ng trabaho na pwede kong isabay sa pag-aaral. Sana merong tumanggap sakin kahit part time lang para naman makatulong ako ng konti sa gastusin sa bahay at pambaon namin ni Richie.

Natigil ang pag-iisip ko nang makita ko ang grupo nila Freen na pumasok ng cafetria. Nakaharap kasi sa pinto ng canteen ang pwesto namin kaya kita ang sinomang papasok dito. Nagkatinginan kami ni Freen ngunit inirapan lang ako nito.

"Ano kayang problema ng babaeng to? Tss." Sabi ko nalang sa sarili ko.

Hindi ko alam kung bakit pero kahit inirapan niya ko, hindi ko inalis ang tingin ko sakanya. Doon sila sa bandang dulo pumwesto. Maya maya ay napatingin rin sakin si Kirk at kumaway ito. Tinanguan ko naman ito. Napatingin ulit ako kay Freen at tulad kanina, inirapan ulit ako nito.

"Matanggal sana yang mata mo kakairap." Sabi ko sa sarili ko.

Hindi naman nagtagal at dumating na sina Yuki at Nop na may dala dalang dalawang tray. Nagulat ako sa binili nilang pagkain dahil napakarami nito. May pizza, spaghetti, carbonara at fried chicken.

"Nakaparami naman ata nito, parang huling kain na natin ito ah?" Sabi ko sakanila.

"Gutom na gutom kasi ako, kung anong makita ko inorder ko nalang" Natatawang sabi ni Yuki.

"Okay lang yan, Becky. Mauubos natin yan." Sabi naman ni Nop.

Napailing nalang ako sakanilang dalawa. Nagsimula na kaming kumain.

"Ang laki ng gym nitong school na to, no? Anong mga sports ang meron dito?" Tanong ko.

"Actually, madami. Pero mas binibigyan ng pansin ngayon ay basketball. Si Kirk ay isa sa mga varsity player dito." Sagot ni Yuki.

"Talaga? For sure magaling maglaro si Kirk." Sagot ko naman.

"Oo, MVP siya nung senior high. Sikat na sikat yan sa mga kababaihan dito." Sagot ulit ni Yuki.

"Mas magaling pa ko dun sa Kirk na yun eh." Nakasimangot na sabi ni Nop.

"Eh bakit hindi ka kasali?" Tanong ko kay Nop.

"Tinatamad kasi akong magtry out. Gusto mo bang sumali ako?" Balik na tanong ni Nop.

"Oo naman, sabi mo magaling ka dba? Mas maganda yun, magiging magkakampi kayo ni Kirk." Sagot ko.

"Okay, sige. Magttry out ako next week." Sagot naman ni Nop.

"Sus! Magttry out ka lang kasi sinabi ni Becky." Pang-aasar na sabi ni Yuki.

"Ewan ko sayo." Inis na sagot naman ni Nop.

Napailing nalang ako sa dalawang 'to.

"Wait lang guys, cr muna ako bago tayo bumalik sa room". Paalam ko.

Tumango lang yung dalawa.

Naglakad na ako papuntang cr, mabuti nalang merong cr dito sa cafeteria, hindi na ako lalayo.

Habang papalapit ako sa cr, napansin ko na may dalawang babae sa labas at nag-uusap.

"Sa iba nalang tayo mag-cr." Sabi nung isang babae.

"Sige, tara na." Sagot naman nung isa.

"Bakit kaya? Under maintenance ba ang cr dito?" Tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nung dalawang babae, dumiretso pa rin ako dahil ihing ihi na ako. Pagtapat ko sa pinto ng cr, nagulat ako dahil nandon pala si Freen. Nagsasalamin at nag-aayos.

Napatigil ako sa pagpasok. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako o lalabas nalang ulit. Ilang segundo rin akong nakatayo sa may pintuan ng tumingin sakin si Freen. Tinaasan nya ako ng kilay. Habang nakatingin siya sakin ay tiningnan ko lang din siya. Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti si Freen. Narealize ko na sobrang ganda niya pala. Yung mga mata niya..Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa mga mata niya. Kung tingnan niya ako ay parang tumatagos sa pagkatao ko. Bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong papunta sa mga labi niya..Napako ang tingin ko don. Binasa niya ng dila yung lips niya.

"Shit..Ang perfect ng lips niya. Parang ang sarap....." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana sa sarili ko nang mapansin ko na nakalapit na pala siya sakin. Nakatingin lang ako sakanya.

"Move out my way!" Hindi ganon kalakasan pero may diin niyang sabi.

Nabigla ako at napaatras nalang mula sa pinto ng cr. Tinaasan niya ko ng kilay at inirapan bago lumabas.

"Shit! Anong nangyari sakin? Parang nahyptnotized ako sa mga mata at labi nya." Usal ko.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at pumasok na ulit sa cr. Nakalimutan kong ihing ihi na pala ako. Tinapik tapik ko ang pisngi ko para matauhan.

Pagkatapos ko mag-cr ay nagmamadali akong bumalik sa pwesto namin dahil baka naiinip na sina Yuki at Nop.

"Anong nangyari sayo, Becky? Bakit parang nakakita ka ng multo diyan sa itsura mong yan?" Tanong ni Yuki.

"Natae kasi ako Yuki, akala ko hindi lulubog kaya kinabahan ako. Mabuti nalang lumubog. Sobrang dami naman kasi nating nakain." Pagsisinungaling ko.

Tawang tawa naman sina Yuki at Nop dahil sa sinabi ko.

"Tara na nga, baka malate pa tayo sa susunod na subject natin." Aya ko sa dalawa.

At naglakad na kami pabalik sa room namin..


___________________________________

RheigneG.



Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon