Becky's POV
Paglabas ko ng comfort room ay hindi na ako bumalik sa table namin. Sa itsura ko ngayon ay siguradong magtataka ang mga kasama ko.
Dumiretso na ako sa room namin. Maaga pa naman para sa susunod na subject kaya makakapag-ayos ako ng sarili ko bago dumating ang mga kaibigan ko.
"Bes, dumiretso na ako sa room, nakalimutan ko may kailangan pala akong basahin." Text ko kay Yuki.
Mabilis na nag-ayos ako ng sarili bago dumating ang mga ito. Pagkatapos ay kumuha ako ng libro para pagdating nila ay makita nilang nagbabasa ako.
Hindi nagtagal ay bumalik na ang mga ito.
"Bes, bakit hindi mo kami sinabay pabalik dito sa room?" tanong agad ni Yuki pagkaupo niya.
"Nagtext ako sayo, Bes. Hindi mo ba nabasa?" balik na tanong ko.
"Nabasa ko naman, pero pwede mo naman kaming isabay pabalik ng room" tila nagtatampong sagot niya.
"Nakita ko kasi na busy kayong magkwentuhan ni Tee kaya hindi ko na kayo inistorbo. Wag ka na magtampo, Bes." sagot ko naman dito.
"Hmp! Sige na nga." napipilitang sagot niya.
Hindi ko na ito sinagot, bumaling ako ulit sa libro na binabasa ko. Pero ang totoo ay nakatingin lang ako dito. Kahit kasi basahin ko yun ay wala din namang pumapasok sa isip ko. Masyadong okupado ni Freen ang utak ko.
Sana ay tama ang naging desisyon ko. Mas maganda nalang talaga ang iwasan ko siya. Habang tumatagal kasi parang lalo ko lang siyang nagugustuhan.
Nanatili lang akong nakatingin sa libro hanggang sa dumating ang professor namin. Hangga't maari ay ayoko munang makita si Freen, baka magbago ang isip ko.
Ang problema ay magpartner kami sa research paper, paano kaya ang gagawin ko? Haaaaays!
______________________________
Mabilis na natapos ang klase namin, ngayon ay uwian na. Nagmadali akong mag-ayos ng gamit para makalabas agad ng room.
"Bes, bakit parang madaling madali ka?" tanong ni Yuki.
"Ah, may pasok kasi ako sa trabaho, ayokong malate." sagot ko naman.
"Ano ka ba, Bes. Tuesday ngayon, wala kang pasok." sagot niya.
Shit, oo nga. Wala akong pasok ngayon. Nawala sa isip ko.
"Ay oo nga no? Hala, nawala sa isip ko." sagot ko.
"Lutang ka ata, Bes?" sagot nito.
"Haha, hindi naman. Anyway, hindi muna ako makakasabay sainyo ni Nop ngayon ha? Bye, guys!" paalam ko saka mabilis na lumabas ng room.
Lakad takbo ang ginawa ko para mabilis akong makalabas ng school. Kailangang panindigan ko ang naging desisyon ko. Bawal akong maging marupok.
Medyo natagalan akong nakasakay ng jeep dahil halos lahat ng dumadaan ay puno na. After 15 minutes pa bago ako nakasakay.
Halos 30 minutes ata ang naging byahe ko dahil medyo traffic ngayon. Pagbaba ko ng jeep ay mabilis akong naglakad papunta sa bahay dahil sa sobrang init. Ayokong mangamoy cracklings.
Mabilis akong pumasok ng bahay saka dumiretso sa kwarto. Ang lagkit ng pakiramdam ko sa sobrang init kaya naisipan kong maligo.
Nagpahinga muna ako ng mga 10 minutes bago tumayo at naghubad ng damit. Tanging tuwalya lang ang nakatapis sa katawan ko. Ako pa lang naman ang tao dito sa bahay kaya okay lang na lumabas ako ng kwarto na nakatuwalya lang.

BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
RomanceWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...