Chapter 43 - Lunch Date (Becky's POV)

2.2K 93 30
                                    

Becky's POV

Hindi mawala wala ang ngiti sa mukha ko hanggang sa makarating ako sa room. Ewan ko ba, ang saya saya ko talaga ngayon.

Maya maya ay dumating na sila Yuki at Nop. Pag-upo palang ni Yuki ay inusisa agad ako nito.

"Totoo bang friends na rin kayo ni Freen?" tanong niya.

"Ah eh.. Oo. Mabait naman pala siya." sagot ko.

"Eh ano naman yung ibibigay mo sakanya at kailangan pa na sakanya ka sumabay?" tanong ulit niya.

Si Nop ay nakikinig lang samin.

"Nagpatulong kasi siya dun sa math subject natin. Tinuturuan ko siya sa mga equation." palusot ko.

"Naku, Becky. Baka mamaya kinakaibigan ka lang niyan para sa mga ganyan. Naku, pag may ginawa talaga yun sayo, lagot siya sakin." inis na sabi ni Yuki.

"Ano ka ba, Yuki. Hindi naman siguro siya ganon. Change topic na nga tayo, Bes." sagot ko sakanya.

"Hmp! Sige na nga." napilitang sagot niya.

Kumuha nalang ako ng libro para magbasa, para na rin hindi na magtanong pa si Yuki. Ang hirap magsinungaling sakanya.

Maya maya ay napatingin ako pintuan ng room namin, sakto namang may dalawang taong magkahawak kamay ang pumasok.

Si Freen at Saint.

Malungkot na nakatingin lang ako sa magkahawak na kamay nila.

Haaaay! Wala naman akong magagawa. Mag jowa sila eh. Kami M.U lang, malabong usapan. :(

Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa ibang direksyon at saka tumingin sa hawak kong libro. Pinilit kong hindi sulyapan si Freen. 

Nakakainis. Parang nagtatampo na naman ako sakanya. Haayss!

Maya maya naman ay dumating na ang prof namin para sa unang subject.

Pilit na inalis ko muna sa isapan ko si Freen. Kailangan kong magfocus. Pinipigilan kong tumingin sa direkson niya.

Hanggang sa dumating ang break time.

Mabilis akong kumilos. Inayos ko ang mga gamit ko at pagkatapos ay tumayo na ako para lumabas.

"Bes, una na ko sa canteen ha? Wait ko nalang kayo dun." paalam ko kay Yuki at saka mabilis na naglakad palabas ng room. Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Yuki.

Malapit na akong makalabas ng room nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko.

Medyo nagulat ako nang makita ko kung sino yon. Nakangiting nakatingin sakin si Freen, may nilagay ito sa kamay ko saka mabalis na naglakad papalayo.

Pagtingin ko sa kamay ko ay isang nakatiklop na papel ang nakita ko. Mabilis kong binuklat ito.

"Go to the library..." ang nakasulat sa papel.

Nagdadalawang isip ako kung susundin ko ang nakasulat dito sa papel. Pero syempre, marupok ako kaya naglakad na ako papuntang library.

Itetext ko sana si Yuki kaso naalala kong wala pala akong cellphone. Bahala nalang mamaya.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na ako sa library. Pumasok ako at hinanap ko si Freen don ngunit hindi ko siya nakita.

Baka nauna ako sakanya kaya lumabas nalang muna ako ng library. Dun ko nalang siya hihintayin.

Ilang minuto na akong naghihintay pero wala pa rin siya. Naisip ko na umalis nalang, baka kasi magkasama sila ni Saint ngayon.

Maglalakad na sana ako nang may isang estudyante ang lumapit sakin.

Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon